Chapter 10

1045 Words
[Johnrey's POV]  Nagising na lamang ako sa sinag na nagmumula sa araw. Grabe nakatulog na pala kami dito sa labas. Nasobrahan yata kami sa pagiinom. Tumayo na ako para magunat ng katawan. Nakita kong tulog pa din sila Rhaniel, Marc at Niel sa upuan nila. "Oh pre, kape." Napatingin naman ako sa nagsasalita. Si Paolo mukhang kanina pa gising. "Salamat." Kinuha ko na yung kape at humigop ng kaunti. Napaisip naman ako bigla. Delikado pala yung pagtulog namin dito sa labas. Buti na lang walang nangyareng masama sa amin. Chineck ko pa kung may kagat ako sa katawan. "Huwag kang magaalala dahil ligtas naman dito sa labas, kahit sa labas kayo matulog dahil may mga incharge naman para magbantay sa gabi." sabi ni Paolo habang humihigop ng kape. Mabuti kung ganun. Ligtas nga naman talaga kami dito. Ilang oras lang nagising na din sila Niel, Marc at Rhaniel. "Marami yata nainom ko." sabi ni Niel habang hinihimas yung ulo niya. "Grabe ka naman kasi kung makaagaw ka ng tagay." sabi naman ni Rhaniel. "Oy! Anong nangaagaw?" sagot naman ni Niel. "Kakashot mo pa lang tapos bigla mong sasabihin na 'akin na yung tagay ko'." sabi ko naman. Nakita ko na tila inaalala ni Niel yung pinaggagawa niya kagabi. "Tara balik na tayo sa tent! Inaantok pa ko!" sabi naman ni Marc na nauna ng maglakad pabalik sa tent. Pagewang-gewang naman lakad ni loko. Naglakad na kami pabalik ng tent nung nasa entrance na kami ng tent biglang napatigil sila Marc sa paglalakad. Hindi ko makita kung bakit kaya naman hinawi ko na sila para makalapit ako. Bigla na lang ako naestatwa sa kinatatayuan ko, dahil sa nakita ko. Imposibleng mangyare ito. Nakahandusay na sa sahig si Sheron puro dugo ang damit nito. Kitang kita ko mula sa kinakatayuan ko ang tama ng baril nito sa ulo. Agad na akong kumilos para hanapin sila Sheila. Naikot ko na ang buong tent kaso wala na sila dito sa loob. "Nasaan si Angela!" Sigaw naman ni Niel na hinahanap din. Naisipan kong hanapin sa labas nagbabakasakali nandoon sila. Kaso mali ng lumabas pa ako dahil habang hinahanap ko si Shiela narinig kong may tumawag sakin at tinutukan na ako ng baril. Hindi ko akalain na magagawa niya ito. Akala ko pa naman ligtas na talaga kami mukhang dinala papala namin yung sarili namin sa kapahamakan. "Hindi ko akalain na magagawa mo ito Paolo." sabi ko habang tinututukan niya ako ng baril. Umiiling lang siya "May huli ka pa bang sasabihin? Bago ko wakasan yang buhay mo." sabi ni Paolo na ngumingisi. Hindi na ako nagsalita pa. Napakasama niya! Isang criminal!! "Mukhang wala ka ng gusto pang sabihin. Edi ibig sabihin tatapusin na kita!" Napapikit na lamang ako ng marinig ko ang pagputok ng baril. Wala man lang akong naradaman na tumamang bala sa katawan ko. Dumilat ako at Nakita kong nakaluhod na sa lupa si Paolo. Sinipat ko yung katawan ko wala naman akong ano mang galos natamo. "Traydor ka pa din talaga Paolo." Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Ranz na may benda pa din sa katawan. Nakita ko na tinututok ni Paolo yung baril kay Ranz. Pero naunahan naman siya ni Ranz ng binaril nito yung kamay niya. Napadaing naman sa sobrang sakit si Paolo. Lumapit si Ranz kay Paolo na nanghihina na. "Sa susunod alamin mo kung sino kinakalaban mo ah!" Agad naman tinutukan ni Ranz sa ulo si Paolo. "Ayoko sa lahat yung traydor!" Narinig ko naman yung pagputok ng baril ni Ranz. Bumagsak na lang sa lupa ang walang buhay na si Paolo. "Tara na. Nandun na sila sa Bus." sabi naman ni Ranz. Kaya naman pumunta na kami doon sa pinagpark namin ng bus. Di ko pa din maiwasan isipin kung bakit ginawa yun ni Paolo. Bakit niya pa kailangan patayin si Sheron? "Kuya!" Napatigil naman kami pareho ni Ranz. Tumingin ako sa umagaw ng atensiyon ko. Isa siyang batang babae. Lumapit naman ito kay Ranz "Oh Ella, bakit?" Lumuhod si Ranz para maging kapantay niya yung batang babae. "Ano po yung narinig kong putok ng baril doon?" Nakita ko naman biglang sinuksok ni Ranz yung baril sa bewang niya. "Ah yun ba? Wala yun may zombieng ligaw lang." Nakita ko na biglang namutla yung batang babae. "Pero huwag kang magalala Ella, pinatay ko na siya." Pagpapagaan ni Ranz sa nararamdaman nung bata. Marahil ayaw niyang sabihin na pinatay niya ay si Paolo. "Buti na lang po pinatay niyo na po siya." Sabi ni Ella na may ngiti sa labi niya. Tumayo naman na si Ranz at nagpaalam sa bata. Tumingin naman siya sakin "Hindi pwedeng malaman ng bata na patay na ang kuya niya." Napaisip naman ako alin sa dalawa yung tinutukoy niyang  kuya nung batang si Ella. "Si Sheron." "Eh paano kapag nalaman niya na wala na yung kuya niya ano na lang iisipin nung bata?" Nagkibit balikat na lang si Ranz. "Ranz!" Napatingin naman si Ranz sa tumawag sakaniya. Isa siguro itong doctor dahil na rin sa mahabang puting coat na suot nito.  Lumapit naman yung doctor sa amin. "Bakit po Doc. J?" tanong ni Ranz ng makalapit sa amin yung doctor. "Alam kong wala na sila Sheron at Paolo. May hihilingin sana ako sayo na huwag muna kayong umalis. Sayo lang ako merong tiwala Ranz. Alam kong hindi mo kami basta basta ipapahamak." sabi ni Doc. J. Tumingin naman sakin si Ranz. Tumango na lang ako. Dahil ayoko din naman umalis agad dito dahil sa tingin ko mas ligtas pa kami dito kumpara sa labas. "Sige po Doc, hindi muna kami aalis." Nagpaalam na si Doc. "Tara na." sabi ni Ranz at naglakad na. "Kailan ka pa nagising?" tanong ko habang naglalakad kami. "Kagabi pa. Narinig ko din ang kausap ni Paolo sa Telepono na balak nilang ligpitin si Sheron para sa ganon kapag nagawa na nila iyon. Si Paolo na ang mamumuno sa Kampo." Napaisip naman ako bakit gusto pang mamuno ni Paolo sa Kampo eh yun nga yung pinakamahirap sa lahat. Nakikita ko na yung Bus namin. Pagkaakyat namin ni Ranz agad niyang binalita na hindi muna kami aalis dahil mas delikado sa labas kumpara dito sa loob. Wala ng tumutol sakaniya at Bumuba na agad si Ranz. Hinanap ko agad kung nasaan si Shiela. Nakita ko naman siyang nakangiti sa akin. Pwede na ba akong matunaw sa mga ngiti niya? Lumapit siya sa akin laking gulat ko ng bigla niya akong yakapin. Ginantihan ko din naman yung yakap niya. Mga yakap na ayaw ko ng kumalas pa. Ito ang oras na ayoko ng matapos pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD