Ronnie's POV
Dahan-dahan Kong iminulat ang aking mata, bakit parang iba yata ang kulay ng aking kwarto ngayon.
Dahil hindi pa nakapag adjust ang aking mata kinusot kusot ko muna ito. Napabalikwas ako ng mapagtanto kong hindi ito yong kwarto ko.
Kung hindi pa pumasok si Gabriel , hindi ko pa maaalala na kaya pala ako nandito sa Kanila dahil sa nangyari kagabi .
" Gising kana pala sakto , Kakain na baka Kasi gutom kana bakla nakakahiya naman sa iyo. " Ganda ng bungad Niya sa akin .
Wala manlang pa good morning para maganda intrada Niya. Dahil nasa pamamahay ako nila , hahayaan ko muna siyang apihin ako.
" Geh sunod nalang ako, mag-aayos Lang ako bago bumaba. " Sabi ko sa kanya , tumango lang naman ito at iniwan akong basang basa sa ulan at walang masisilungan. Joke.
Ayoko naman na magtagal pa sa kwartong ito inayos ko na mga ginamit kong kumot at unan bago naghilamos. Nakakahiya naman Kong si nay lusing pa ang gagawa diba. Edi nasabihan akong tamad.
After that diritso na ako sa CR, naghilamos at mumog Lang muna. Ayoko pa mag toothbrush dahil kakain ang pangit ng lasa pag nagkataon.
Ng matapos ako sa morning routine ko kuno ay bumaba na ako. Sakto naman ang dating ko dahil naghahanda na si nanay lusing sa pagkain namin.
" Good morning po nay lusing . Tulungan ko na po Kayo " pagbati ko kay nanay lusing.
" Oh magandang Umaga din iho, okay kana ba ? " tanong sa akin ni nay lusing.
" Opo nay okay na po ako salamat po sa pagtatanong " sagot ko naman.
Nang matapos ang pag prepare namin ni Nay lusing ay inutusan Niya akong tawagin si kumag nasa likod daw ito nagbabasketball. No wonder may kalakihan din naman itong bahay nila.
Kung maganda sa harap ng bahay nila, mas may igaganda pa pala itong likod ng bahay nila, dahil sa dami ng bulaklak. Naisipan ko tuloy na mag picture mamaya dito. Tama Tama gagawin Kong photographer si kumag . Insert evil laugh.
" Oh my pandesal sa umaga " s**t si Kumag ba itong nakikita? One ,two three , eight. Oh my God walong abs.
Lord patawarin ninyo nawa ako. Pano ba naman kasi nakahubad lang naman ang loko habang naglalaro.
Those biceps na Kay sarap Lalo na pag mag shoshoot siya ng bola. Yummy. Pwede Niya din akong gawing ring. Oh my gad what I am thinking. Tukso layuan niyo po ako.
" Hoy anyare sa iyo . " Tanong ni kumag sa akin.
" Huh? "
Napa huh Lang ako sa kanya . Hindi ko Kasi namalayan nasa harap ko na pala siya. Bat kasi ang sarap Niya. Wait did I say that? Did I praise him? No way hindi siya masarap. Huwag kayong ano. Pasmado lang bibig ko..
" Sarap" nabulalas ko , nabigla Naman ako sa sinabi ng pasmado Kung bibig.
" Huh? Anong masarap bakla? Wait , pinagpapantasyahan mo ba ako? " Takang tanong nitong kumag.
" O- o este No way no ang pangit ng kawatan mo che. Walang abs. Kakain na daw sabi ni nay lusing bilisan muna. Tsaka pwede ba magdamit ka nga ang pangit Ng katawan mo. " Bulalas ko sa kanya.
Kaya siya pinagdadamit ko dahil baka siya ang makain ko, este bawal Kasi iyon sa harap ng pagkain.
" Sus kunwari ka pa bakla " tukso naman Niya sa akin.
" Che diyan kana bilisan muna payatot" Sabi ko naman. Actually hindi Naman siya payatot. Ginawa ko Lang yon para tumigil na siya.
Ang loko tawang- tawa lang sa ginawa ko.
Kasalan ng kanyang katawan to eh. Parang Ang sarap hawakan nung abs Niya at tusok-tusukin. Char enough for that.
" Nay susunod nalang daw po si Gabriel, nag aayos pa ho" Sabi ko naman kay nanay Lusing. Tumango Lang Naman Ito sa akin.
Tutal Wala pa si Kumag naisipan kong mag timpla muna ako ng kape.
" Nay , saan po dito kape niyo? " Pagtanong ko Kay nanay dahil hindi ko Alam Kung San nakalagay.
" Nakow anak buti naman nagsabi ka niyan, ipagtimpla mo din pala si Gabriel . Diyan sa drawer sa taas mo iho. " Pagbibigay Alam ni nanay lusing sa akin.
Binuksan ko ang drawer na nasa harap ko at voila sakto Greatest white coffee ang kape na available favorite ko.
As what nanay said ipagtimpla ko din ang kumag kaya dalawa ang kinuha kong kape.
Pagkatapos Kong kumuha ng kape ay nagtungo ako sa lalagyan ng mga Mug , and then I saw a mug na may drawing Ng panda kaya iyon ang aking kinuha.
Tapos kay kumag Naman ay plain white na mug na may nakasulat na Coffee with matching usok.
" Oh andiyan ka na pala kumag. Here's your coffee sir " ang loko-loko laki Naman ng ngisi ng tawagin ko siyang sir.
" Salamat babe " what? Babe yucks . Pa fall char.
" Anong babe ka diyan gusto mo ibuhos ko iyang kape sa iyo? " pagbabanta ko sa kanya.
" Tsk, parang nagjojoke lang eh " tawang-tawa naman ang loko. Mukhang happy siya today.
" Tinatawa mo diyan? " Tanong ko sa kanya.
" Wala masaya Lang ako bawal ba? "
" Nye Nye Nye " tanging sagot ko.
Sakto naman dumating na si Nanay lusing at nagsimula na kaming kumain. Hotdog at itlog at pancit cantoon Lang Naman ang ulam mukhang mapapadami ata ako ng Kain ngayon.
" Nga pala Bakla, mamaya hapon kanang umuwi, naipagpaalam na din naman kita Kay ate Lalaine Kanina pa. Tsaka pupunta dito sila kuya Bryan at buong tropa dahil nalaman na nila ang nangyari kagabi. " Pagbasag niya ng katahimikin namumutawi sa hapag kainan.
" Ayts kala ko pa naman makakauwi na ako balak ko sanang matulog maghapon eh. " sabay tusok ng hotdog at subo dito.
" Papunta na Yong mga iyon, mukhang may dala ding pagkain si Bryan mukhang may part two ng celebration daw dahil bigla nalang tayong nawala kagabi. " pagbibigay alam niya sa akin.
Since mukhang Wala na Naman akong magagawa kaya tumango Nalang ako sa kanya bilang sagot sa kanyang sinabi.
Nang matapos kaming kumain ako na naghugas , tutal sanay Naman ako maghugas. Hinayaan nalang din ako ni nanay lusing dahil magdidilig pa daw siya ng mga halaman.
Pakanta- kanta pa ako habang naghuhugas Wala eh sanay ako sa ganitong set up tsaka mas nahahasa ang boses ko. Feel ko may nakatitig talaga sa akin. Out of curiosity nilingon ko ito
" Ay unggoy ka " gulat ko dahil may nakatitig nga sa akin si Kumag pala.
Kumunot naman noo nito dahil sa nabubulalas ko.
" Sa gwapo Kong ito tatawagin mo Lang unggoy ? " Bulalas naman nito sa akin.
" Bat ka Kasi anjan at bakit mo ba ako tinitingnan" sagot ko Naman sa kanya.
Ang loko tumawa Lang instead na sagutin niya tanong ko.
"Bakit bawal ka bang tingnan? Tsaka napansin ko Kasi bagay pala sa iyo iyang jersey ko " lah pinagsasabi ng lalaking to Hindi ba siya kinikilabutan?
Tumingin naman ako sa suot mo ngayon at napansin Kong bagay nga sa akin.
" Ulol, umalis ka nga naasiwa ako sa iyo eh, tsaka isasauli ko naman to sa iyo huwag Kang mag-alala " Sabi ko sa kanya.
" Huwag na sa iyo na iyan bagay Naman sa iyo. " Tatanggi pa ba ako , hilig ko Kasi Ng mga jersey Lalo na pag nasa bahay Lang ako presko Kasi sila.
" Sige na oo na umalis kana tulungan mo Nalang kaya si Nanay lusing doon " pagsambit ko dito.
" Di na tumanggi din Naman si Nanay hintayin ko nalang sila Bryan nag text Kasi on the way na daw sila. "
Umalis Naman ito buti naman , mukhang sa sala na niya aantayin ang mga iyon.
Ipinagpatuloy ko naman ang pag-huhugas ng mga pinagkainan at pinaglutuan ng mga pagkain.
Nang matapos akong maghugas nagwalis naman ako para bongga. Ako Kasi Yong tipo ng Tao na ayaw ko ng madumi.
Habang nagwawalis ako may naririnig akong ingay sa sala mukhang dumating na mga kasamahan namin hindi Naman ako nag abala na tingnan sila dahil may ginagawa pa ako.
" Baklaaaaaaa , okay ka Lang Wala bang masakit sa iyo, " ang laki talaga ng bunganga nitong si Mariel.
Sila Jam , Julie at ate jade ay natatawa Nalang sa kanya.
" Teh, breath in breath out , breath in , breath out . " Sumunod din Naman Ang tanga.
Kahit kailan talaga tong babaeng to napaka walang hiya. Tawanan tuloy kami.
" Di bakla seryoso okay ka Lang ba talaga? " Seryoso nang tanong ni Mariel sa akin.
" Okay guys to inform you okay Lang ako don't worry. Di naman natuloy kasi dumating si Gabriel . " Pagpapaliwanag ko sa Kanila.
" Hayts buti naman at dumating talaga iyang si Gabriel " it was Julie
" Agree ako sa iyo dai. " Segunda Naman ni Mariel .
" Pero ano ba talaga meron sa Inyo ni Gabriel baks? " Tanong ulit ni ate Jade.
" Huh? Kaibigan Lang po talaga kami, kaya PO ganyan iyan si Gabriel dahil siya Mismo nagpaalam sa akin Kay father Raul. " Mukhang nakumbinsi naman Sila sa aking sagot.
Kasi totoo naman tsaka walang namamagitan sa amin and it will never happen.
Pero honestly crush ko na si kumag this past few days ko Lang na realize.
Nang matapos akong magwalis ay pumunta na kami Ng Sala kung nasaan ang tatlong lalaki na nanonood Ng basketball.
Nang Makita ko si kuya Bryan nahihiya Ito sa akin. Alam ko Naman ang dahilan pero he should not be ashamed Kasi hindi Naman siya ang gumawa diba.
Pinatay Naman ni kumag ang TV alam Niya Kasi na magkakaroon talaga ng masinsinang usapan.
" Ronnie pasensya kana talaga sa nangyari . " Pag hingi ng paumanhin ni kuya Bryan sa akin nung makaupo na kami .
" Kuya Bryan Kung Sino man dito ang dapat humingi ng tawad ay yong taong gumawa ng kasalan okay? Kaya huwag kana mag drama diyan kuya malulungkot si Mariel Sige ka " pagpapatawa ko.
" Hala ka bakla bakit nasingit ang pangalan ko diyan? " Nagtatakang tanong ni mariel. KAYA tawanan Lang kami at nakitawa din ang bruha kahit kailan talaga daig pa Niya ako sa kabaklaan.
Nang Makita kami ni nanay lusing Tuwang-tuwa Naman Ito dahil nagkaroon muli ng ingay ang bahay na Ito.
Siya din nag presinta na mag init Ng mga pagkain na dala ni kuya Bryan kaya hinayaan na namin si Nanay lusing.
" Guys laro tayo, " pag- suggest ni Mariel .
Pumayag naman kami sa naisip ni Mariel since wala naman kaming ginagawa.
" Truth or dare tayo guys huh " it was Kuya Bryan na nag suggest ng aming lalaruin.
" Wait kuha Lang ako ng empty bottles sa kusina " it was Gabriel at diritsong nagtungo sa kusina at pagbalik nito ay may dala na nga itong bote.
" Okay no need to explain the mechanics no, Alam ko Naman na Alam niyo Ang larong Ito. " Sumang-ayon Naman kami sa sinabi ni Mariel .
Nagsimula Ng paikutin ni Kuya Bryan ang bote hanggang sa tumapat ito Kay Mike.
" Okay Mike, Truth or dare? " It was Kuya Bryan asking Mike .
" Truth " sagot Naman ni Mike.
" Dahil napapansin Kong panay ka titig Kay Julie may gusto ka ba sa kanya? " Confident na tanong ni kuya Bryan.
Napakamot Naman sa batok si Mike at nakayuko Naman si Julie halatang nahihiya. Ang bruhang Mariel tumawa lang Naman Ng pagkalakas lakas.
" Ah o- oo crush ko Kasi si Julie matagal na " sigawan naman kami sa nalaman namin habang si Julie Naman ay nahihiya.
Hindi malabong magkagusto si Mike Kay Julie dahil naikwento nila sa akin na magkaklase daw sila.
Muling pinaikot ni kuya Bryan ang bote at tumapat ito kay Kumag.
" Naks, ikaw na bro " mukhang may kalokohang naisip si kuya ah.
" Truth or dare ? " Pansin ko Lang no one like to choose dare bakit Kaya.
" Truth . " Simpleng sagot ni kumag Kay kuya Bryan.
" Okay the question is Ilan na naging ex mo pangalanan mo at sabihin mo Kung alin doon ang pinaka minahal mo ? " Tahimik lang Naman kaming nakatingin Kay Gabriel.
Halos lahat kami ay nag-aantay ng sagot sa kanya.
" Apat palang naging ex ko Una si Joyce, pangalawa si Rina , pangatlo ay si Sophie at pang apat naman ay si Dindina. " honest nitong sagot sa amin.
" Sino don ang pinaka minahal mo . " Ako na nagtanong Hindi ko alam bigla akong naging interesado.
" Si Dindina " sagot niya naman napa
"ahh" lang kami sa sagot niya. Naging curious tuloy ako sa Dindina na sinasabi Niya sa akin. Mabait kaya siya?
" Okay next " muling pina-ikot ni kuya Bryan ang bote hanggang sa tumapat ito Kay Mariel.
" Truth or dare " tanong ni Kuya Bryan.
" Dare, para maiba Naman " dahil Sinabi niyang dare nag request ako Kay kuya Bryan na ako ang magbigay ng dare sa bruha. Natatawa tuloy ako sa naisip ko.
" Ayusin mo Yan bakla huh " pagbabanta ng bruha sa akin.
" Simple Lang naman gurl, magtimpla ka ng Juice at mag slice ka din Ng cake doon , tig-iisa sa Amin. Wait Ito pala lakihan mo sakin ang cake huh please thank you " pagbigay ko sa utos na naisip ko.
" Iyon lang naman pala eh sige go" walang reklamong sambit ni Mariel sa akin sabay tayo at nagtungo ng kusina.
" Tsk, takaw di Naman nataba. " Biglang Sabi ni kumag.
" Nyenye nyenye " sagot ko sa kanya.
Dahil sa ginawa ko tinawanan Lang Naman nila ako.
Back to the play muling pinaikot ni kuya Bryan ang bote , kinakabahan ako Kasi feel ko Kasi sa akin matatapat ang bote Voila sa akin nga.
" Ako magtatanong sa kanya " biglang Sabi ni kumag. Kinakabahan talaga ako sa kumag na Ito.
" Truth or dare " tanong Niya sa akin.
" I choose truth " Sabi ko naman.
