Betrayal 9 Ivo’s POV Hindi ko inaasahan na madali siyang mahuhulog sa patibong ko. At mas lalong hindi ko inaasahan na ganito ko lang kadali na makuha ang sarili niya. Dahan-dahan kong inidikit ang aking labi sa kanyang tenga. At mahina kong ibinulong sa kanya na… “Make love to me, Jade.” Naramdaman kong kinilabutan siya sa boses kong iyon. Napangiti ako ng patago sa kanya bago ko siya binuhat at nagpabuhat naman siya saka ko siya dinala sa kwarto ko. Doon ay nilock ko ang pintuan upang walang sino man ang makarinig sa gagawin naming dalawa ni Jade, at iisipin naman ng ibang tao na si Jessy itong kasama ko sa kwarto at hindi ang ibang babae. Umupo si Jade sa kama at parang may kung anong gumugulo sa isipan niya. Alam kong mali itong ginagawa namin, she was my girlfriend’s bestfriend at

