Zinnia's P.O.V. Gulong gulo ang isip ko dahil hindi ko alam kung paano ako humantong sa sitwasyong ito. Ang sabi ni Elijah ay nadulas daw ako at nabagok noong araw na naghaharotan kami sa living area ng kanyang Penthouse. Tuwing Monthsary ay ganoon talaga kami ni Elijah ka harot sa isat-isa kaya possible ang kanyang sinasabi pero wala akong maalala kahit kaunting detalye tungkol sa pangyayaring iyon. I was confused, pero paniniwalaaan ko ang kanyang sinasabi habang hinahanap ko pa ang sagot sa aking mga tanong. Pakiramdam ko ay madami akong gustong maalala na ayaw maalala ng aking utak. Ang sakit ng ulo ko at gulong gulo ako kaya gusto kong sumigaw at umiyak "Tulungan saan? ", naiinis na tanong ni Carter kaya napakurap ako sabay punas ng mga luha. "Gusto kong makalabas dito. Dalhin mo

