Zinnia's P. O. V. Saang lupalop nakuha ni Carter ang number ko? -Lumabas kana dahil kung hindi ay iiwanan kita- Carter. Yan ang laman ng message niya sa akin kaya bigla akong nairita. Naiinis kong kinuha ang aking Bag pababa ng Lobby dahil nakapag-ayos naman na ako. "Let's go", wika ko sa kanya nang makapasok na ako ng Kotse. "Bakit ang tagal mo? ", salubong ang mga kilay niyang tanong sa akin. "Bat ang sungit mo? " "Ang tagal-tagal mo kasi", naiinis niyang sabi pero ang gwapo pa rin ng mukha niya kahit laging mainit ang ulo niya sa akin. "Kasalanan ko pa ngayon? Nag text ka sa akin kung kailan nandito kana sa baba. Isa pa,You know us ladies, we need time to get ready., taas kilay kong sagot pero hindi ko maiwasang mapasinghot dahil ang bango bango ni Carter. Amoy Baby na ang s

