FOUR

669 Words
TRIGGER WARNING: This story contains MATURE CONTENT like (k********g, Killing and etc) Laura PAGKATAPOS ng nangyari sa banyo kanina ay nakaramdam ako ng matinding takot at kilabot sa lalaking iyon. Kakaiba ang kanyang mga inaakto. Nang may nakita akong damit sa may kama ay sinipat ko ito at isa itong floral dress, halatang bagong bili dahil may pricetag pa. Nagsimula na akong magbihis ng matapos ako ay nagtungo ako sa pintuan at maingat kong binuksan ang pinto upang tinignan kung nakalock ba ang pinto sa labas pero ganun nalang ang aking galak ng malaman kong hindi ito naka lock. Maingat ko itong binuksan upang maiwasan na ako ay kanyang mahuli.Pagkalabas ko ay bumungad sa'kin ay malawak na hallway. Mukhang maliligaw ako dahil lawak ngunit hindi ako susuko hangga't hindi ako makatakas rito. Nagsimula na akong hanapin ang hagdanan pababa. “Panginoon nawa'y gabayan niyo ako” panalangin ko sa aking isipan. Lakad takbo ang aking ginawa papunta sa kanang direksyon hanggang sa nakita ko ang hagdanan na aking hinahanap. Nang makarating ako sa harap ng hagdanan ay hindi pa ako nakakahakbang pababa ng napakislot ako ng may yumapos sa aking galing sa likuran. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan, Paanong hindi ko naramdaman ang presensya niya. “Tatakas ka?hmm” galit nitong bulong sa'kin at ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito. Nagbabadyang umalpas ang aking mga luha dahil sa kaba at takot. Alam kong masama ang magsinungaling ngunit sa sitwasyon na ito ay kailangan kong gawin. Umiling ako bilang tugon. “H-hindi ako tatakas” mahina kong sambit, bumitiw ito sa pagkakayap sa akin. “Humarap ka kapag kinakausap ka” anas nito kaya unti unti akong humarap sa kanya. Mukhang bagong ligo ito base sa buhok nito at ibang damit na suot nito. Kung kanina ay puti ang suot nitong sando ngayon ay itim naman. Hinablot nito ang aking beywang palapit sa kanya. Napapikit ako sa takot ng umangat ang kamay nito. Hinihintay ko ang sampal galing sa kanya ngunit naramdaman ko ang mainit na palad nito na lumapat sa aking pisingi at marahan na hinaplos gamit ang hinlalaki nitong daliri. “Stop crying” mahinahon ang boses nito, hindi kagaya kanina na may galit at diin ang pagsasalita. Dahan-dahan ko minulat ang aking mga mata at ganun nalang ang gulat ko ng pansin kong nag iba ang kulay ng mata nito, Kung kanina ay kayumanggi ngayon ay abo naman. Tumikhim ito kaya mabilis kong iniwas ang aking tingin. Mukhang napansin nito ang aking pagtitig. Satingin ko ay contact lens yung suot niya kanina para magmukhang kayumanggi ang kanyang mga mata kahit abo naman talaga ang kulay ng kanyang mga mata. Biglang pumasok sa aking isipan si Mr Castro sa kadahilanang abo rin ang mga mata nito. Napailing ako sa aking iniisip sapagkat imposible iyun dahil mabuting tao si Mr Castro at ito naman ay isang kriminal. “Sh-t” mahina nitong sambit. Bago pa ako makapagbigay ng reaksyon ay hinila na ako nito pababa ng hagdanan. “A-ano ba!! Dahan-dahan ka naman mister” pagpupumiglas ko dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko pati marahas siya kung makahila. Huminto ito kaya napahinto din ako at lumingon ito sa direksyon ko. Kinakabahan ako nang tumawa ito ng malakas. Yumuko ito at nilapit ang mukha sa akin kaya napaatras ako palayo sa kanya pero mabilis nito tinanggal ang pagkakahawak sa braso ko at kasabay nun ang paghigit ang beywang ko. “Sad to say sister, I only gentle with someone who wants to f-ck to me” napasinghap ako sa sinabi nito. Hindi lang pala siya kidnapper, bastos din. “Bastos” sabi ko, Hindi ko alam kung saan ako nakakuha nang lakas ng loob para sabihin iyun. “Hmm... You know what you're right, I'm p*****t and I can f-ck you here if I want too” nakangisi ito habang tinitignan ako. “So if i were you, be good girl because I have little patience” hinila ulit ako nito hanggang sa makababa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD