Reincarnated: Chapter 2

1463 Words
ELIANA POV: It's been 1 week na rin mula nong napunta ako dito and bukas ay papasok na ako sa paaralan bilang 3rd year student in AUREUS ( this school is made of gold ) oh diba ang sosyal, makatulog na nga I'm so excited na talaga bukas tapos na din naman akong mag-impaki and may mga sariling dorm ang mga studyante doon. ~KINABUKASAN~ Nagising ako sa sinag ng araw kaya dali² akong nag-ayos, pagkatapos kong maligo ay inayos ko na yong mga dadalhin ko hindi na din ako naglagay ng make-up dahil maganda naman ako hehe. Paglabas ko sa'king silid ay nagbulungan naman yong mga katulong dito, at puro masasama yong mga sinasabi nila tungkol sa'kin. “Babalik na sya sa aureus ibig sabihin didikit na naman yan kay sir Archer"- katulong 1 “Yeah ang landi² talaga ng babaeng yan buti nalang talaga at mabait si ma'am helen kong hindi baka matagal na yang patay"- katulong 2 “Kaya nga agawin ba kamo yong kasintahan ni ma'am Helen"- katulong 3 Bulong pa ba yan sa palagay nila hay nako tong mga to talaga, mabuti nalang at hindi ako bad mood ngayon kong hindi pinatay ko na tong mga to. “Ah excuse me, may sinasabi po ba kayo?- Tanong ko at sabay tingin sa kanila. At ngayon mananahimik sila kong tatanongin ko? Bakit parang natatakot sila, eh wala pa nga akong ginawa? What's wrong with this people. Nang wala akong makuhang sagot mula sa kanila ay umalis na ako at baka maiwan pa. Pagdating ko sa labas ay nandun na nga yong mga kapatid ko kasali na doon si kuya nat² kaya dali² akong tumakbo at pumunta kay kuya nat². “Dahan² princess, baka madapa ka"- concern yan kuya? Haha. “Hindi yan kuya, ako pa"- maangas na sagot ko sa kanya kaya natawa naman sya. Natahimik kami ng may tumikhim sa likod namin kaya napatingin kami dun. “Princess be careful and Nathaniel pls. take good care of her"- mahihimigan mo talaga sa boses ni papa yong pagkabahala, pag-aalala at takot sa kanyang boses. “I will po tito, don't worry about her ako ng bahala sa princess natin"- kuya nat² assured that to papa. Ayoko na mag-alala pa sa'kin si papa kaya ang ginawa ko ay lumapit at niyakap sya ng mahigpit sabay bulong; “ne t'inquiète pas pour moi papa, tout ira bien hmm, et je t'aiderai à trouver maman ( dont worry about me papa, I'll be ok hmm and i will help you to find mama ), at mag-iingat ka dito wag kang magtiwala sa kahit na kanino, kahit na sa asawa mo pa"- nilakasan ko talaga yong boses ko para marinig nung pekeng ina kono namin. Natawa naman si papa sabay sabing “I will my princess"- sabay halik sa'king noo at pumasok na sa mansion. At alam ko din may naiinggit somewhere mwehehe. Sige lang mainggit kalang, at kong sa tingin mo ay masisiraan mo ulit ako? Na ah. Sumakay na kami sa karwahe at katabi ko si kuya nat², iisang karwahe lang kaming lahat kong titingnan mo sa labas ay napakaliit lang nito pero kapag ikaw ay nakapasok ang luwag². “Sana naman magbago kana Eliana, iwasan mo ng lumapit sa'king kasintahan"- panimula ni helen. Tiningnan ko lang sya gamit ang blanko kong mukha at bumalik sa pagbabasa. Nagsinghapan naman yong nakakita sa'king ginawa. Dito na magsisimula ang lahat, hindi ko na hahayaan na maaapi pa ako katulad ng nangyari sa'kin nong hindi pa ako napunta dito. Kaawa-awa naman talaga yong nangyari sa'kin noon, like wla naman akong ginawang masama sa kanila ah! but don't worry self from now on lalaban na tayo. After 25 minutes nakarating na din kami sa aureus at ang masasabi ko lang ay ang Ganda, bonggang-bongga mga beh nakakaloka. Paaralan ng AUREUS  “Awesome". Sa isip ko lang yan sinabi hehe. “Princess let's go"- pukaw ni kuya nat² sa'king natutulog na isip, sumabay ako sa paglalakad ni kuya at nag-uusap kami ng kahit ano. Pagkapasok namin sa loob ay sunod² yong bulungan at alam ko na ako na naman ang pinag-uusapan. Hay buhay'ng to, I need to be calm everyday baka ano pa magawa ko sa kanila. “Pumasok pa talaga sya"- bubuyog 1 “Oo nga noh!"