Kabanata 97 KINABUKASAN tinanghali ako ng gising dahil napasarap ang tulog ko. Kung kailan pauwe na kami mamaya ay saka naman napasarap ang tulog ko. Bumangon ako sa higaan saka tumingin sa paligid. Wala na akong kasama sa loob ng kwarto. Wala na rin si tiyo Isidro doon kaya tumayo na ako saka naglakad patungo sa pintuan. Wala akong nakitang tao sa loob ng bahay na kinataka ko. Hindi manlang ako ginising ng mga kasama ko sa bahay. Bumaba ako sa baba saka lumabas ng bahay. Hanapin ko lang ang mga kasama ko dahil 'di ko sila makita. Pero alam ko nasa school ang mga kapatid ko dahil lunes ngayun. Baka nga hindi ako pumasok ngayun sa school dahil tinatamad ako. Maya-maya'y nakita kona sila nanay, tatay at tiyo isidro habang may kausap na lalake. Hindi ko alam kung sino iyon. Lumapit ako ka

