Kabanata 28 ARAW NG LINGGO AT MAGSISIMBA ang masungit kung amo sa Quiapo. Isasama nila ako para maging chaperone. Well, palagi naman kapag magsisimba siya. Kailangan palagi akong kasama para may tagabitbit siya ng mga anek anek niya. Hindi lang kasi pagsisimba ang gagawin niya kundi pupunta pa siya sa mall at bibili ng mga gusto niya. Ang ending ay ako ang nagdadala dahil katulong ako. Mabuti na lang at tinutulungan ako ng asawa niya kundi ay natabunan na ako sa dami. Tapos ayaw niya pa ng mabagal dahil nauubos daw oras niya. Kaloka. Kaagad akong nagluto ng agahan matapos maglinis dahil mamaya'y baba na ang mga amo ko para kumain na. Naligo na rin ako kanina bago maglinis ng bahay para magbihis na lang ako mamaya after nila kumain. Matapos magluto ay naghanda na ako sa hapagkainan. N

