"Mabuti at tinupad mo ang usapan natin, hijo, maaga pa naman, halika at samahan mo akong maglaro," sabi agad ng daddy Fred niya pagdating niya sa loob ng villa. Nasa malawak nila ito na bulwagan at nakaupo ito sa paborito nitong metal na upuan at nasa harapan nito ang metal na lamesa kung nasaan nakalatag ang chess board at nakaayos ang mga babasagin na piyesa. "Dad, I am not a kid anymore na mahihila mo lang ng basta basta sa paglalaro and one more thing I don't fancy giving time to that game," tanggi niya sa daddy niya. "At ano ang gusto mo Ethan?ang makipaglaro sa mga babae, inuubos mo lang ang oras mo sa mga iyan imbes atupagin mo ang pagpapalago ng negosyo natin, you don't have to start anew, you just have to continue what I have started," pangaral pa sa kanya ng daddy niya. "Dad,

