Zinnia's P.O.V. Kinaumagahan, isang malakas na sampal ang aking natamo mula kay Jelay kaya napamulat ako ng mga mata at napa-balikwas ng bangon. "Bakit mo ako sinampal? ", nagtataka kong tanong sa kanya. "Sampal lang pala ang makakapagpagising sa inyo, Ma'am Zinnia. Kanina ko pa kasi kayo niyuyugyog para magising, pero tulog-mantika kayo." "Anong oras na ba?", naiinis kong tanong habang nakahawak sa sintido dahil ang sakit sakit ng ulo ko. "Alas otso ng umaga" Napatingin ako sa aking sarili dahil iba na ang suot kong damit. Hindi na ako naka crop top at pantalon ng umagang iyon kundi nakadamit pangkatulog. "Bakit ganito na ang suot ko?', nagtataka kong tanong kay Jelay "Abay, malay ko sa inyo, Ma'am. Lasing na lasing din ako kagabi kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari. Si Lorel

