Betrayal 15 Jade’s POV Wala nang nagawa si Jarvis dahil kung hindi niya gagawin ang utos ko, ibabalik ko siya kay Kareen eh ayaw naman niya so sinunod nalang niya ang utos ko haha ang talino ko talaga. At isa pa, ginagaw ako ito para makabawi doon sa babaeng sinaktan niya. Si Zianne. This is the first day of getting back to the old Zianne. #BeautyQueenisBackSoon. Nasa harapan na kami ng condo uniti ni Zianne sa may Ortigas. Alam na alam ni Jarvis ito dahil minsan na raw siyang dinala ni Zianne dito noon. Tinanong ko kung nagsex silang dalawa, tinignan niya lang ako ng masama. Anong masama sa tinanong ko? Eh hindi narin naman kami mga bata. At isa pa? past is past. Unless may tinatago siya na ayaw niyang marinig ko? “Anong masama sa tanong ko?” singhal ko pa sa kanya ng minutong iyon

