TWELVE

453 Words
Laura NAKALIPAS ang ilang araw at walang araw na hindi ako nakakatanggap ng bulaklak na galing kay Mr.Castro. Hindi ko alam kung ano talaga ang plano niya. Minsan iniisip ko na baka may masama siyang balak kaya niya gustong kunin ang loob ko. Lalo't na alam kong siya yung kilalang mamamatay tao sa likod ng maskara. Sa mga araw na nagbibigay siya ng bulaklak ay lagi siyang humihingi ng kapatawaran sa ginawa niya. Sa totoo lang matagal ko na siyang pinatawad, hindi naman naging mahirap sa akin iyon dahil satingin ko ay hindi ako magiging malaya at masaya ngayon kung hindi ko siya patatawarin. Ayokong sabihin sa kanya iyon dahil gustong makita kung ano ang kaya niyang gawin. “Teacher Laura may nagpapabigay po” sabi nang isa sa mga estudyante ko at inabot sa akin ang isang paper bag. Tinanggap ko ito.“Salamat” Tinignan ko yung laman ng paper bag at mga pagkain ang laman. Kinuha ko yung sulat sa loob. ‘Eat well and always remember I love you’ Infairness ang ganda ng sulat niya. Sa tuwing nagbibigay siya ng sulat ay may I love you laging nakasulat. Dapat ba akong kiligin sa sulat na 'to, Siguro dahil ayon ang usually na reaksyon ng isang tao kapag binibigyan ng sulat na may I love you. Naranasan ko naman mabigyan ng mga love letter pati chocolate, lalo na sa araw ng mga puso. Marami ang nagtangkang manligaw sa akin noon nung nag aaral pa ako ngunit hindi ko yun pinagtuonan ng pansin dahil ang aking atensyon ay sa pag aaral. MAAGA ang naging uwian ng mga estudyante at kaming mga guro naman ay nagkaroon ng meeting tungkol sa dapat naming gawain sa pagdadating ng visitors sa susunod na araw. Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ay nakarinig ako nang katok. Lumingon ako dito at hindi na ako nagulat. Nang makita ko si Mr. Castro. “Mr. Castro anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Nang matapos sa pag aayos sa aking gamit ay sinukbit ko ang aking bag sa aking balikat at lumapit sa kinatatayuan ni Mr Castro. Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang bahagyang pamumula ng kanya magkabilang pisingi. “May problema ba?” sinalat ang kanyang noo. Wala naman siyang lagnat. Kinuha nito ang kamay ko sa noo niya at dinala sa kanyang labi. “I love you” ngiti lang ang aking sinagot sapagkat kapag tumugon ako sa sinabi niya eh baka isipin niya na mahal ko siya. Gusto ko munang magpakipot para makita ko kung kakayanin niya ang pang liligaw kuno sa akin. Hindi siya mahihirapan pasagutin ako eh. Ang kailangan niya lang gawin ay maging totoo siya sa akin yun lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD