Zinnia's P.O.V. Alas dose na ng gabi, pero hindi pa rin bumabalik ng Ospital si Carter kaya tinawagan ko si Jelay at Lorelie na sila muna ang magbantay kay Gwyn dahil pupuntahan ko si Carter sa Hotel kung saan minsan kaming uminom ng alak. Pagkapasok ko pa lang sa exclusive na bar na iyon, agad kong napansin si Carter na nakayuko habang nakaupo sa bar stool. Nakasuot pa rin siya ng Tuxedo para sana sa Kasal nila ni Gwyn kanina kaya mas lalo akong nakaramdam ng awa sa kalagayan at pinagdadaanan niya. I took a deep breath before approaching him. "Tama na yan. Magpahinga kana", saad ko sa kanya nang makalapit kaya napaangat siya ng mukha. Nang magtama ang aming mga mata, mas lalo akong nakaramdam ng awa dahil namumugto ang kanyang mga mata sa kakaiyak. "Bakit ka nandito? ", He asked

