Zinnia'S POV
Pag bungad ko pa lang sa pinto ng aming Mansyon ay galit na boses ni Daddy ang pumukaw sa akin.
"Saan ka natulog? ", tanong ni Daddy habang nakaupo sa Sofa katabi si Mommy.
Napabuntong hininga ako at napaupo sa harapan nila.
"Dad, I'm a woman now—Wala naman sigurong masama kung—hindi ko na natapos ang sasabihin dahil si Daddy na ang dumugtong noon
"Kung natulog ka sa Condo ng Boyfriend mo? Tama ba ako, Zinnia?', matigas niyang tanong.
Isang retired General ng Army si Daddy kaya ganoon na lamang ka stirkto sa akin kahit 25 years old na ako. Hindi ko naman siya masisi dahil nag-iisa nila akong anak ni Mommy
"Nasa tamang edad na si Zinnia, Honey. Maganda ang Career at Bilyonaryo ang kanyang Nobyo na si Elijah. Hayaan na lang natin si Zinnia na mag enjoy sa kanyang buhay", wika ni Mommy.
Sa lahat ng oras ay kakampi ko talaga itong si Mommy. Open siya sa mga bagay bagay lalo na kung seks ang pinag-uusapan.Nasasabi ko kay Mommy ang mga nangyayari sa amin ni Elijah. Alam niyang hindi na ako Berhin pero hindi naman siya nagalit sa akin basta't kaya akong panindigan ni Elijah hanggang dulo. Isa pa, sa America lumaki si Mommy kaya open siya sa ganoong mga bagay.
"Isa ka pa, Romina! Palibhasa lumaki ka ding liberated sa America kaya sinusuportahan mo ang kalandian netong si Zinnia!", galit na wika ni Daddy pero imbes na maging apektado ako ay natawa na lang ako kasi kakampi ko naman si Mommy
"Calm down, Honey. Zinnia was a good daugther to us. She deserves to be happy with Elijah. Suportahan na lang natin ang relasyon nila"
"I am not against their relationship, Honey. Gusto ko lang protektahan ang nag iisa nating anak. Paano kung mabuntis si Zinnia tapos hindi panindigan ng Nobyo niya? Baka mabaril ko sa ulo ang lalaking iyon at maputolan ng kaligayahan"
"Relax,Honey. Kung mabuntis man si Zinnia ng Boyfriend niya ay natitiyak kong papakasalan siya ni Elijah. Gusto mo na bang magka-Apo, Honey? Pwede naman tayong magrequest sa kanilang magkasintahan right away", masiglang pagkakasabi ni Mommy ngunit matalim siyang tinitigan ni Daddy kaya napatakip siya ng bunganga.
Nasa 50's pa lang ang edad ni Mommy samantalang si Daddy ay nasa 60's na. Eleven years ang agwat ng kanilang edad ni Daddy. Sa kabila ng kanilang mga edad ay hindi pa sila matandang tingnan lalo na si Mommy dahil alagang-alaga ang sarili.
Tumayo ako at lumapit kay Daddy. Niyakap ko siya at nilambing.
"Mahal na mahal po ako ni Elijah, Daddy. Nasa mabuti po akong mga kamay", I said to him with a calm voice.
"Magkakampi talaga kayo ng Mommy mo kahit kailan. Anyway, kumusta ang pagiging CEO ng sariling Clothing brand? kahit ba hindi na ako mag Pension at pumasok ng Hospital ang Mommy mo ay madami pa rin tayong pera? ", pagbibiro ni Daddy matapos kong kumalas sa pagkakayakap.
"Kahit hindi na Daddy dahil madami na tayong pera", nakangiti kong pagkakasabi sa kanila.
Lumaki ako sa marangyang buhay dahil mayaman ang pamilya ni Mommy at Daddy. Si Mommy ay isang Doctor at may sarili kaming Hospital.Samantalang si Daddy ay isang General ng Army noon.
Pagkatapos naming mag-usap sa Sala ay pumunta ako ng aking kwarto para kumuha ng mga damit. Pansamantala ay sa Condo na muna ako mamalagi.
Napangiti ako nang mapansin ang Photo Frame namin ni Elijah na kuha noong 1st Monthsary namin. Napaka-swerte ko sa aking Nobyo dahil bukod sa mabait ay saksakan pa ng gwapo. Magaling din sa Kama kahit apat na pulgada lang ang Kargada. Pabagsak akong nahiga sa aking kama dahil hindi ko na naman makalimutan ang Nobyo ng aking kaibigan. Hindi ko makalimutan ang ginawa nilang pag si-seks kanina. Ang taba at haba talaga ng kargada ni Carter. How I wish na ganoon din kay Elijah,.
Magkamukha silang magkapatid pero iba pa rin ang taglay na Karisma ng isang Carter Yuchengco. Sinampal ko ang aking sarili dahil Mali itong naiisip ko. Napaupo ako nang tumunog ang aking Cellphone.
"Hello, Besprend", masaya kong sagot sa tawag niya.
"Dito ka na matulog sa Condo ko. Free na ako ngayon", wika ni Gywn sa kabilang linya.
"Okay. Just give me 15 minutes, and I"'ll be there"
Pagpasok ko pa lang ng kanyang Condo ay binuksan niya na ang Wine na tumalsik ang cork sa aking harapan. Halos mabasa din ako dahil sa pagsirit ng alak ngunit sinalo ko na lang.
"Happy Friendversay, Besprend! Whoaaa!", masaya niyang pagkakasabi.
"Happy 9th Friendversary, Besprend! ", nakangiti kong sagot sa kanya.
Tumambay kami sa Balkonahe habang umiinom ng Wine.
"Look, maganda ba bestfriend?", tanong niya sa akin habang hawak ang napakagandang kwentas na sa tingin ko ay binigay sa kanya ni Carter.
"Maganda at mukhang mamahalin", matipid ang ngiti kong sagot sa kanya.
"I am so happy with him. Ang swerte-swerte ko sa kanya, Besprend. I mean, ang swerte natin sa magkapatid na Yuchengco. Kumusta pala kayo ni Elijah ?
"We are good. Magkasama pa lang kami kanina"
"May nangyari sainyo ano?
"Lagi naman, Besprend. Everytime na nagkikita kami ay gigil na gigil sa akin",natatawa kong sabi.
"Same. Ganoon din si Carter sa akin. Nakakatatlong rounds ba naman kami. Hmmmm", wika ni Gywneth kaya napapa sana all na lang ako sa aking isip.
Tatlong rounds tapos malaki pag ang kargada samantalang kami ni Elijah ay nakakadalawa lang pero apat na pulgada lang ang Sandata.Anyway, Mahal na mahal ko si Elijah pero napapaisip ako kung bakit lately ay palaging sumasagi sa isip ko ang kapatid niyang si Carter.
"Sana ay mag propose na si Carter sa akin. I am dying to marry him, Bestfriend. Ako na ang pinakamasayang babae sa mundo kapag nangyari yon", malawak ang ngiting wika ni Gwyn sa akin.
"I'm happy for you too, especially if Carter finally proposes to you", pilit ang ngiti kong sabi sa kanya.
Nagi-guilty ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Mahal na mahal ko si Elijah at masaya kami sa dalawang taon naming mag Nobyo pero simula noong maaktohan ko kung paano mag seks si Gywn at Carter ay paunti-unting nalalason ang utak ko ng madaming what ifs... Isa na doon yong what if ako ang kasaman ni Carter sa kama? My ghad nasisiraan na ako ng ulo,. Maling mali itong naiisip ko.
Napatitig ako sa magandang mukha ng aking kaibigan. Wavey ang mahaba niyang buhok. Makakapal ang mga kilay at mahahaba ang mga eye lashes. Matangos din ang kanyang ilong at medyo makapal ang labi dahil sa Lip Filler. Mala porselana ang kanyang kutis at napaka-sexy ng katawan. Mas matangkad siya ng kaunti sa akin kaya pak na pak siyang ilaban sa Miss Universe.
Maganda na matalino pa. Samantalang ako ay ganda lang walang talino. Anyway, hindi ko naman kinakawawa ang sarili ko dahil may taglay naman akong karisma kaya nga Mahal na mahal ako ni Elijah.
"What if mag double date tayo, Besfriend? Ikaw at si Elijah tapos kami ng kapatid niya. Hindi pa kasi natin nagagawa ang bagay na iyon kahit three years in relationship na kami ni Carter at two years na kayo ni Elijah", pag bigay niya ng opinyon sa akin.
"Sure, why not? You're the one who should set the date since it's your idea," I said to her with a smile
"Of course, Bestfriend. I will ask Carter right away",
Tinawagan niya ang kanyang Nobyo at napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan siyang kinikilig sa kausap.
Nag simula ang aming pagkakaibigan ni Gwyneth noong college kami dahil sa America kami nagtapos ng Koliheyo. Sa America din nag-aral si Carter noon at iisa ang Department nila ni Gwyn samantalang ako ay hiwalay dahil Business Management ang Course ko.
Na Love at first si Gwyn kay Carter noon dahil sobrang Hot at Gwapo. Ako din naman na love at first sight sa kanya pero pinigilan ko alang alang sa Bestfriend ko. Makalipas ang ilang taon ay pinagtagpo ulit ng tadhana si Carter at Gwyn dito sa Pilipinas. Nagkamabutihan silang dalawa dahil maganda at matalino naman si Gwyn. Naging sila samantalang ang puso ko ay luhaan pero tinanggap ko na lang alang alang sa kasiyahan ng aking kaibigan. Palihim akong nag move on hanggang sa nakilala ko ang kapatid ni Carter. Si Elijah na nobyo ko na ngayon.
Nagawa ko namang isantabi ang paghanga kay Carter sa loob ng relasyon namin ni Elijah pero bakit parang bumabalik na naman ngayon? Nasisiraan na ako ng ulo dahil mali itong nararamdaman ko.