"So grossed! Ang babastos!Yak puwede ba iyon dalawang babae sabay!" reklamo niya sa kawalan habang mabilis na binabagtas ang daan patungo sa kanyang cottage. Napasobra yata ang inum niya ng alak.Sinubukan niya kasing uminom ng alak habang nasa dalampasigan. Dalawang bote pa lang nga ang naubos niya ay tila umiikot na ang paningin niya. Hindi siya uminom sa loob ng bar dahil bukod sa maingay at mausok ay mas gusto niyang namnamin ang lasa ng alak ng mag-isa at tahimik. Sanay siyang mag-isa kaya't palagi itong hinahanap-hanap ng kanyang sistema.Though she is trying something new in her life, she still prefers her peace of mind and serenity within. Hindi niya namang aakalain na ang ipinasok niyang cottage ay hindi kanya.Nasobrahan yata ang bilang niya dahil para ng lutang ang pakiramdam n

