AYEKA'S POV
Sabado nanaman ngayon kaya pinaghahandaan ko na ang laban namin kong sino man siya ay humanda na siya sa akin.
Lumabas muna ako saglit upang malabas ko ulit ang motor ko para mamaya naka ready na ito. Dahan dahan ko lang itong nilabas upang hindi nila marinig buti na lang nasa loob sila ngayon kaya makakagawa nanaman ko ng paraan hahahhaa. Pagkatapos ko ay pinadara ko muna ito sa ilalim ng puno na katabi ng aming bahay at tinakpan ko ito. Maya maya ay may bumusina sa akin. Paglingon ko ay si Daddy.
"Paktayy huhuhu baka nakita niya"- sabi ko sa isip ko.
Pagkakababa niya ay agad akong sumalubong ng kiss sa pisngi niya
Akala ko dumating na siya kanin pa hindi pa pala hindi ko na pansin ang koste niya dahil sa iba ko tinatago ang motor ko. Kahit noong lumabas ako ay hindi ko napansin,bulag na ata ako hahaha
"Ayeka bakit nasa labas ka pa gabi na ah"- sabi ni Daddy.
"Ah eh daddy nagpapahangin lang po ako sa labas"- pagdadahilan ko dito
"Sana naman gumana ang pagpapalusot ko "- sabi ko sa sarili ko
"Ikaw lang inaalala ko Ayeka baka makita ka dito ng mga fans mo dudumugin ka nanaman nila"- sabi nito sa akin.
"Sorry po dad hindi na po mauulit "- sabi ko dito habang nakayuko
"Ok sge wag mo ng uulitin, pumasok na tayo sa loob at lumalamig na"- sabi nito sa akin.
Kaya pumasok na kaming dalawa sa loob at nagtaka si Mommy kung bakit magkasama kami dahil ang alam nila ay nasa loob lang ako ng kwarto ko. Paano kaya kung nakita ni daddy yung motor ko na nilabas? Haysstt Ayeka Ayeka Ayeka sabihin muna kasi sa kanila.
Actually 2 years pa lang akong hinirang na MAFIA QUEEN , sumasali ako sa mga tournament nila umaabot ako ng 10 rounds ng walang nakakatalo mapa lalaki ay hindi ako kayang matalo hahaha hindi sa pagyayabang huh sobrang hina lang kasi talaga nila kaya natatalo ko sila , buti nga hindi ko sila tinatapos eh para kapag nagharap ulit kami ay ma uulit lang ulit ang nangyari pero sa totoo lang Kay Poison Queen ako na hirapan may taglay rin siyang galing at hinuhuli niya ang bawat galaw ko pinag aaralan nila ang mga galaw at kilos kong san ako aatake at kung saan ako pupunta .
Kaya sa susunod ay babaguhin ko ang lahat ng galaw ko at kilos ko , kaya tudo ensayo ako upang hindi nila magaya. Bibilisan ko na palagi ang mga kilos at galaw ko upang hindi agad malaman nila ang gagawin ko.
At Bumalik na ako sa reyalidad.
"Ayeka"- sabi ni Mommy sa akin
"Po "- sabi ko dito
"Kakain na tayo"- sabi ni Mommy.
"Sge Mom"- tipid kong sabi dito.
Kumain na kami ng hapunan at pagkatapos namin Kumain ay umakyat na ako sa taas. At binuksan ko ulit ang box na kung saan doon naka lagay ang mga sinusuot ko sa pakikipaglaban ko.
Hinintay ko ang oras mag 10 pa lang at bagot na bagot na ako mamaya pang 11 ang laban ko para kaming mga aswang.
Tumulog lang ako saglit at pag gising ko ay 11:00 na
"Shitttt"- sabi ko sa sarili ko.
Bawal kaming mahuli sa laban at kapag nahuli ka ay talo kana. Hindi ako pwedeng matalo ng ganun ganun lang dahil lang sa oras.
Kaya nagbihis ako kaagad ng dali dali ,pagkatapos noon aaklat ulit ako sa pader namin hahaha parang magnanakaw lang.
Pinatakbo ko ng mabilis ang motor ko upang makarating agad ako. Pagdating ko doon ay pumasok agad ako.
"QUEEN A. kapag wala ka pa common sense na talo ka na"- sabi ng emcee.
At kita ko ang kalaban ko na inagaw ang mic sa kanya.
"Takot ka bang magkipaglaban sa akin? isa kang MAFIA QUEEN tapos ikaw pala itong takot, akala ko ba hindi ka natatakot kahit kanino"- sabi nito sa akin.
Tumalon ako mula sa taas at gulat ang lahat.
"Kung nandito sana ako kanina ka pa, sana kanina ka pa tulog" sabi ko sa kanya sabay ngisi.
Bawal pumatay dito sa loob ng tournament namin isa yun sa rules , kapag nasa labas ka lang ay pwede ka ng pumatay anytime.
"Hahahaha talaga ba, diba't mahina ka? "- pang -aasar nito sa akin
Lalaki ngayon ang kalaban ko at masyadong maraming satsat.
Hindi ko na siya inimikan upang hindi uminit ang ulo ko dahil nag iiba ako kapag nawala ako sa huwesyo ko
"Oh bakit nanahimik ka dyan, totoo naman diba"- sabi nito sa akin.
At nagsalit ito sa mic
"Ang inuturing ninyong MAFIA QUEEN ay isa pa lang mahina"- sabi nito sa lahat.
"Ge lang hanggat nakakapag timpi pa ako "- sabi ko sa isip ko.
"Ito ba ang sinasabi ninyong malakas sa buong bansa natin"- sabi pa nito sabay tawa ng malakas rinig na rinig ang tawa niya dahil sobrang tahimik ngayon.
Isa rin siyang kinakatakotan dito sa tournament namin, sobrang laki ng galit nito sa akin dahil natalo ko siya para maging isang mafia Queen/ King. Wala rin palang ibubuga
"Pinagyayabang ninyong taong ito mahina naman pala"- sabi nito sabay ngisi habang dinuduro ako.
Yun ang ayaw ko yung dinuduro ako kahit sinong tao dahil nakakabastos ng pagkatao ko ang ganun. Kaya tinadyakan ko na ito sa tiyan niya.
"Masyado kang madaldal"- sabi ko dito at kitang kita ko sa kanya na nahihirapan siyang huminga.
Ngunit nagkamali ako nag acting lang siyang nasasaktan.
"Hahahaha yan lang ba ang kaya mo MAFIA QUEEN"- sabi nito at may diin sa salitang MAFIA QUEEN.
"hindi lang yan ang kaya ko at ngayon ipapakita ko"- sabi ko dito at sumugod agad ako at tiniik ko ng sobrang higpit nagtataka ako dahil paanong hindi niya ako maiiwasan at alam na alam niya ang bawat galaw ko.
Inisip ko na isa itong patibong upang mapatay ko siya at nawawala na ako sa sarili ko ngayon. Tiniik ko siya ng tiniik hanggang sa umangat na siya sa kinatatayuan niya.
"Queen"- sabi ng emcee
At bumalik ako sa katinuan ko. Binaba ko na ito at napuputla na siya ngayon.
"Tsskkk kung walang tumawag sa akin baka wala ka ng hininga ngayon"- sabi ko sa kanya.
Nagpakalma muna ako ng sarili ko upang hindi ako makapatay sa loob ng tournament na ito.
"Simulan na natin ang laban "- sabi ng emcee
By the way ang kalaban ko ngayon ay si Claimor mas demonyo pa sa demonyo pero ako ang satanas dito.
Sumugod agad ito sa akin. Tudo ilag lang ako sa mga pinag gagawa niya. Mabilis siyang kung kumilos at gumalaw halos walang tigil siya hanggat hindi ako natatamaan. Nasuntok niya ako sa likod at sumuka ako ng dugo at tumumba ako.
"Awwwsss Queen"- sabi noong isang manonood
"Hala anong nangyari bakit siya parang bumabagal ang kilos "- sabi ng isa pang manood.
Hindi ko rin alam kung bakit bumagal ngayon ang kilos ko. Ang totoo ay hindi ko rin kanina masabayan ang mga kilos niya.
Anong nangyayari sa akin? Sabi ko sa sarili ko.
Tumayo na lang ako at hindi ko pinahalatang masakit.
Sumugod ulit siya at hinahayaan ko na lang siyang sumugod. Natamaan nanaman niya ako sa sikmura ko. Ngunit hindi ko na ininda yun at tudo sipa, tadyak suntok kaming dalawa . Hindi kami pinagamit ng pana o kung anung mga gamit kamay lang pinagamit sa amin.
Sumipa ako ng malakas at natamaan ko siya ako naman ngumisi tumayo agad ito at tuloy tuloy lang kami naglaban hanggang sa na pagod siya at ako naman ang sumugod sa kanya hindi na niya kayang tumbasan ang bilis na meron ako ngayon. Hindi rin ako mabilis mapagod 5-9 na oras ang tagal ko bago ako mapagod.
Maya maya ay may binunot siyang pana, nagtaka ako bakit nagkameron siya nun tssskkkk hindi na ako magtataka sa kanya, tinakot nanaman niya ang mga mangingialam sa gusto niya. Marumi siyang makipaglaban
Tudo ilag lang ako inahintay ko lang maubos ang lahat ng pana niya ngunit hindi na uubos. Kaya tudo ilag ako ng ilag , na ubos na niya ito at sumugod naman sa akin.
Pagkagaling niya sa ere ay sumipa naman ako. Tumalsik siya sa taas at hindi ko siya nakikita ngayon. Madilim ngayon at hindi ko siya maaninag.
Maya maya ay umatake siya mula sa taas at muntik na akong masaksak sa ulo at hindi ko alam kung saan nanaman galing yung kutsilyo niya.
Wala ako ngayon hawak na armas at ang tanging gamit ko lang ay kamay ko.
Sumugod na siya at tudo iwas lang ako at sumasaksak na lang siya sa hangin at binilisan ko pa ang kilos ko ngayon.
Nung masasaksak na ako ay pinadulas ko ito sa mga palad ko. At pilit ko itong kinukuha sa kanya.
Maya maya ay nakapitan mko na itong kutsilyo at ngayon ay hawak ko na.
Ako naman ngayon ang sasaksak sayo. Masyado mo ako pinahihirapan Claimor.
Magkaharap na kami ngayon at naghihinatayan sumugod. Sumugod na ako at pumunta ako sa likod niya hindi ko siya sinaksak kundi sinipa ko siya ng malakas at sinuntok ko rin siya ng malakas sa likod.
"Aray"- rinig kong daing niya
Sinugod ko ulit siya ng sinugod sipa, tadyak, suntok, ang ginawa ko ng sabay sabay tumalsik siya at nanilisik na ang mata niya sa inis.
Maya maya ay sumugod na ulit siya at tudo iwas na ako. Na iinis na siya ngayon at ako ngayon ay nag eenjoy makipaglaro sa kanya.
Dati hirap na hirap ako sa kanya noong baguhan pa lang ako. Minamaliit niya ang kakahayaan ko noon pa simula noong pumasok ako.
Sinasabi niyang hindi daw ako karapatdapat maging isang MAFIA QUEEN dahil babae lang daw ako at wala daw akong kakayanan pagdating sa pakikipaglaban.
Kaya lahat ng sinabi niya ay tinandaan ko at nag ensayo ako ng tudo tudo. Pinagtuunan ko muna ito ng pansin kaysa sa pag momodeling ko madali lang naman ang pagmomodeling kaya walang kahirap hirap.
Sinuntok ko na ito ng malakas sa batok niya at nakatulog na siya, bumabalik ang lahat ng sinabi noon sa akin. Tuwing magkakaharap ko ito ay gustong gusto ko syang patayin at mautak ang gago hindi nag papakita sa labas palaging nagpapakita lang sya sa loob ng tournament.
"Woaaaahhhhhh Galing galing mo talaga Queen A."- sabi ng isa sa mga nanonood
"Sobrang galing mo talaga ikaw talaga ang karapatdapat na maging MAFIA QUEEN"- sabi ng isang manonood
At saby sabay isang tumayo at nagpalakpakan habang sumisigaw.
Sila ang saksi sa lahat ng pinaghirapan ko.
Sila ang saksi kung gaano ako minaliit ng mga taong hindi naniniwala sa kakayahan ko.
Sila ang dahilan kung bakit ako nasa mataas na posisyon.
Sabay umalis agad ako.