SANDY’S POV
Past 8 p.m. na nang makauwi siya sa bahay nila sa isang sikat at exclusive subdivision sa Makati. Kulit kasi ni Patrick, ang leading man niya sa soap opera na kasalukuyan nilang sinu-shoot. Pilit nang pilit na ihatid siya. Tigas naman ng tanggi niya. Utang na loob, baka sampalin lang ng tatay niya ng granada ang preskong iyon dahil ganitong ka-late na siya sa dinner nila.
But of course, OA naman ang naisip niya. Hindi naman bayolente ang tatay niya. Sa edad niya ngayon, at lalo na ngayong nakapagtapos na siya ng pag-aaral, nagsisimula na ring magtanong ang Dad niya kung may dini-date na ba siya.
Lagi niya itong binibiro na tinatakot nito ang mga manliligaw niya. Sasagot naman ito, “Ano ba naman yung 100 push-ups every time na dadalaw sila sa pamamahay ko and an average score of 10 per shot sa isang pistol shooting event.”
Babarahin naman niya, “Dad, that’s too much. Kaya feeling ko tatandang dalaga ako, eh.”
Guguluhin nito ang buhok niya na parang batang paslit pa rin.
“Only the best for the best princess in the world.”
Napapikit siya at napabuntong-hininga.
“Haaay… I so love my father. He’s the sweetest.”
He compensated for everything after her mother passed away. Pinilit nitong magpakatatag para sa kanya, at nagawa nito iyon with flying colors. Suddenly, she became teary-eyed again.
Bigla niyang pinunasan ang mga mata at tinawag ang tatay niya.
“Dad? Daaaad! I’m home. Let’s have our dinner.” Kinakatok niya ang kwarto ng Dad niya na nasa baba lang ng bahay. Sabi kasi ng yaya Elsa niya—yaya niya for 20 years now—ay nasa kwarto na raw ang Daddy niya. Nainip na raw sa kahihintay sa kanya.
Kaya hindi na muna siya nagbihis at agad na itong kinatok sa kwartong iyon. Siya na ang pumunta dahil sobrang miss na niya ito. Kababalik lang kasi nito from Eastern Mindanao. Halos three weeks din ito roon. Sa cellphone lang sila nakakapag-usap, na madalang din dahil busy rin siya.
Biglang bumukas ang pinto kaya hindi na natuloy ang pagkatok niya ulit. Nakakunot-noo ang Dad niya nang bumungad sa mga mata niya, subalit gwapo pa rin ito. Nginitian niya ito.
I miss this best Dad in the universe, naisip niya.
OA, pero iyon talaga ang feeling niya. Wala na sigurong tatalo sa pagiging super Dad ng tatay niya. At the age of 59, malakas pa rin ito. Parang kung titingnan mo ay nasa mid-40s pa lang. Palibhasa, sanay sa ehersisyo.
Na-promote ito sa pagka-General ng Philippine Army noong 48 years old pa lamang. Bakit hindi? Isa itong masigasig, may integridad, at matuwid na sundalo. Sa katunayan, hindi mabilang ang mga medalya at plaques na natanggap nito—Presidential Medal of Merit, plaques of merit, outstanding service awards, at marami pang iba.
That’s why she’s so proud of this man.
Kaya lang, hindi pa rin nawawala ang pagkakunot-noo nito.
“Dad, what’s with that face? I miss you so much.” Sabay lambitin niya ang leeg nito na medyo may kataasan dahil 6’1” ang height nito kumpara sa 5’5” niyang sukat. Pinupog niya ng halik ang mukha nito, gaya ng madalas niyang gawin kapag naglalambing siya at nagtatampo ito.
“Sandra, anong oras na?!” angil nito. “I was expecting you at 1900 hours, pero nakatulog na lang ako, wala ka pa. Akala ko ba isang oras lang ang ipaghihintay ko? Halos magdadalawang oras na, ah?”
Ganoon ang tatay niyang ito. Madalas nadadala ang mga military terms and gestures nito sa bahay nila, lalo na kapag medyo nagagalit.
Hindi siya natinag. Nagpatuloy lang siya sa paglalambing.
