"Kamusta kana Jhon?" Tanong ni Lorenzo kay Jhon.
Lumapit ito sa amin at umupo sa buhangin at tumingin sa hampas ng dagat.
"Ito ganoong parin, tumaas lang ng kaunti", Walang gana nitong sagot.
"May problema ka ba Jhon?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi nya.
Ganoong din si Lorenzo, umupo din ito sa tabi ni Jhon at kumuha ng mga bato at binabato sa dagat.
Nagsilapit rin sina lovely at Angel umupo sila sa tabi namin at nagsikuha ng mga bato at pinagbabato ang dagat.
Naunang nagtanong si Lorenzo sa akin.
"Nene, dito kaba mag- aaral sa atin ng college?" Tanong nito sa akin.
"Oo, dito lang sa Isla." Sagot ko sa kanya.
"Bakit ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.
"Dito rin!" Sagot nya sa akin.
"Anong course naman ang kukunin nyo?" Tanong ko sa kanila.
"Ako nurse!" Sabi ni Angel na ngumingiti habang nakatingin kay Jhon.
"Ahhhmmmm!" Ang padighay ni Lorenzo dahil nakikita nya ang mata ni Angel na hindi umaalis kay Jhon.
"Ang mata!" Sabi pa ni Lorenzo.
Natawa ako kay Lorenzo.
Ikaw, ne anong gusto mong course? Tanong ni Jhon sa akin.
"Napag- isipan ko na ito!, Matagal na dahil ang ating Isla ay may course na libre at dito lang kaya iyun ang kukunin ko!" Sabi ko sa kanila.
"Tourism " sabay pa nilang sambit.
"Oo, bakit anong masama sa tourism!" Tanong ko sa kanila.
"Wala, bagay din naman sa'yo eh!" Sabi pa ni Jhon na nakatingin sa akin.
Kaya bigla ko nalang itinuon ang tingin ko sa dagat.
Nahihiya ako sa kanyang tingin dahil matagal ng di kami nagkita at malaki talaga ang pinagbago nya.
Noong maliliit pa kami ay mga batang yagit lang kami na nagtatakbuhan sa tabi ng dagat at lumalangoy buong maghapon.
Nang dumaan ang ilang taon ay biglang nagbago.
Dahil pinag-aral sya ng kanyang Tatay sa Maynila nun nag katrabaho na ito sa abroad.
Kaya nagkaroon ng pera ang pamilya ni Jhon. Sa aming magkakaibigan ay si Jhon lang ang tanging nakapunta ng maynila at nag- aral.
Lahat kami ay dito lang nag high school sa Isla.
At ilang taon din na hindi umuuwi si Jhon.
"Ikaw Jhon, Anong course ang gusto mo? Habang nakangiti at hindi kumikirap ang mga matang tumingin-tingin kay Jhon.
Napansin na naman ni Lorenzo.
"Ang mata!" Angel ang mata!" Sabi nito.
Kaya nagtawanan nalang kami sa mga pinagsasabi ni Lorenzo.
"Ako.. ang gusto ko sana ay Fine arts kaya lang ayaw ni Tatay at ang gusto nya ipakuha sa akin ay Seaman o Pulis." Sagot nya at sabay hagis ng bato sa dagat.
Biglang tumayo si Lorenzo at hinatak si Angel sa kamay at dinala sa dagat.
Kaya nagtawanan kami ng biglang tumayo si Jhon at hinatak rin nya ako papunta sa tubig dagat at nadaganan ko sya.
Dahil na out balance ako sa ginawa nya.
Kaya bigla akong tumayo at nagpunas ng mukha dahil sa masakit ang tubig dagat sa mata.
Napaubo din ako dahil may nainom na akong tubig.
Tumawa lang si Jhon sa ginawa nya kaya hinampas ko ang tubig papunta sa kanya.
Kaya nag hampasan kami ng tubig at naki join din sina Angel at Lorenzo sa amin. Nang biglang lumingon kami sa buhangin dahil nanduon pa si lovely na tumatawa ng bigla itong tumahimik dahil lahat kami ay nakatingin sa kanya.
"Ohhh, nono noooo!!" Sabi pa nya at bigla itong tumayo at tumakbo palayo sa amin.
Ngunit mabilis naman napigilan nina Lorenzo at Jhon dahil hinawakan sya sa kanyang braso at hinila pabalik sa dagat.
"Mamaaaaaaaaa!!" Sigaw nya.
At tinapon nila ito sa dagat na dinaganan namin ni Angel at umalis agad.
Kaya napa- tayo bigla si Lovely at napa ubo din. Sabay punas ng kanyang mukha.
"Mamaaaaaa!" Sigaw nito.
Kaya nagsigawan rin kami ng "MAMA!"
"Hahahahahahaha" halakhak namin lahat.
Mga ilang oras din kami na naglaro at sa dagat hanggang dumilim at umupo kami sa buhangin habang tinatanaw ang papalubong na araw.
"Ne, Sasali ka ba ng Reyna Elena?" Tanong ni Jhon.
"Iwan ko kay Nanay, gusto nya akong sumali ng Reyna Elena, eh ayaw ko naman. Sumali sa mga ganyan." Sabi ko sa kanya.
"Bakit naman eh, ang ganda mo kaya, sayang lang kung di ka Sasali!" Sabi nito sabay tingin sa akin.
Natahimik ako at tumingin sa malayo ng bigla kung nakita si Nanay na papunta sa amin.
Napatayo ako sa buhangin.
"Nene! Sigaw nito at papunta na sa amin.
Nang nasa harap na namin si Mama.
" Nene! Halika muna at kukunan ka ng sukat ni Mama Catty nasa bahay sya ngayon" Sabi nito at hinawakan nya ang kamay ko.
Kaya sumunod nalang ako sa kanya.
"Guys mauuna na ako sa inyo ha!" Ang paalam ko sa kanila habang naglalakad na kami ni Nanay pauwi ng Bahay.
Sa susunod....