Special Chapter - Maia and Ross

593 Words
NAPAG USAPAN namin ni Michael na tutungo ako sa probinsya namin upang bisitahin si tatay. Nung una ay gusto nitong sumama ngunit hindi ako pumayag dahil may business trip ito sa ibang bansa. Ayaw naming umabot sa pag aaway kaya wala siyang nagawa kung hindi pumayag. Pero may kondisyon kailangan may maghahatid sa akin ayaw daw kasi na mahirapan ako sa bayahe, ang gusto niya daw ay maging komportable ako. Pagkarating ko doon habang sakay sakay ng kotse ay pinagtitinginan ako nang mga kapitbahay namin. Imbes na pansin ang mga ito ay mahina akong kumatok sa pinto at sumilip sa loob. Mukhang may bisita sila nanay ah. Dahan dahan akong pumasok sa loob. Halatang seryoso dahil hindi nila ako napansin. Nang makalapit ay tinakpan ko ang mga mata ni nanay. “Hulaan niyo kung sino 'to” “Laura” nakangiti kong tinanggal ang aking mga kamay na nakatakip sa mga mata nito. Tumayo ito humarap sa akin. “Anak” yumakap ito sa akin. “Anak” napatingin ng may tuwag sa akin galing sa kusina. Humiwalay sa yakap si nanay kaya tumakbo ako papunta kay tatay. “Tay” yumakap ako nang pagkahigpit higpit kay tatay. “Anak tama na baka naman mamatay ako nang maaga sa yakap mo” natatawa nitong sabi kaya nahiwalay ako sa pagkakayap. “Tay naman” nakasimangot kong sabi. “Biro lang” nakangiti nitong sabi at ginulo ang aking buhok. Tumingin ako sa isang taong nakaupo sa kaharap ni nanay. Si Michelle ang kababata ko. “Mich” tawag ko “Laura” nakangiti ito sakin. Hindi ko mapigilang di siya yakapin. “Ang tagal nating hindi nagkita halos maglilimang taon na” nakapag usap kami tungkol sa tita niya pero bigla nalang nawala yung connection namin ng malaman niyang niloloko siya nung ex fiance niya. Bihira kung bumisita ako dito dahil maraming ginagawa sa school pati kapag bumibisita ako dito ay hindi nagkakatagpo ang landas namin. “Pasensya na, Tinapon ko kasi yung dati kong simcard pati hindi kita mapuntuhan sa maynila para bisitahin ka dahil wala pa akong pasahe.” “Ayos lang, Kumusta” “Anak labas muna kami ng tatay mo” sabi ni nanay at hinigit si tatay palabas. “Ito may anak na” nakangiti itong tugon. “Ikaw kumusta?” bigla pumasok sa isip ko si Michael. “Ayos lang din” nakangiti kong sabi. “LAURA dumaan ba dyan si Maia?” tanong ni Michelle sa tawag. “Baka kasama ni Ross, alam mo naman yung dalawang magkaibigan na yon” tugon ko. Laging magkasama yung dalawang yon simula bata pa sila kaya hindi na kami magtataka kung bakit magiging magmatalik na magkaibigan ang dalawang yon. “Yung batang yon, hindi nagpaalam sa akin” sabi ni Michelle at nagpaalam na bago patayin ang tawag. Pagkababa ko nang telepono ay saktong pagpasok ni Ross sa loob ng bahay. “Nak” tawag ko kaya tumingin ito sa akin. “Yes, mom?” nagtatakang tumingin ito sa akin. “Magkasama ba kayo ni Maia” Kumunot ang noo nito parang nagtataka pero mabilis nawala ang pagkakakunot ng noo nito. “Yeah, mom nandoon ko muna siya iniwan sa court” tumaas ang kilay ko nang mapansin ko ang kaba sa boses nito. “Are you sure?” singkitan ko ito ng mga mata. Napalunok ito bago sumagot. “Y-yes” Bago pa ako makapagsalita ay nagpaalam ito at tumakbo palabas ng bahay habang hawak ang cellphone na nakakakuha lang sa lamesa na nasa sala. Talagang bata yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD