Buong gabi siyang walang tulog dahil tinotoo niya ang paghahanap sa magandang babae na hindi niya talaga makalimutan. Hindi siya uminom ng alak bagkus ilang cup ng kape ang naubos niya sa Lor Amor Hall kung saan siya namalagi ng iilang oras upang hintayin ang mga inatasan niyang maghanap. Kinaibigan niya kasi ang ibang resort staff na mga lalake upang tulungan siya sa kanyang misyon na makita ang nasabing babae.Siyempre binayaran niya ang mga ito upang mas mapabilis ang paghahanap. Maayos naman ang paglalarawan niya sa babae kaya't sigurado siyang mahahanap ng mga ito ang babae.Ngunit sumapit na lang ang madaling araw ay walang naibigay na impormasyon ang mga staff sa kanilang paghahanap. He felt frustrated once again.Pakiramdam niya ay natalo siya sa isang paligsahan o sugal.Mabuti pa

