"Maayo kay niabot naka day Eunice," bungad sa kanya ng Yaya Yoyeng niya paghakbang niya paakyat ng grand staircase ng mansyon. Akala niya ay hindi siya mahuhuli ni Yaya Yoyeng dahil wala namang katao tao pagpasok niya sa loob ng mansiyon. "Ai, ikaw po pala Yaya, ngano diay ya?" sabi niya pa sa butihing yaya na imbes ito pa ang magtanong ay inunahan niya na ito. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko hija, kagabi pa ako panay text at tawag, buti na lang hindi na nagtanong ang daddy mo kung nasaan ka kung hindi ay malalagot ako nito, ano bang nangyari hija?" sa lagay ng pag-iistima ng Yaya Yoyeng niya ngayon ay tila ito totoong ina niya. Ngumiti siya ng malapad at agad na bumaba ng hagdan at lumapit sa Yaya Yoyeng.Agad niya ito nilambing upang hindi na humaba ang pagsesentir nito. "Ya p

