Chapter 4

669 Words
[Kisha's POV]  Bakit ganun di ako makatulog. Haiysst! Magpapahangin na nga muna ako sa labas. Tumayo ako at naglakad patungo sa labas. Agad kong nakita si Ranz at Jamea, mukhang nag-uusap sila habang nakaupo sa damuhan. "Bakit po ayaw niyong sabihin sa kaniya?" rinig kong tanong ni Jamea. "Dahil hindi pa pwede." sagot naman ni Ranz. "Edi may gusto ka nga po kay ate k---" biglang tinakpan ni Ranz yung bibig ni Jamea ng mapalingon siya sa kinakatayuan ko. Nakita kong lumapit si Ranz sa tengga ni Jamea tila ba may binulong siya sa bata. Tumingin si Jamea sakin at ngumiti. Ano meron? Mukha silang mga baliw. Biglang tumakbo si Jamea papasok ng bus. Kaya naman kami na lang ni Ranz, ang naiwan dito sa labas. "Maupo ka." sabi ni Ranz habang tina-tap yung damong nasa tabi niya. Kaya naman lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Bakit gising ka pa?" tanong niya habang nakatingin sa malayo. Bakit nga ba? Hindi ko din alam eh. "Hindi makatulog?" tanong niya kaya napatango na lang ako. "Eh. Ikaw ba't di ka pa natutulog?" Pagbabalik ko ng tanong niya. "Binabantayan ko kayo, tsaka kanina puro tulog na din ginawa ko eh." sabi niya. "Sa tingin mo matatapos pa kaya ito?" tanong ko sakaniya. "Hindi ko rin masabi. Basta gagawin ko lahat mahanap lang ang taong may kagagawan lahat nito." sabi niya na may nilabas na isang notebook. Project Zombierus yan ang nakalagay sa cover ng notebook na pinakita niya.  May iba't-ibang uri ng zombie, ang nasa loob nito. Meron mga Fast Zombie at Slow Zombie, pero di ko akalain na marami papalang uri ng Zombie. TANKER  Ayon sa notebook: sila ang mga Zombie na may malaking katawan ganun din ang mga braso at paa nila ngunit may pinaka-maliit na ulo. Maari ka nilang patayin at wala silang balak na kagatin ka dahil tanging pagpatay lang ang gusto nilang gawin. Para mapatay sila kailangan maputol o mapasabog ang kanilang ulo. SPITTER  Kakaunti lang ang impormasyon na nakalagay dito, tanging nakalagay lang ay nakakalason ang dila nila at maaari kang maparalisa kapag napadikit sayo, ang dila nila o kaya naman ay kapag naduraan ka ng laway nila. Pagputol lang sa kanilang dila ang paraan para sila ay mapatay. JOCKEY  Sila naman ang Zombie na sobrang bilis gumalaw at yung parte na gusto nila kagatin ay ang leeg kapag nakagat ka nila sa leeg magiging Zombie ka na agad sa loob lang ng ilang segundo. Tanging kahinaan lang nila ay ang pagputol sa mga braso nila o ulo. BOOMER  Ayon sa notebook. Ito ang pinaka-sensetibo sa lahat, Dahil na rin sa tiyan nitong punong-puno ng asido. Matamaan mo lang ng bala o madablisan ng kutsilyo, ang tiyan nito siguradong sasabog ito. Tanging pag-iwas lang ang maaari mong gawin, kung ayaw mo malapnos ang balat mo. MONARCH  Siya siguro ang Boss dahil na rin siya ang bumubuhay sa mga Zombie na namatay na at hangga't hindi siya napapatay hindi mauubos ang mga Zombie at sabi pa dito na mabagal lang ang galaw niya pero lumalakas siya dahil sa mga Zombie na nakapaligid sakaniya. Matapos kong mabasa ang nasa loob ng notebook napatingin ako sakaniya. "Anong balak mo?" tanong ko sakaniya. Tumingin siya sakin at ngumiti kasabay ng pagtuon niya ng tingin sa notebook. "Ang hanapin ang sumulat nito." sabi niya habang tinuturo ang isang panglan. Dr. Jinghin H. Chua ang nabasa kong author pero sinalin ni Dr. Grimaldo F. Hizon sa ingles ang notebook. "Nakita ko yan sa kamay ni Dr. Hizon. Habang wala ng buhay sa grocery." Tukoy ni Ranz sa notebook. Hindi ko alam kung nababaliw na ba si Ranz o ano, kasi paano niya makikita yung doctor na yun? Kung sobrang laki ng pilipinas. "Alam kong iniisip mo, nababaliw na ako." sabi niya na may pilit na ngiti sa labi niya. "Gusto ko lang kasi matapos na ito at umaasa akong makikita ko pa ang pamilya ko." sabi niya habang sumandal sa bus at pumikit. "Ako din, inaasam kong matapos na nga ito. Namimiss ko na din sila mama at papa." pagsangayon ko at sabay nito ang paghikab ko . Napansin kong tulog na yung katabi ko. Pinatong ko na yung ulo ko sa bus at ilang sandali lang din tinamaan na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD