Ipinikit ni Juan Karlos ang mata niya hindi niya maintindihan bakit tila kahit noong unang pagkikita pa lang magaan na ang loob niya kay Ella hindi man niya ito ipakita ngunit tila may concern sa babaeng ngayon pa lang niya nakita.
Nasa kwarto na silang dalawa ngunit tila hindi parin dalawin ng antok si Juan Karlos ngunit taliwas naman kay Ella tulog na tulog na ito.
"Grabe talaga ang babaeng ito hindi man lang nag-alala sa kanyang sarili, nakakatulog na may kasamang lalaki sa kwarto." Sa kabilang banda masarap sa pakiramdam na ang babaeng kasama niya sa kwarto ay may tiwala sa kanya.
Nakatulugan na lang niya ang ang pag-iisip niya sa lalaking nakita niya sa wallet ni Ella minsan ng iuwi niya ito sa condo niya ng malasing ito. Kamukha niya ito ngunit wala siyang maalala kung siya ba ang lalaking iyon disin sana kung hindi lang siya nawalang ng memory ng nakaraan maaalala sana niya kung nagkita naba sila ni Ella dati.
"Paano nga kung ako ang lalaking iyon?"
Isang tanong sa isip niya ang naiwan ng tuluyan ng makatulog si Juan Karlos.
Tinanghali na ng gising si Juan Karlos kita niya ang sikat ng araw ng hawiin niya ang kurtina sa bintana nakita niyang malapit na pala sila sa Coron, Palawan napansin niya na nakaligpit na na ng gamit si Ella.
"Good morning Sir," bati ni Ella.
Tumingin lang ito kay Ella at tinungo na agad nito ang banyo upang maligo. Dala pa rin ni Ella ang larawan ni Jk sa kanyang wallet hindi pa rin niya makalimutan ang lalaking una niyang pinaglaanan ng kanyang puso.
Dumaong na ang barko sa port ng Coron.
"Yes nakarating din tayo," ani Edward.
"Salamat sa safe trip natin."
"Let's go Sir." si Edward.
Sumakay na sila sa inarkilang sasakyan bagamat pagod enjoy pa rin si Ella. Nakarating sila sa rest house na pag-aari ng kaibigan ni Edward.
"Wow ganda naman dito Sir Edward."
"Yes of course the owner of this place are one of my friends."
"Really! sobrang bait naman."
"Guys pahinga muna tayo and after that, we are free saan ninyo gusto pumunta."
"Thank you Sir." sambit ni Ella.
Nilibot ni Ella ang paligid ng bahay sobrang amazement ang naramdaman niya sa ganda ng paligid higit pa dito tanaw ang ganda ng dagat sa pangalawang palapag ng bahay.
Naupo siya sa upuan na nakaharap sa dagat, muli niyang naalala ano na kaya ang nangyari sa private investigator na binayaran niya wala pa itong binigay na balita sa kanya.
Ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Sino kaya naman ito, malamang si Kathy. Unknown number?" tanging nasabi niya.
"Hello."
"Hi Miss. Alvarez, kumusta ka?"
Pamilyar ang boses nito sa kanya.
"Dr. Tenorio. I'm right? bakit ka napatawag?"
"Wala naman nasa vacation trip kasi ako, baka lang gusto mo mag-unwind pwede ka sumama."
"Naku dok nasa business trip din ako kasama ko ang mga boss ko eh!"
"Ganun ba sayang naman sa palawan pa naman sana ako pupunta." ani Dr. Tenorio
"Naku Sir andito rin kami now sa palawan dito po sa coron." masiglang sabi ni Ella.
"Good to hear that kasama ko isang doktor na friend ko."
"Sige dok baka magkita rin tayo dito. Thanks for the call."
"Okay see you there."
Sa di kalayuan di sinasadyang marinig ni Juan Karlos na may kausap si Ella. Nakaramdam siya ng konting kirot sa puso dahil may kausap ito na hindi niya alam kung may malalim na ugnayan sila nito.
"Miss Alvarez nauna na si Edward sa place na pupuntahan natin."
"Well wala pong problema Sir."
Dumating na ang kanilang sasakyan nauna ng sumakay si Ella, napansin niyang wala sa mood ang kanyang boss kaya naman hindi na lang din siya umimik.
bulong niya. "Ano na naman kaya problema nito ni Sir."
Habang nasa beyahe sila busy si Juan Karlos sa kanyang laptop wala silang imikan. At tumunog ang phone ni Ella ng makita niya kung sino ang tumatawag hindi niya ito sinagot kundi silent mode lang ang ginawa niya. Patuloy pa rin ito sa pagri-ring.
"Sagutin mo na yan Miss. Alvarez baka importante yan."
"Ay! wala po ito Sir, hindi naman masyadong mahalaga ang tumatawag." kiming sagot niya.
"Kung hindi yan importante hindi yan tatawag gets mo ba?" naiinis na wika nito.
Sinuot ni Juan Karlos ang airpod niya para hindi maisturbo sa ginagawa nagpatuloy pa rin sa pagri-ring ang phone kaya napilitan siyang sagutin ito ng pabulong.
"Yes hello."
"Hay, Thank you sinagot mo din."
"Bakit ka napatawag?"
"Nandito na kami sa palawan sana magkita tayo dito."
"Yeah sure, pero not now papunta kami sa club paradise resort may meeting kami doon with some investor."
"Sige pagkatapos ng business meeting siguro, pwede na tayong kumain sa labas together.?"
"Sige see you around."
"Miss you Ella."
Nagulat ng bahagya si Ella sa narinig.
"I mean miss you as a friend." dagdag ni Dr. Tenorio.
"Miss you too." sagot ni Ella para di na ito mangulit.
"Bye!"
Sumulyap ng palihim si Ella sa katabi busy pa din ang boss niya sa ginagawa nito. Napangiti siya dahil hindi nito narinig ang pangungulit ni Andrei. or Dr. Tenorio. Narating nila ang club paradise resort napakaganda ng lugar at tanawin dito. Napahanga si Ella sa paligid dahil malayong-malayo ito sa kamaynilaan.
Hinanap nila si Edward. Nakangiti ito sa kanila ng makitang paparating na sila.
"Nice place." tanging nasabi ni Juan Karlos
"Yeah, absolutely." dagdag ni Ella.
Sa di kalayuan may isang foreigner ang lumapit sa kanilang tatlo ngunit ang sadya nito ay si Ella.
"Hi miss, may I know your name?"
"Ha! me?"
"Yeah! I came here in the philippines because i want to find a girl to be my wife." seryosong wika nito."
"Oh! really," gulat na sabi. "I'am Ella and you?" dagdag niya.
"What a nice name, I'm Rodolfo Abueg a fil- mexican citizen."
Nakikinig lang ang dalawang lalaki na kasama ni Ella hindi maintindihan ni Juan Karlos kung maiirita siya sa lalaking kausap ng kanyang empleyado. Gusto sana niyang mag-interupt sa usapan ng dalawa ngunit inisip niya baka maoffend ang kausap nitong foreigner.
"Can i ask you something?"
"Go ahead Sir!"
"Do have a boyfriend?"
Natatawa na si Ella sa tanong ng lalaki, gusto na sana niya itong hindi kausapin kaso nga lang ayaw niya i-disrespect ang lalaki..
Nagulat na lang sila ng may dumating na lalaki na pamilyar sa kanya ang boses dahil tinawag siya nito.kahit na nakatalikod siya alam niyang si Dr. Andrei ito or Dr. Tenorio sa pagkakilala niya rito.
"Sabi ko na nga ba andito ka eh! nasabi mo kasi kanina sa phone n dito ang tungo ninyo ng boss mo."
"Miss who is he?" singit na tanong ng lalaking foreigner.
"By the way, I'm Dr. Tenorio the..."
Hindi natuloy nin Dr. Tenorio ang sasabihin ng kumindat sa kanya si Ella nakita niya sa expression nito kung ano ang ibig nitong sabihin.
"By the way she is my girlfriend. I came here just to see here."
"Really? oh gosh, I'm so stupid. So sorry to disturb you. By the way thank you for your kindness Ella. nice to meet you."
Mabilis na umalis ang lalaki, Ng humarap ito si Andrei sa mga kasama ni Ella laking gulat niya ng makita niya si Juan Karlos.
"Doc si Juan Karlos boss ko." nagkamay ang dalawa ngunit si Andrei hindi makapaniwala si Juan Karlos Alvaro ba itong nakikita niya.
"Don't worry Ella kilala ko na yang boss mo, sino ba naman ang hindi makakikilala sa mayamang negosyante na tulad ng mga Alvaro."
"Kilala mo ako ba't hindi kita maalala." seryosong sabi ni Juan Karlos.
Nagtaka si Dr. Andrei sa tinuran ng kanyang kausap. Talaga bang hindi siya nakikilala nito.
"What happen to you Juan Karlos, school mate tayo nung high school di mo na ba ako matandaan Andrei Tenorio you always win the competation nung high school .
"Sir nagka amnesia siya after the accident." Paliwanag naman ni Edward.
Sandaling natigilan si Andrei sa narinig a very strong man mawawalan ng memory, Sandali pa
ng may dumating na babae, may kasama itong bodyguard. "Usap tayo mamaya." huling sabi ni Andrei kay Ella samantala, lumapit ito kay Juan Karlos kinamayan niya ito.
"Sir nandito na po ang kausap namin can you please excuse us!" ani Edward.
Ngunit lito pa rin ang isip ni Juan Karlos gusto niyang kastiguhin ang sarili sa pagkakaroon ng amnesia. Hindi niya pinahalata ang kahinaan ng kanyang loob kaya ngumiti siya sa investor na kanilang bisita.
"Hello, I'm Mrs. Cheng." nakipagkamay ito sa kanila.
Napakagandang babae wari ni Ella isa ito sa mayamang negosyante sa pilipinas.
"Maupo po tayo ma'am," paanyaya ni Ella.
Nagulat si Ella ng tanggalin nito ang sunglass nitong suot. Nakilala at nakita na niya ito sa lugar ng Sta. Monica.
"Ma'am kung hindi po nakakahiyang magtanong ikaw po ba yung friend ni Mrs. Uy?"
"Yes hija, why?"
"Sabi ko na nga ba, ako po si Ella ang empleyado po ni madam the last time na pumunta ka po sa Sta. Monica."
"Yes ikaw nga hija," masiglang tugon ni Mrs. Cheng.