CHAPTER 9

1519 Words
SOMEONE'S POV "Diyan ka lang anak "- sabi ng babae. "Opo Ma"- sabi ng isang batang lalaki. Nasa ilalim ng kama ang isang batang lalaki ng marinig niyang may papalapit sa kaniyang mga magulang na may dala itong baril at samuray. "Anong kilangan mo"- sabi ng tatay nung batang lalaki. "Please tigilan muna kami"- pag mamaka awa ng isang babae. Kitang kita ng batang lalaki kung paano maki usap ang kanyang magulang doon sa lalaking may dalang baril at samuray. "Sinabi ko na sa inyo na kahit sa impyerno kayo magpunta ay susundan ko pa rin kayo"- sabi nito sa kanila. "Please maawa ka may anak pa kami"- sabi ng babae. Bang! Bang ! Binaril nung lalaki ang mga magulang niya naka mulat pa ang mga mata nito habang nasa sahig ito at kitang kita niya ang pag tulo ng dugo mula sa noo ng mga ito. Takot na takot siya. Umiyak lang ng umiyak ng walang tunong ang batang lalaki upang hindi siya marinig nung lalaking pumaslang sa magulang niya. Pagkaalis ng lalaki ay agad siyang lumabas at umiyak sa harapan ng kanyang magulang. "Maghihiganti ako sa ginawa niya sa inyo"- sabi nito at galit na galit. "Mama, Papa"- sigaw ko at bigla akong nagising Ala una pa lang ay nagising ako dahil sa isang babangot na parang kilan lang nangyari. Bumangon muna ako at pumunta ako sa banyo upang mag hilamos, tumingin ako sa salamin . "Hahanapin rin kita kahit nasa imperyno ka"- sabi ko sarili ko. AYEKA'S POV Pag lipas ng ilang linggo ng pasukan namin ay ganun pa rin ang nangyayari binubully pa rin si Bessy buti ay natitiis niya ang ugali ni Celestaine. Kinu kwento ko kay Bessy si Celestaine alam niyang naging bestfriend ko rin ito ngunit dahil sa pagka inggit nito sa akin ay nag bago ang lahat. Papasok na ako sa school at nakita ko si Bessy sa ayaw at gusto niya ay sasabayan ko siya sinabi ko na ito sa kanya dahil hindi ko na matiis na naki kitang ginaganyan siya. Kaya sumabay ako sa kanya pagpasok. "Hala , bakit sila magkasama"- sabi ng ibang studyante dito. " Kinakampihan niya ang isang nerd"- sabi ng isa ngunit hindi ko ito pinansin. "Yakkk ang cheap naman pumili ng ka kaibiganin si AYEKA sikat pa naman siyang Model"- sabi nung isa. "Excuse me kung mag bubulungan kayo pwedeng pahinaan "- sabi ko sa mga ito. Umalis na ako sa harapan nila at sinundan ko ang bessy at sakto makakasalubong namin ang mga impakta. "Hi Nerd, pakipunasan naman ng sapatos ko"- nag papacute na sabi ni Celestaine. Pupunasan na sana ng bestfriend ko ang sapatos nito ngunit lumapit agad ako. Inagaw ko kay bessy yung towel na hawak niya at tinapon ko ito sa mukha ni Celestaine. " How dare you ,why did you do that "- sabi ni Celestaine sa akin habang galit na galit. " May sarili kang kamay bakit hindi mo gawin"- sabi ko dito. "Talagang sinusubukan mo ako Ayeka"- sabi nito sa akin. " Wag mo akong subukan Celestaine iba ako kapag nawala sa wisyo ko"- sabi ko dito "Oh I'm scared"- sabi nito " Kilala mo lang ako sa pangalan ko pero hindi sa pagkatao ko"- sabi ko dito sabay hinila ko na ang bestfriend ko. "Ayeka bakit mo naman ginawa yun, diba sabi ko sayo wag ka ng mangingialam "- sabi nito sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy ang lakad namin . Kahit na marami ang mata na nakapaligid sa amin ay wala akong pakialam sa kanila. Pumunta kami sa rooftop para pag usapan na itigil na ito. "Christelle Ann itigil na natin ito , ikaw lang ang nahihirapan sa pinag gagawa mo at ang tanga ko naman dahil pumayag ako sa gusto mo'- sabi ko dito. Ngunit nakangiti lang ito sa akin. "Anong ngiti ngiti mo diyan "- sabi ko sa kanya. "Natutuwa lang ako na may best friend akong katulad mo"- sabi niya sa akin. " Tsskk"- sabi ko dito "Sorry na titigil ko na"- sabi niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin "Uyy bessy "- sabi niya sa akin. "Titigil ko na "- sabi ko niya. Inabot ko ang isang paper bag na may uniforme doon "Magpalit ka na huh yan suotin mo "- sabi ko dito Uniforme ng binigay ko sa kanya maikli ang palda na kulay asul at fitted na long sleeve ito. "Tara na sa cr baka mag time na"- sabi ko dito ng hindi ako tumitingin. "Nagtatampo ka pa eh "- sabi nito sa akin. "Hindi na"- Tipid kong sabi. "Wag ako Ayeka , kilang kilala kita kahit pabango mo alam na alam ko"- sabi nito sa akin. " Oo na sige na tara na sa cr at aayusan kita"- sabi ko sa kanya. Pagbaba namin andun nanaman ang bulungan "Anong pinagbubulungan ninyo dyan ? bumalik na kayo sa room ninyo"- sabi ko dito na pasigaw. Dumiretso na lang kami sa cr pagkatapos magpalit ni bessy ay agad ko itong inayusan para magmukha siyang tao man lang. "Tingnan mo sobrang ganda mo"- sabi ko dito "Nambobola ka nanaman bessy"- sabi niya sa akin Naka make up siya ng natural lang may kunting foundation at lipstick na pink ang nilagay ko dito sa mukha niya , maputi naman ang mukha niya at makinis walang miski tigyawat o butol butol sa mukha niya. Hindi ko na pinapuyod na ang na alon alon niyang buhok na kulay brown malambot ang buhok niya at kinalayan ko siya ng kunti lang dahil maganda naman ang kilay niya Ang mga mata niya ay kulay brown na brown at may matangos na ilong. Pagtapos namin ay lumabas na kami. "Wow siya ba yung nerd ang ganda naman niya"- sabi noong isang babae. " Your look so beautiful" sabi noong lalaki kay bessy Ngunit nahiya si Bessy kaya nagtuloy tuloy lakad lang kami at hinatid ko siya sa room niya. "Thank You so much Bessy ko"- sabi niya sa akin. "OMG mag bestfriend sila ni Ayeka" sabi ng isang classmate niya. "Pinaltan na niya si Celestaine"- sabi ng nung isa pa. Actually hindi ko halos kilala ang mga nag aaral dito ngunit kilala nila ako pero wala akong pakialam sa mga pangalan nila at hindi ako interesado sa buhay nila. Yumapos sa akin si Christelle pabalik ko rin itong yumapos at nakatingin sa amin si Celestaine sobrang sama kung makatingin. Pagkapasok ni Bessy ay namangha silang lahat sa ganda ng bestfriend ko. Maganda ang bestfriend ko at bagay sa kanya maging isang model o artista. Pagkaupo niya ay nag paalam na ako at papasok na ako room ko. Nag cecellphone ako habang naglalakad at marami ang bumabati sa akin dito. Ngunit may nabangga akong isang lalaki. "Patanga tanga kasi sa daan"- sabi ko dito. "Ikaw na nga itong nakabangga ako pa ang may kasalanan"- sabi niya sa akin. "Alam mo naman palang mababangga kita bakit bindi na lang ikaw ang umiwas "- sabi ko dito. "Ok fine ako na ang mali"- sabi nito habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Tsskkk" - lumakad na lang ulit ako papuntang room. Sumunod naman ito sa akin at hinihintay pa rin akong mag sorry. "Ayeka mag sorry ka ikaw naman talaga ang may kasalan "- sabi nito sa akin. "Pakialam ko kung ako ang may kasalanan"- sabi ko dito at hindi ko namalayan na nasa room na pala kami. "Ayieee yung dalawa nagkakabutihan"- sabi ng ibang classmate namin. "Yakkk iwww jackson tumigil ka huh , baka ibato ko sayong hawak ko"- sabi dito habang hawak ko ang isang bottle na mineral. " Maang maang pa Ayeka"- sabi ni Jackson. "Isa jackson"- pag susuway ko dito. Ngunit itong Drexille na ito naka ngisi lang ito. "Ayiee"sabi ulit ni Jackson . Binato ko sa kanya yung hawak kong bote ngunit hindi ko siya na tamaan. Aba't ngayon lang ako sumablay sabi ko sa sarili ko Dumating na ang professor namin. Nagturo na ito na iilang ako dito sa katabi ko. Maya't maya ang tingin kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ito. "Tingin tingin mo diyan"- sabi ko dito ng mahina. "May mata ako syempre kaya nakikita kita"- sabi niya sa akin Tsskkk ng pipilosopo ang amputa "Dukutin kaya natin yang mata mo para walang makita"- sabi ko dito " Ayw mo nun sayo lang nakatingin"- sabi niya sa akin. "Iwwww tumingin ka na lang sa iba wag lang sa akin"- sabi ko dito. At nakinig lang ako sa professor ko. Maya maya ay tapos na ang klase at umalis na ako. Pagdating ko sa labas ay nakita ko si Drexille na may kausap sa telepono. Nasa likod lang niya ako kaya hindi niya ako nanapansin. "Boss wala pa akong nakukuhang balita tungkol sa kanya "- sabi niya dito sa kausap niya. " Hahanapin ko siya boss at papatayin ko siya"- sabi niya dito " Oo boss sisipagan kong maghanap sa lalong madaling panahon"- sabi niya dito. "Sino kaya ang kausap niya? " sabi ko sarili ko. Curious lang ako sa sinabi niyang papatayin niya ito . Sino ito ? At bakit nila papatayin ? Mga tanong sa isip kong na buo. Marunong pala siyang pumatay ng tao. Ano nga ba ang pagkatao mo Drexille Dwayne Montero?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD