Jhon POV Kinakabahan ako habang papasok sa loob ng van ng may nakita akong isang tao na ninigarilyo sa unahan kaya tinignan ko ito ng mabuti. Kung sino ito ngunit nabigla ako dahil kilalang kilala ko ang taong nakaupo sa unahan ng van. " Kamusta ka na bata?" Tanong ni Mayor Jay habang na ninigarilyo ito, nasa unahan naka- upo at sabay buga ng usok. " Ma- mayor kayo po iyan?, Bakit nyo ako dinala dito?' Kinakabahan na tanong ni jhon. " Alam mo bata, maraming dahilan kung bakit ka nandito!" Na nakatingin sa rear view mirror si Mayor Jay at nakikita nya ang kaba sa pagmu-mukha ni Jhon. " Ano po ba ang kasalanan ko sa inyo at gina- ganito nyo ako?" Garalgal na tanong ni Jhon at nagpalinga-linga pa sa buong van. " Di sana aabot sa ganito kung di ka lang dumating at nagpakita pa kay Nen

