Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Ismael, na siya ay sinampal ng kaniyang sekretarya. At ano kamo? Delivery successful? Ni hindi niya nga kilala ang Clarisse Alcantara na tinutukoy nito, pero hindi malabong isa ito sa mga babaeng naikama niya. “Sorry talaga Sir,” Nakangiwing saad ni Celestine, may hawak na cold compress na siyang mabilis niya namang hinablot. “Sinampal ako e,” Dagdag pa nito, sinisisi pa siya. “Okay na nga,” Ismael tsked. “Huwag mo ng ipaalala, kumikirot lang ang pisngi ko.” Sinungitan niya pa ito. Talaga namang masakit. Baka nga bumakat pa ang palad nito sa kaniyang pisngi. Grabeng babae ‘to, ang bigat ng kamay! Hindi ito ang unang beses na nasampal siya, sa gago niya ba namang ‘to? Pero ito ang unang beses na napa-aray talaga siya sa sakit, na para b

