Zinnia's P.O.V. Nagugulohan ako sa mga sinasabi at kilos ni Carter dahil palagi siyang naiinis, pero ramdam ko ang kanyang pag-aalala sa akin. Hindi ko alam,pero sa tuwing naiinis siya sa akin at nag-aalala at the same time ay mas lalong lumalakas ang appeal niya bilang lalaki. Ang gwapo niya kasi at parang ang sarap niyang mag-alaga. Yong tipong galit siya palagi, pero gusto ka niya. Ohhh God, I hate this feeling dahil Boyfriend siya ng matalik kong kaibigan. "Kumain na tayo,Ma'am Zin" , anyaya ni Jelay sa akin kaya napakurap ako. "Tumae kana?", "Hindi po lumalabas dahil tubol", sagot niya sa akin. Maaga akong makakalbo dahil sa dalawang alagad ko, na sumunod pala sa amin. Imbes na tahimik ang aming double date, naging maingay dahil kay Jelay at Lorelie. Ang titigas ng ulo at may

