"Hello madam."
"Yes Kaye ano na ang update mo sa mga kaganapan diyan sa opisina?"
"Madam as of now wala pa po sila Sir Juan Karlos nasa business trip pa po sila kasama niya si Sir Edward and the girl named Ella staff nila sa team."
"Hay naku nakakastress talaga ang daming problema ng isang branch natin dito sa europe and as usual ako pa din ang gumawa ng paraan para maayos."
"Madam maalala ko po pala yung investor na si Mrs. Cheng si Sir Karlos na po ang nag-take responsibility para matapos na ang deal between our company and to the company of Cheng company."
"No problem magaling naman si Juan Karlos pagdating sa business, and paalala ko sayo never call him again Karlos lang Juan Karlos dahil baka maalala pa niya ang tatay niyang baliw."
"Sorry madam, tatandaan ko po."
"Kumusta ang tatay mo?"
"Mas mabuti naman po ngayon kahit hindi na siya makalabas ng bahay masaya naman siya kahit po papaano."
"Sana 'wag mong kalimutan ang kasunduan nating dalawa ang gusto ko iayos mo na lahat ng mga documents sa opisina para hindi mahirapan ang papalit sayo."
"Opo madam." maikling tugon niya sa kanyang boss."
Halos 9pm na din nakauwi si Kaye sa bahay galing opisina. Mabigat ang dibdib na pumasok ng bahay agad siyang sinalubong ng kasam-bahay na si Nora.
"Ate nasaan si tatay?"
"Nandun po siya sa terrace gusto niya daw po makalanghap ng sariwang hangin."
"Sige po salamat pakidala na lang ako ng gamit sa kwarto. Puntahan ko lang ang tatay."
"Sige po ma'am."
"Kaye na lang po, okay ho ba." nakangiting saad niya.
Tumango na lang si Nora na siya din nag-aalaga sa tatay niya malapit na kamag-anak ng kanyang ina.
"Tay, kumusta po?"
"Mabuti naman ako anak, medyo nagagalaw ko na ang isang paa ko."
"Opo tay alam kong kaya n'yo yan, at isa pa kahit naman wala kayong isang paa andito ako magiging sandigan mo po para makatayo."
"Napakabait mo talaga anak. Iniisip ko po kasi baka nahihirapan ka na sa pag-aalaga sa akin. Nahihiya na ako sayo Kaye." May lungkot na sabi.
"Ang tatay talaga, 'wag mong isipin 'yan tay naging napakabuti mo po sa akin mula pagkabata hanggang ngayon po. Kaya naman lahat gagawin ko para mapabuti ka lang po tay."
"Kumusta naman si Sir?
"Mabuti naman po siya busy siya ngayin kaya hindi ka po niya mabisita alam mo naman po sa opisina napakadaming trabaho."
"Sige anak kumain ka na muna."
"Ikaw tay, kumain ka na ba?"
"Oo anak kanina pa kasi uminom ako ng gamot kaya hindi na kita nahintay."
"Sige po tay magbibihis na muna ako bago ako kumain."
Nasa kwarto na si Kaye nilibot niya ng tingin ang paligid ito ang tahanan na kinalakihan niya ilang araw na lang ay lilisanin na nila para lang mailayo ang ama sa kapahamakan, alam niyang napakaraming magaganap sa mga susunod na panahon hindi man bukas walang nakakaalam. Hindi pa nagsisimula ang paghihiganti niya sa mga taong nanakit sa kanilang pamilya alam niya ito na ang panahon para mangyari ang mga bagay na kanyang pinaplano mahirap man ns simulan pero kakayanin niya para sa kanyang ama.
"Tay unti-unti na po kayo magligpit ng mga gamit ninyo sa makalawa lilipat na tayo ng bahay mas malaki at maluwang kaysa dito."
"Anak kailngan ba nating lumipat pa ng bahay masaya naman tayo sa bahay na ito, maiiwan natin dito ang alaala ng yumaong mong ina."
"Opo tay, para mailayo ko kayo sa mga taong magtatangkang manakit sa inyo ngayon pa lang kikilos na ako para di na kayo masaktan ng kung sino-sino riyan." seryosong wika ni Kaye.
Sa coron, palawan hindi maikakaila ang ganda ng buong tanawin mula sa pangpang nito kita ang yaman ng dagat dahil sa malinis at may disiplina na mfa taong naroon lalo na sa kanilang mga bakasyonista. Nagplano sina Juan Karlos at Edward na pumunta sa isang isla para makakuha ng magandang larawan para sa kanilang gagawing view sa gagawing apparel shoot.
"Sir bukas parating na din ang buong team pero mas maganda sana eh makita natin muna ang isla para pagdating nila naka-ready na."
"Sige 'yun ang gagawin natin."
"Ella ready ka na ba?" tanong ni Edward.
"Yes Sir na-ready ko na ang dadalhin natin."
"Sir ako po si Kanor magiging bangkero ninyo nga lang po dalawang tao lang pwede ang isakay ko dahil medyo may kalakasan na po ang hangin dahil maliit na bangka lang po meron po ako. Kung mismo sa pantalan po tayo eh maraming masasakyan papunta sa kabilang isla."
"Sir okay lang po sa akin kahit mahuli ako, importante kasi na makapunta tayo dahil sa susunod na araw ang dami na po nating gagawin." paliwanag na nasabi ni Edward.
"Sige ganun na lang." si Juan Karlos.
Pumalaot na ang bangka hindi pa naman ganun kalaki ang alon kaya tumuloy si Juan Karlos at Ella sakay nito. May kaba man si Ella dahil fist time niya makasakay ng maliit na bangka. Nasa kalagitnaan na sila ng dagat patungong kabilang isla unti-unting kumulimlim ang kalangitan. "Kuya kaya pa ba ng bangka? medyo malaki na ang alon." Natatakot na sabi ni Ella.
"Don't worry may life jacket tayo at isa pa kasama mo naman ako eh." Giit ni Juan Karlos. kita niya ang takot sa mukha ni Ella kaya hinawakan niya ang kamay nito. Para mawala ang takot nito sa dagat.
"Malapit na po tayo Sir," wika ng bangkero.
Ngunit bago pa man sila makarating ng pangpang pinasok na ng maraming tubig ang bangka upang maging dahilan na tumaob ito sinabayan pa ng malalaking alon na humahampas sa kanilang sinasakyang bangka.
Hanggang sa mamatay na ang makina nito at tuluyan ng tumaob ito.
"Sir malapit na po ang pangpang kaya na po yang languyin," pangungumbinsi ng bangkero kaya naman hindi na nag-atubili si Juan Karlos na pilit lumangoy panatag siya na hindi sila mapapano dahil may suot nilang life jacket.
"Ella okay ka lang?" kahit kita niya ang pangamba sa mukha nito.
"Okay lang po nakikita na po natin ang isla kaya siguradong hindi na ganoon kahirap marating iyon."
Habang lumalangoy sila lalo pang lumalaki ang alon mas nahihirapan na silang makita ang isla dahil sinabayan pa ito ng pagbuhos ng malakas na ulan. Nilingon ni Juan Karlos ang bangkero ngunit di na niya matanaw ito baka tuluyan ng lumubog ang bangka alam niyang hindi mapapano ito dahil sanay ito sa dagat 'di katulad nila ngayon lang nakaranas ng ganito.
Malapit na malapit na nila marating ang isla ng mabitawan niya si Ella dahil sa sobrang pagod na. Nataranta siya dahil sa laki ng alon na humahampas sa kanila hindi niya makita na si Ella, alam niyang pagod na ito sa paglangoy kaya mahihirapan na itong umabot sa pangpang. Sa di kalayuan nakita niya si Ella na kumakaway ang kamay nito. Mabilis niyang lumangoy patungo kay Ella. Minabuti niyang hawakan ng mabuti ang kamay ni Ella hanggang sa marating nila ang pangpang ng isla. Nawalan na ng malay si Ella dahil sa pagod at dami din na tubig na kanyang nainom. Kinarga agad ni Juan Karlos si Ella malayo sa dagat at binaba niya ito wala pa din itong malay.
"Ella, ella gising, ella gising," tarantang sambit. ginawa niya ang CPR.
Ilang minuto pa naisuka ni Ella ang tubig na kanyang nainom.
Ngunit hirap pa din siya na makapaglakad dahil sa nangyari kanina at dahil na din sa sobrang pagod ng paglangoy. Kaya naman binuhat ni Juan Karlos ang dalaga. Sa di kalayuan mayro'n isang maliit na kubo kaya dun sila tumungo ngunit walang taong naroon kaya pumasok sila sa loob para makapahinga.
"Ella upo ka muna dito sa may bangko masyadong madilim hahanap ako ng ilaw o gasera baka mayroon sa loob ng bahay."
Tumango naman si Ella.
Laking pasalamat ni Juan Karlos dahil may nahanap siyang poaporo sa may lutuan at gasera kaya naman pagpasok nila naghanap agad si Juan Karlos ng damit ngunit sawi siya nakakita lang siya ng isang kumot sobrang ginaw na ginaw na siya kaya naman tinanggal na niya ang basang damit at binalabal sa katawan ang nakitang kumot.
"Ella remove your clothes para mapatuyo muna natin. Sigurado bukas na tayo makakauwi nito dahil sa panahon at isa pa hindi pa dumating ang kasama nating bangkero."
Nagdadalawang isip si Ella dahil kahit papano nahihiya din siya sa kanyang boss.
"Sige na Ella 'wag ka ng mahiya tatalikod lang ako. baka magkasakit ka pa n'yan kung hahayaan mo lang matuyo ang basang damit sa katawan mo."
kaya naman tumalikod si Juan Karlos at dali- daling tinanggal ni Ella ang kanyang damit at pinagsaluhan nilang ibalot sa kanilang katawan ang maliit na kumot. Habang parehas silang nakatalikod unti-unting nagkakadikit ang kanilang mga likod, sa gulat ni Ella ng biglang kumidlat ng malakas na may kasamang kulog napaharap si Ella sa likod ni Juan Karlos upang maramdaman nila ang init ng kanilang mga katawan.
"Ella pwede mong idikit ang katawan mo sa likod ko if nilalamig ka para hindi ka ginawin." ani Juan Karlos.
Kaya naman ginawa ni Ella idinikit ang katawan niya sa kay Juan Karlos nakaramdam si Ella ng pagdaloy ng kung anong kuryente sa kanyang katawan katulad din ng minsang nangyari na sa kanya kay Jk.
"Salamat Sir." maikling sabi niya.