Chapter 23

650 Words
[Kisha's POV] Nandito ako ngayon sa roof top. Dama ko naman yung napakalamig na hangin na tumatama sa mukha ko. Napatingala naman ako sa langit. Mukhang uulan sa sobrang dilim ng kalangitan. Naisipan ko munang pumasok at mukhang uulan na. "Bitawan niyo nga ako!" Teka parang pamilyar sakin yung boses na yun ah. Hinanap ko naman kung saan ko narinig yung boses na yun. "Sabi ng hindi pwede eh. Baka mamaya espiya ka ng kalaban!" Nagulat naman ako ng makita ko si Marc hawak-hawak siya ni James sa magkabilang kamay. "K-kisha?" sambit ni Marc ng makalingon siya sa kinatatayuan ko. Bigla naman niya sinipa patalikod si James na naging dahilan para makawala siya. Tumakbo naman siya papunta sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. "Akala ko hindi na kita makikita pa." sabi niya. Hindi naman ako nakapagsalita. Umalis naman siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako. "Okay ka lang ba?" tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Mabagal naman ako napatango. Dahil hanggang ngayon gulat na gulat pa din ako ng makita ko siya. "Hoy ikaw! Tatakas. Takas ka pa!" sabi ni James kay Marc, habang may hawak siyang posas. Pinigilan ko naman si James sa balak niyang posasan si Marc. "Ako na bahala sakaniya. Kakilala ko siya." sabi ko. Binulsa naman na ni James yung posas at lumapit kay Marc. "Pasalamat ka nakaligtas ka pa. Eto tandaan mo bata. May atraso ka pa sakin!" sabi ni James at umalis na. Kami na lang ni Marc ang naiwan. "Ano naman ginagawa mo dito at paano ka napadpad sa ganitong lugar?" tanong naman ni Marc. "Dinala kami dito nung sundalo na humuli sayo." sabi ko na tinutukoy ko ay si James. "Kami? Ibigsabihin may kasama ka?" tanong naman niya. "Oo si Ranz." Nakita ko naman yung pagiiba ng itsura ng mukha niya. "Ah siya ba? Nasaan siya?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ito o ano yung salita niya biglang nagbago para bang nawalan ng interest? "Nasa meeting siya ngayon. Gusto mo puntahan natin?" sabi ko naman. "S-sige." Pumunta na lang kami duon sa meeting room at naghintay sa labas nito. Matagal tagal na din kaming naghintay sa labas pero wala pa ding Ranz na lumalabas. Ba't naman kaya ang tagal nun lumabas. May mga ilan na lumalabas na ng meeting room. Nakita ko naman na lumabas si Dr. Claveria. "Oh? Kisha ba't nandito ka?" gulat niyang tanong. "Si Ranz po?" tanong ko. "Huh? Eh kanina pa iyon hindi bumabalik dito, simula ng inutusan ko siya. Ang akala ko nga kasama mo siya kaya hindi na siya bumalik sa meeting room." paliwanag ni Dr. Claveria. Saan naman kaya yun nagpunta? "Ah ganun po ba. Sige po hanapin na lang namin siya." sabi ko. tumingin naman si Dr. Claveria sa kasama kong si Marc. "Sige Kisha una na ako at may aasikasuhin pa ako." sabi naman ni Doc at nagpaalam na. Nakarinig naman ako ng pagtunog ng tiyan. Pagtingin ko kung kanino galing kay Marc, pala. "Uhm.. Saan dito yung Cafeteria?" tanong niya na napakamot siya sa ulo. Sinamahan ko naman siya sa Cafeteria. Libre lang ang mga pagkain dito, dahil na rin sa sitwasyon namin. Matapos makakuha ni Marc ng pagkain ay naghanap naman kami ng table na mauupuan. Sinimulan na ni Marc kumain. Mukhang gutom na gutom nga siya. "Pasensiya na ah. Halos isang buong gabi ako hindi pa nakakain eh." paliwanag naman niya. Napalinga naman ako sa paligid. Pero wala pa din akong Ranz na makita. Nasaan na kaya iyon? Bigla na lang hindi nagpakita. Tumigil naman sa pagkain si Marc. "Sino hinahanap mo?" Napatigil naman ako bigla. "W-wala." sabi ko. Bakit naman ako nauutal... Nakita ko naman si Marc nagpatuloy siya sa pagkain niya. Naalala ko naman bigla may pagkain pala sa harap ko. Oonga pala kumuha ako ng kahit kaunting pagkain. Sinimulan ko naman ng kainin yung pagkain ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD