Page 7 of 14 Hindi na naalis pa ang ngiti sa mga labi ko nun kinabukasan, hanggang sa pagpasok ko sa school. Ayaw ko pa sanang pumasok. Gusto ko lang na makasama si El, hanggat kasama ko pa siya. Dalawang araw bago siya tuluyang umalis ng Bording House ay panay na siya sabi, mag-iingat daw ako. Pag-nagkaroon ng problema, paulit-ulit siya pero hindi ako nagsasawang pakingan ang mga hatubilin nya. Alam ko kasing sobra kong mamimiss ang kaniyang boses at ang kaniyang presensya. Habang pauwi ako galing school. Nakita ko si Emil sa kanto. Hinihintay niya nuon si Benji. Lumapit muna ako at tumabi, tamang kamustahan. Sa totoo lang, silang dalawa lang ni Benji bukod kay El ang naging kalapit ko sa Boarding house. "paano mo nalaman na gusto mo si Benji?" tanong ko kay Emil. Malayo naman kami s

