[Kisha's POV] Natatanaw ko na ang Hospital kahit malayo pa ito sa amin. Pero ang ipinagtataka ko kung bakit ito tila nasusunog. Anong nangyayare? May mga ilan na tumakbo papunta sa amin. "Tulong!" sigaw ng mga taong lumalapit sa amin. "Anong nangyayare?" tanong ko. Pero tila wala itong narinig at nagtatakbo palayo ng hospital. "Ranz!" napatingin naman ako sa sumigaw. Si Johnrey akay-akay si Shiela. "Anong nangyayare sa loob?" tanong ni Ranz ng makalapit siya sa kinaroroonan nila Johnrey. Napatingin naman ako sa katabi ko pero nawala na ito. Hinanap ko naman kung saan nagpunta at nakita ko din agad si Niel inaalalayan si Angela palabas ng hospital. Bumaba naman ako ng sasakyan at mukhang baba-ba din si Rhaniel pero pinigilan ko na. "Diyan ka na lang bantayan mo si Tasha." tumango na

