THE ALLEGROS
Wala na akong ginawa kundi magreview ng proposals at pumirma ng dokumento maghapon. They say that when you are on top, everything is easy, well they are all wrong, they do not know that one false move and you can change the lives of the people under you.
Great power, great responsibility.
Kaya hindi mo ako masisi kung pati ang paghahanap ng maaasawa ay pinalathala ko na sa mga pahayagan.
I am Air Allegro, the eldest of the 2nd generation of the the Allegro Empire. I can do whatever I want, without questions asked.
I rule. Simple as that.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. I looked at it at napangiwi nang makita ang mukha ni Noah sa screen.
"Noah" I answered.
"I am on my way to your house. Makikinood ako ng videos, you should be out of your office now. See you there"
"Noah Arcadius Allegro" I completed his name.
"Oh come on! Not my complete name! And loosen up a bit! Magte-take out na ako ng pizza!"
"Fine!" I grunted. Kasi alas-sais na din pala. And besides that I really have to watch those videos anyway. Mainam ng katabi ko ang punong-abala sa larong yun na walang iba kundi siya.
Tumawa ito. "See you! Mhuah mhuah" he said at nawala na sa linya. I don't get it. Nasanay nalang ba siyang maging beki or was it real already?
Bwisit na yun, baklang bakla na talaga umakto. But then we accept him for what he plays to be. Kahit maging Martian pa siya. We Allegros spoil him too, hindi man malinaw sa mata ng lahat but his reason to act such must be respected. Mabait siyang tao at maasahan sa lahat ng oras.
Napagdesisyunan ko naring lumabas ng office ko pagkatapos kong maibaba ang telepono.
"Going home sir?" Asked my secretary.
"Yes Luigi, go home too" sabi ko at saka siya iniwan.
Nasa kusina na si Noah when I arrived at home. May hawak na beer at kausap si Nanay Trining ang yaya ko na may beer din na hawak.
"Oh nandiyan na pala si Air" Nanay Trining said at saka inilapag ang bote sa mesa.
"Nakita ko na Nay, 'wag mo ng simplehan! Bistado ka ng nainom" I said.
Tumawa ito. "Isa lang 'nak, nakakaawa naman kasi itong si Noah, kapangit mag-pout!"
"Ay iba ka Trinity! Pinilit mo kaya akong pagbuksan kita ng isa! Intrimidita 'tong matanders na 'to, tseeeh" Noah said flipping his long imaginary hair.
The old woman chuckled.
Hinalikan ko sa noo ang yaya ko. "Bihis lang ako at isa lang ang inumin mo Nay" sambit ko.
"Kuuuu, natikim lang ako" she said.
Nailing nalang ako. At saka sila iniwan.
When I went down the stairs ay nagulat ako nang makita ang ibang lalakeng Allegro.
"NOAH ARCADIUS ALLEGRO" inis na sabi ko. I didn't know he invited all our other male cousins in the house.
"Present" he giggled at hindi na pinansin ang pagkumpleto ko ng pangalan sa kanya.
"Ano ito party?" I scoffed.
"Pinsan, may ipapanood ka daw sa amin?" Asked Kurt nakangisi ito.
I just sighed at hindi ko na sila tinignan lahat. "Umuwi na kayo" sambit ko.
"Nahhh, may pa pizza ka daw! Sabad ni Jace na prenteng nakasalampak sa sofa pero nagcecellphone naman.
"Ano ba kasi ang ginagawa niyo dito?" Inis na sabi ko.
"Duh Kuya! Manonood nga!" Mamya ay sagot naman ng paparating na si Shanta, ang nagiisa na babae sa mga Allegro."
"Oh ayan na pala ang muse" tawa ni Ian at saka sinalubong si Shanta ng malutong na halik sa pisngi.
"At ako ano? Flower vase? Muse lang ba ako pag may kailangan kayo?" Reklamo naman ni Noah.
"Nagselos na naman ang sexy" tawa ni Ezra na papasok mula sa balcony, may kausap kasi sa telepono kanina. Halata namang mga busy, nakuha pang pumunta dito sa bahay.
Lima ang mga Allegrong lalake na siyang mga magulang namin.
Ang Daddy kong si Henry ang panganay sa mga Allegro at kapatid ko si Shanta. Si Jace naman ay parang ulila na sa magulang. Nawawala kasi hanggang ngayon sina Tito June at ang asawa nitong si Tita Becca hindi pa sila matagpuan simula ng nagpunta sila sa Brazil. Si Tito June ang pangalawa sa mga magkakapatid na Allegro at ang tatay ni Noah na si tito Larry ang pangatlo na siyang kumupkop kay Jace.
Kurt on the other hand has one other brother pero nasa ibang bansa ngayon, si Kyle. They are the sons of the fourth Allegro na si Tito Fernando.
Ezra and Ian are brothers. Anak sila ng bunso nila Daddy na si Tito Samuel.
At lahat sila ay nandito ngayon para makiisyoso.
"Kunin mo ang Pizza sa kotse ko Ate Noah" utos ni Shanta. Siya kasi ang pinakabunso sa amin"
"Bakit ako? Eh ikaw ang bunso" Maldita nito.
"Ako na nga inutusan mong bumili, ako pa ang magbibitbit?"
"I'll get it" prisinta ni Jace at saka kinuha ang susi kay Shanta.
Nailing nalang ako nang matapos akong halikan sa pisngi ng bunso namin.
"Kumpleto na tayo, pwede ng magumpisa" Noah exclaimed at sabay palakpak pa.
"Wala kaya si Kuya Kyle" Shanta said.
"Sa makalawa pa ang balik" Kurt said.
"Siryoso talaga kayong makikinood ng videos?" I asked with disbelief.
"Nandito na kaya kami insan?" Tawa ni Ezra.
"Hindi kayo busy? Wala kayong mga kumpanyang pinapatakbo?" I mocked.
"Tssss, takot lang namin kay Noah, siya kaya nagpatawag ng assembly" Kurt laughed at inakbayan pa si Noah sa tabi niya.
"Magaling, magaling, ako kaya ang batas dito" maarteng sabi ng bakla.
"That's enough, let's finished this once and for all nang makauwi na kayo mga tsismoso" sambit ko.
Nagtawanan lang sila at nagsitayuan patungo sa theatre room.
Nang magumpisa ang palabas ay winarningan ko sila.
"Keep your comments to yourselves I do not want any reactions from you nor anything that could contribute to my decision making"
But of course, hindi nila ako pinakinggan at puro sila commento. Mga matataas din kasi ang standards ng mga bwisit. Shanta and Noah were the only objective or so I thought.
"Ano ba yan, sana lang mas malaki ang brains nila sa mga boobs nila!" Shanta exclaimed and rolled her eyes.
Noah chuckled at saka ako nginisihan ng nakakaloko.
_____________________________________________________________________
"So?" Taas kilay ni Noah habang nasa hapag kami. Nakikain muna talaga sila ng pinakbet ni Nanay Trining.
"They are fine" sambit ko pero sa totoo lang ay nahilo ako sa dami nila.
"Damn, magpapa-search narin ako ng maasawa!" Tawa ni Jace
"Ang lalaki ng hinaharap ng mga 'yon, yung totoo Air, mahilig ka sa pakwan" Ian said.
I just rolled my eyes.
"Bakit ikaw hindi mahilig sa niyog?" Sabad ni Shanta.
Ezra and Kurt chuckled.
"Kawawa naman ang magiging pamangkin ko kung flat chested ang mommy nila! I thought of their future you know, kailangan malaki ang milk factory" Noah said at saka tumayo.
"I am done, may gagawin pa ako sa mansion! You will meet the girls tomorrow actually Air Allegro" he said at saka uminom.
"Alis narin ako Kuya" Shanta said at saka tumayo narin at saka inisa-isa kaming halikan sa pisngi.
"Umalis na kayong lahat" I said at yun nga nagsitayuan na sila lahat.
"See you all in the board meeting" Ezra said at nauna ng umalis.
"Oiii Kuya Akki! Yung bayad mo sa pizza" Shanta shouted.
"Bebe Shanta talaga kahit kailan negosyante" Ezra said.
"2 thousand kasi na-traffic ako" lahad nito ng kamay.
Ezra chuckled and gave her the money. "Tuso" he said at saka umalis na.
And so Shanta gained 10k ng walang kahirap-hirap. Si Noah lang ang hindi niya pinagbayad. Ako na kapatid niya hindi pinatawad.
When they were gone ay oras narin pala para matulog but then I decided to watch the clips again. Studying each of the women, because they were really too many. Half of them should go home tomorrow after the lunch.
___________________________________________________________________
Maaga kaming pinatawag sa mansion. Stefani said that we are eating lunch with Air kaya makikita na naming 52 si future husband finally. Hindi ko pa din naman kasi nakikita ito in flesh, sa TV lang at sa magazines.
So ayun alas tres palang ng madaling araw ay hinihiludan na ako ng mother earth ko.
Salbahe din kasi itong Mama ko eh, alam na morena ako pilit akong hinihiludan, akala yata puputi ako na gaya niya.
"Ma, morena ako, give up ka na!" Sabi ko.
"Benedetta asan yung clorox" sigaw niya sa pinsan kong naghahanda na ng almusal.
"Oi Ma, muriatic nalang kaya? Akala mo yata sa akin nanggigitata eh" inis na sabi ko.
"Nak naman, ano ba kasi ang nakain mo at nagbilad ka sa arawan? Eh alam mong sobra ka na sa melanin tapos ang kapal pa ng face mong magbilad sa arawan" sermon nito.
"Ma, volleyball ang tawag doon! Outdoor activity!"
"Kalaro mo na naman ang mga tambay sa kanto! Ano na naman ang napanalunan niyo ng kagrupo mo?"
"Halo-halo lang ni Aling Simang" sabi ko at saka ako tumayo mula palanggana. Oo, may malaki kaming palanggana, kung saan ibinababad ni Mama ang mga tela niyang tinatahi. Minsan kasi nilalabhan niya muna ang mga tela lalo na kung bigtime ang customer para mabango.
"Mabuti nalang makinis ka at alagang calamansi ang mga kanto kanto ng katawan mo." She said at saka hinila ang ulo ko payuko para mapunasan ang buhok ko.
"Luto na ang eggy at fishy danggit!" Narinig naming sigaw ni Ben mula sa kusina.
"Hala sige magbihis kana. Mag ayos ka ng mabuti Mon-mon" bilin pa ng Mama ko bago ako iniwan sa banyo.
Hinatid nila ako sa sakayan. At binilinan ng mala-bibliyang utos. Amen lang ako ng Amen.
Pagdating ko sa mansion ay doon ko lang napagtanto na halos mapuputi silang lahat. May mga morena din na gaya ko pero halata mong alaga din sa mga kutis at mayayaman.
Pinagbreakfast kami ng continental breakfast from Allegro Hotels at doon palang ay solve na ako. Unang araw at ang sasarap ng pagkain, kaya lafang pa more. Kung pwede lang mag take out para kay Mama at Ben ay ginawa ko na.
Matapos kaming pinagbreakfast ay pinamili kami ng mga damit, may isang parte ng mansion na parang department store lang na kumpleto ng mga gamit. Kailangan daw naming i present ang mga sarili namin nang naaayon sa personalidad namin. We need to impress Air.
Naging abala kami sa pagpili ng damit at pag aayos ng sarili. Hindi naman talaga ako nagayos ng over gaya ng iba. Yung tama lang, nakita ko kasi sa isang parte ng mansion na may library. So I spared some of my time browsing the books there, kasi baka pauwiin na ako eh di wala ng chance diba?
And for me what you see is what you get. Kung maganda ka, maganda ka kahit bihisan kapa ng sako.
Hindi na nakapagtataka na mabilis nalang dumating ang alas dose y media kung saan ay pinapasok na kaming 52 sa isang maluwag na dining hall.
Fine dining ito. Salungat sa nakasanayan kong pwedeng magtaas ng isang paa habang nakain at kamayan style minsan.
Nagtatawanan ang mga katable ko, actually tahimik lang ako, kinikilatis ko kasi sila. Syempre mga kalaban ko itong mga kaharap ko. May mga mukhang anghel pero parepareho lang naman kaming may sungay at iisa ang pakay.
At iyon ay si Air Allegro na papasok na ngayon sa dining hall. In his three piece suit and not even a smile on his perfect face.
But damn, he's so deliciously gorgeous.