“Dad, si Patrick kasi, pinipilit akong ihatid dito, eh ayoko naman. Medyo natagalan kami ng kulitan. Sabi ko, pag hinatid niya ako, papaluin mo siya ng rifle. Ayun, tumigil din.”
Nakita niyang umiling-iling ang Dad niya habang nakangiti.
“At sino na namang Patrick ’yan? Nangongolekta ka yata ng mga manliligaw na puro duwag.” Pang-aasar pa nito na todo ngiti.
“Kaya nga walang pumapasa sa kanila kasi hindi sila kasing-tapang ng tatay kong World War II veteran.” Balik pang-aasar niya.
Humalakhak lang ito.
Alam niyang nawala na ang tampo nito.
“Kain na tayo, Dad? Gutom na ’ko. Pinahanda ko na po yung dinner natin. So…” aniya habang pumunta pa sa likuran nito. Alam nitong gusto na naman niyang umangkas sa likod nito, na madalas niyang ginagawa.
“So what?” tanong nito sa sinasabi niya, nakangiti na. Hindi na nga galit.
”…so, pa-piggyback ride, Daaad!”
Sabay sampa niya sa likod nito.
Parang hindi man lang ito natinag. Ang lakas talaga ng tatay niya. Sabagay, slim naman kasi siya.
Nag-umpisa na itong maglakad habang nakasakay siya sa likod nito.
“Bigat na ng baby ko. Dalaga na talaga.”
“Mas mabigat pa nga sa akin yung baril mo, eh.” Napasimangot na sagot niya.
“Nga pala, kumusta ang trabaho mo?”
“Okay naman po, Dad. Manageable pa naman so far,” sagot niya na nakahilig na ang mukha sa likod nito.
“Anak, huwag masyadong magpakapagod sa trabaho. Hindi pa naman ako ganoon katanda, kaya pa naman kitang buhayin.”
“Dad, I love my job kaya po hindi ako nakakaramdam ng pagod sa ginagawa ko.”
Pagdating sa dining area ay bumaba na siya at pumuwesto sa madalas niyang upuan. Naihanda na ang dinner nila.
“Wooooh! These are all my favorites! Gutom na gutom na pala ako!”
Talagang pinahanda ng tatay niya ang lahat ng paborito niya—kare-kare, grilled steak, grilled baby back ribs, sinigang na hipon, pritong dried pusit, at may buko shake pa.
Sira ang diet niya nito.
But who cares?
The hell with her diet. Anyway, super slim naman siya.
Super ngiti ang Dad niya nang tingnan niya. Nakita nito marahil kung gaano siya ka-excited sa pagkain.
“Pinahanda ko lahat ‘yan kasi tingnan mo nga ang katawan mo. Payatot ka na. Ilang ulit ko bang sasabihin sa’yo na kumain ka nang maayos?” Medyo angil nito.
“Dad, hindi payat ang tawag dito. Sexy po, okay?” Sabay nilantakan na niya ang nakahain.
Sarap na sarap siya at talagang napadami ang nakain niya.
Umiinom na sila ng buko shake nang magsalita ang heneral.
“Sandy, ano yung sinabi ng tita mo na may concert ka na naman daw sa Araneta?”
Nabaling ang tingin niya sa tatay niya.
“OMG! Makaka-attend ka na, Dad?” excited niyang tanong.
Isang beses pa lang kasi nakakapanood ng concert niya ang heneral. Nagtatampo nga siya madalas dito.
“Hija, marami pa ring gawain sa command center. Dami ko pang inaasikaso. I hope you understand. Alam mo naman na ulirang sundalo ang tatay mo, di ba?” May himig biro na saad nito.
“Akala ko pa naman…”
Lumungkot ang boses niya, pero naiintindihan naman niya iyon. Dapat ngang gampanan ng tatay niya ang mga tungkuling kaakibat ng posisyon nito bilang isang heneral. Tanggap na niya iyon.
“Dad, it’s gonna be on the 30th of this month. Alam ko karapatan mong magtanong, but why do I have this feeling na may malalim na dahilan ang pagtatanong mo? At pinakain mo pa talaga ako nang todo, ha?”
Natawa nang malakas ang heneral.
“You’re too nosy, sweetie. Dapat sa intelligence department ko sa’yo, hindi sa stage, eh.”
“Hija…” pagpapatuloy nito, ”…alam mo namang your security is my utmost concern.”
Naku. Alam na niya kung saan patungo ang usapan na ito.
At hindi nga siya nagkamali.
“I want to deploy some troops near the area to ensure your 100 percent safety.”
Nararamdaman na naman niya ang paparating na pagtatalo sa pagitan nila. Ayaw na ayaw niyang pinababantayan.
The last time na pinabantayan ng tatay niya ang concert niya, nataranta ang audience dahil akala nila ay may martial law sa loob.
Napahiya siya noon at talagang nabalita pa sa media ang lahat. Ilang araw din siyang nagpaliwanag sa media. Ang paliwanag niya, natakot lang ang Dad niya dahil sa muntik nang stampede na nangyari sa isa pa niyang concert na sa ibang venue naman ginanap.
Dinumog kasi siya ng mga tao nang bumaba siya ng stage. Nahirapan nang husto ang security at crowd control ng venue na kontrolin ang mga tao sa pagdagsa at paglapit sa kanya. May ilang galos at nagkapasa pa siya noon sa katawan.
Kaya nang mag-concert ulit siya, na dito naman ginanap sa Araneta, siniguro na ng Dad niya na hindi na iyon mauulit.
Ang kaso, nagmukhang OA sa dami ng men in uniform. Natakot pati ang mga audience dahil akala nila ay may kung anong krimeng nangyayari sa loob sa dami ng sundalo.
Tapos ito na naman ngayon?
“No, Dad! Please, ayoko na pong magpaliwanag sa media tungkol na naman sa military presence sa concert ko. Hiyang-hiya na po ako. Baka isipin na naman nila na ginagamit mo ang impluwensya mo para mag-deploy ng ganoon karaming sundalo sa loob ng Araneta, tapos private event naman ’yun at may bayad pa. Buti sana kung public venue ’yun at libre ang ticket, kaso hindi. Malamang inisip nila na ginagamit mo ang power mo for our personal gain.”
Mahaba-haba ang litanya niya.
Nagpatuloy lang ang Dad niya.
“I was also informed by your tita na benefit concert ’yun. More than half of the proceeds ay mapupunta sa mga foundations na sinusuportahan mo. Please confirm.” Mahinahon na turan nito na parang walang narinig sa mga sinabi niya.
“Yes, Dad…”
“At may mga audience kang orphan kids sa event na ’yan?” pagpapatuloy nito.
Napatango na lang siya.
“With more reason na dapat bantayan ’yan. Isipin mo na lang na hindi ikaw kundi ang mga bata ang pinababantayan ko. I will coordinate with the management of that venue and arrange the necessary setup for my men.”
Hahanap at hahanap talaga ng lusot ang Dad niya.
“Dad, hindi nga puwede! Halos hindi ko na nga ma-handle ang popularity ko, tapos dadagdagan mo pa ng impluwensya mo. Dad, that’s too much to deal with. Nakakalula na. Ayokong nadadamay ka sa mga intriga, Dad. Nawawala ako sa poise kapag ikaw na ang pinag-uusapan. Parang nagiging tigre ako na handang mangalmot kapag may intriga laban sa’yo.”
Mahabang litanya niya.
“Besides, napaka-tight ng security sa venue na ’yun, Dad. Wala pa akong nabalitaan na nagka-stampede doon.”
“Walang bantay, walang concert.”
Tumayo na ito para lisanin ang hapag kainan.
“Dad, that’s unfair!” reklamo niya na nakasimangot nang todo.
And then the general replied, “Only for my daughter’s safety and her Dad’s peace of mind. Magpahinga ka na at mukhang mas pagod ka pa sa akin. Talo mo pa yung sumabak sa operasyon.”
Di pa tayo tapos, Dad!
Piping pagbabanta niya.
Mukha kasing wala nang balak makipag-usap sa kanya ang tatay niya. At may balak pa itong ipasuspinde ang concert niya kapag hindi siya pumayag na walang bantay?
That’s really unfair.
Matagal nang sold out ang tickets sa concert na iyon.
Hindi puwedeng mangyari iyon!
Talagang magmamatigas siya!