" Okay since you choose truth I want you to tell the truth and narrate everything . May naging ex kana? You need to explain Kung bat Kayo naghiwalay. If you haven't an ex yet Sino Nalang crush mo dito " since I have no choice I need to explain everything sa Kanila.
" Okay my ex na ako. " Hindi Naman sila na shocked sa sinabi ko.
Flashback
This is it , senior high school na ako at kailangan ko ng galingan para maganda Ang mga grades at para Hindi ako mahirapang makapasok sa mga state Universities. Dahil masaya ako ngayon , patalon talon pa ako papunta sa aking room. Nung pagliko ko, bigla nalang akong may nabangga.
" Aray ko po ang sakit ng puwet ko " inis Kong sambit pagkaminalas nga naman oh.
" Hey are you okay " dahan dahan kong inangat ang mukha kong. s**t Ito na ba ang ang lalaking ipinadala ng Diyos sa akin upang akoy mahalin? Wait parang lyrics yon ah.
Pero s**t, Ang gwapo Niya Basta Yong mga dream boy natin guys.
" Hey are you okay? " He asked again na siyang dahilan para maputol Ang aking pagpapantasya sa kanya.
" Yeah I'm okay , medyo masakit Lang puwet ko. " Parang ngayon ko Lang Ito nakita dito.
" Let me help you " he offered kaya tinanggap ko Naman Ito. Ang lambot Ng kamay niya mga beks.
" Thank you wait are new in here? " I asked him.
" Yeah bago Lang ako dito can you tell me San ang room na Ito? " He asked me Naman. Nang Makita ko ang tinutukoy Niya voila same section kami. We're both HUMSS . Third floor room 107
" If you don't mind sama ka sakin since , we're the same Naman po " i offered him to accompany me .
Syempre mga beks pagkakataon na para lumandi no. Grasya na iyong lumalapit.
" Sure , the name is Kyler Ronchuelo " pagpapakilala niya sa akin.
" Ronnie Fuentabella " pagpapakilala ko Naman sa kanya. Wait Ronchuelo so it means anak siya ni Don Roman Ronchuelo ? Matangong nga SA kanya.
" Hey Kyler if you don't mind can I ask you a question? " tanong ko sa kanya.
" Yeah sure what is it? " tanong niya naman sa akin.
" Anak ka ba ni Don Roman ? " diritsuhang tanong ko sa kanya.
" My instinct is correct , you're asking that question sa akin. Yeah I'm the only son of Don Roman Ronchuelo. " Sagot Niya sa akin.
Kung ano ano pa ang naging usapan namin. Then he offered friendship tinanggap ko Naman syempre grasya to mga beks di ko na tatanggihan ito.
As the day goes by, lagi kaming magkasama ni Kyler hanggang sa dumating ang araw na umamin siya sa kanyang feelings towards sa akin and so do I. Tumagal ng isang buwan ang panliligaw niya hanggang sa , sinagot ko siya sa araw ng birthday ko na Kung saan may sorpresa siya sa akin that time.
Lumipas ang isang buwan biglang nagbago si Kyler. Naging malamig siya sa akin. And I couldn't figure it out. Hinayaan ko siya na Maging ganon.
Hanggang sa nalaman ko isang araw , maaga Kasi akong pumasok nun at nang malapit na ako sa classroom namin narinig ko ang pangalan ko. Kaya sinilip ko muna sila . Ah Ang mga rich kid pala sa classroom namin. Nakita ko Naman na si Joanna ay naka upo sa mga hita nitong si kyler. I just calm myself ayoko gumawa Ng gulo. At narinig ko ang katotohanan na pinag pustahan Lang pala ako nila.
Dali - Dali akong pumasok at binigyan ko Ng isang malakas na sampal ang walang hiyang si Kyler. Sa una na shock siya sa biglaang pagsampal ko.
" The f**k what's your problem? "
" I heard everything and it serves you right " Sabi ko naman sa kanya.
Akma sana akong sasampalin ni Joanna buti nalang nahawakan ko Ang kamay nito at Dali Dali Kong inalis.
" Hey you faggot, you're just dreaming akala mo ba papatol tong si Kyler sa iyo ? No way b***h , ilusyanadang bakla " dahil nainis ako sa sinabi niya kusang gumalaw ang mga kamay ko at bigla ko siyang nasampal.
" Ouch " daing niya. Akmang hahawakan ako ni Kyler ng pigilan ko siya.
" Don't you dare to touch me Kyler , baka masaktan Lang Kita " natakot naman Ito sa banta ko sa kanya. Dahil Alam Niya nag aaral ako ng Martial arts.
" And you " baling ko sa babaeng haliparot. " If you call me faggot then you're a slut. Capital S L U T slut and that slapped it serves you right b***h. " Sabay talikod sa Kanila.
Pumatak naman Ang mga luha na Kanina ko pa pinipigilan. Kala ko totoo Ang lahat yon pala palabas. Since that day , i never showed myself on them I transferred into another school . Gusto ko ng kapayapaan.
And I will never forget the two names who make my world a total mess. I'll promise , Don Roman and Kyler Ronchuelo you will never be forgotten hintayin niyo Ang pagbabalik ko. Mga walang hiya Kayo.
End of Flashback
" Hoy bat ka naiyak " pagpuna sa akin ni Jam. Hinawakan ko Naman ang aking pisngi at may luha nga.
" Hindi napuwing Lang ako ano ba Kayo " pagsisinungaling ko sa Kanila.
Mukhang nakumbinsi naman sila sa sinabi ko.
Kala ko naka move on na ako sa mga pangyayaring iyon pero nagkamali ako isa pala itong bangungot na pilit akong hinahabol.
" Hoy okay ka Lang? Kanina ka pa Kasi nakatulala diyan. " It was ate Jade who's in my left side.
" Ah oo Naman ate . " Sabi ko naman.
" Alam mo baks. You deserve to be loved kahit ano kapa , tsaka di mo deserve ang ganung lalaki. " Pag lilift up ni Jam ng nararamdaman ko.
" Of course I am thank you Jam. " sagot ko dito.
" Oh mga bakla Ito na " sigaw ni Mariel.
Sakto lang ang pagdating ni Mariel. Buti nalang may cake at mawawala nito ang lungkot na aking nararamdaman ngayon .
Dapat pala Hindi na ako nag kwento pero hayaan niyo na at least nakaya Kong ikwento. Actually I never state the name ni Kyler cause I don't want.
Naging maganda naman ang bonding naming magkakaibigan. Samut- saring usapan ang napag- usapan namin. Hanggang sa di namin namalayan hapon na pala. Napag pasyahan naming magsiuwian na.
" Salamat pala sa paghatid sakin at pagtulong kagabi " pagpapasalamat ko Kay Gabriel.
" Sorry " paghingi niya ng paumanhin.
" Bat ka nagsosorry? " Takang tanong ko Kay kumag.
" About Kanina don sa truth or dare "
Pagtukoy Niya sa naging laro namin Kanina.
" Ah okay Lang. Iyon Naman Kasi ang totoo. " Sabi ko sa kanya.
" Sabi mo Yan huh" paninigurado Niya sa akin.
" Oo ano kaba Wala iyon. "
" Baka Kasi galit ka, tsaka di ako mapakali Kanina pa " nahihiyang Sabi Niya sabay kamot sa batok Niya which is cute niyang tingnan.
" Hindi okay Lang talaga sige na umuwi kana baka hinahanap kana ni nanay lusing. " Sabi ko dito.
Nagpaalam Naman Ito sa akin. Hinintay ko itong makaalis muna bago ako tuluyang tumungo sa aking silid. But bago ang lahat dumaan muna ako Kay father Raul at ate Lalaine para ipaalam na nakauwi na ako.
I know life is so unfair , pero Wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na walang kasiguraduhan ang buhay ko ngayon Lalo na't may naiwan sa pamilya namin. Alam Kong hahanapin at hahanapin nila ako hanggat Hindi nila ako nakikitang patay.
Sambit ko bago tuluyang nakatulog.