- bubuyog 2 “Lalandi na naman yan"- bubuyog 3 “Pumasok lang ata yan para makipaglandian"- bubuyog 4, natawa naman yong mga nakarinig. “Excuse me, wag niyo naman ganyanin yong kapatid ko nangako naman sya sa'kin na hindi na nya aagawin si Nathan sa'kin"- mahinhin na sabi ni helen at kumapit sa braso ni Archer. Ah talaga ba helen? “Oo nga naman hindi ko naman aagawin yong inagaw mo"- blankong sagot ko sa kanya. Nagulat naman yong mga studyante'ng nanonood, habang si helen naman ay puwang-puwa na ang mukha. “Btw kuya nat² lumipat ako ng section hindi ko kasi masisikmura ang mga kasama natin at ayaw ko ng gulo't ingay, hay I need fresh air kasi eh"- maarteng sabi ko kay kuya nat². Si kuya nat² naman ay nagpipigil ng tawa. “Pfftt..., ok princess do whatever you want "- sagot naman ni kuya nat² at umalis na pero bago yon nagtanong muna sya sa'kin. “Ah btw saan ka lumipat?"- tanong niya. “Sa SOTEANIS+"- sagot ko kay kuya nat². Nagsinghapan naman yong mga studyante sabay bulungan na naman. “Seriously doon sya?"- bubuyog 5 “Oh my god, eh mahihirap lang ang mga nandoon ah!"- bubuyog 6 “Wag mong sabihing naghihirap na sya? O baka naman pinalayas na ng kanilang ama?"- bubuyog 7. Hindi ko na napigilan ang galit ko at sinigawan sila. “Tahimik, hindi ko gusto ang tabas ng inyong mga dila wag nyong hintayin na maubos ang aking pasensya"- malamig na saad ko na nagpapatahimik sa kanila. “No conoces a los estudiantes presentes en SOTEANIS+, a pesar de que son pobres, también tienen poderes que aún no has visto. ( hindi niyo kilala ang mga studyante'ng naroroon sa SOTEANIS+ kahit na mahirap sila ay may mga kapangyarihan din sila na hindi nyo pa nakikita. ) Mayaman nga kayo puro kayabangan at masasama naman ang mga ugali, sa tingin niyo ba yang mga kayabangan at masasamang ugali nyo ay makakatulong sa darating na digmaan?."- Tanong ko sa kanila, ng wala akong makuhang sagot ay umalis na ako at pumunta sa section na linipatan ko . Iniwan ko sila don na nakanganga. Ang ayaw ko sa lahat ay yong mga taong mahilig manira ng kapwa nila studyante. Tao din naman yong mga sinisiraan nila pero kong ituring nila ay parang mga hayop. I'm not in the mood right now dahil sinira nila t*ngina. NATHANIEL POV: Nakanganga lahat ng nakakita sa mga nangyayari, iniwan kami dito ni bunso hay nako!. Actually wala talaga kaming alam tungkol sa section ng soteanis+ ang alam lang namin ay mahihirap ang mga pumapasok sa section na yon at walang mga kapangyarihan dahil galing sila sa mamamayang YARETZI ( you will always be loved ) ang mga tao doon ay ayaw ng gulo kaya naiiba sila sa'min, gusto nila ay magmahalan, mahalin ang kanilang bayan. Kong pupunta kayo sa kanilang bayan ay malugod nila kayong tatanggapin. Bayan ng YARETZI  Ang mga yaretzi ay mayaman sa pagmamahal at mayaman sa mga kagamitan katulad na lamang ng mg armas, dagger, kutsilyo, at marami pang iba. At naninibago ako kay bunso dati naman hindi yon lumalapit sa'kin dahil palaging nakadikit sa kasintahan ni helen ni hindi nga ako pinapansin non, ni hindi nga yon nakikipag-usap sa kanyang ama pero bakit tila nag-iba?. Pero gusto ko yong ugali ngayon ni bunso, naging matapang yong tipong masisindak ka talaga. I'm still looking forward kong ano pa ang kayang gawin ni bunso bukod sa pagiging matapang. “Tapos na ang palabas maari na kayong bumalik sa inyong silid"- Prof. Tiffany our teacher in healing. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko papuntang aureo ( aureo kong saan kami belong, aureo means gold ang pagiging mayaman namin. ) that's our section. Wla kaming masyadong ginagawa ngayon dahil ito ang unang araw na pasukan namin sa ikatlong baitang sa kolehiyo. At sa isang araw na'to ay hindi ko nakikita si bunso, pati sa tanghali kanina ay hindi din. Sana ok lang sya. Be careful my princess always take care of yourself. ------------------------ Pasensya na po sa mga wrong grammar hayaan niyo at i rerevise ko ito pag may pagkakataon/oras ako. Thank you for reading mga lahams PLAGIARISM IS A CRIME (ALAM KONG HINDI KASING PERPEKTO ANG GAWA KO SA GAWA NG IBA KAYA WAG NALANG KAYO MAGKAKAMALING AKUIN YONG GAWA KO). So what do you think about this story? You can comment baka may ma i-suggest kayo. Open po ako for collaboration hehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD