Betrayal 6 Jade’s POV Trabaho na ang lumalapit sa iyo Jade aarte ka pa ba? Siyempre hindi na! ito ang sagot ko sa sarili ko habang inaantay ko ang mokong na ito na sabi magkikita kami pero halos kainin na ng puwitan ko ang inuupuan ko sa loob ng café na ito at kanina pa napapansin ng crew sa café na iyon na hindi pa ako umoorder ningingitian ko lang siya kapag dumadaan siya sa aking harapan. Buwisit na Jarvis ito, ang kapal ng mukha niyang pag-antayin ako. “Miss oorder ba kayo o hindi?” tanong pa nito sa akin. “Uhm, wait lang may inaantay lang talaga ako, saglit nalang po. Please.” Pagmamakaawa ko pa sa babaeng ito. “Kilala ko mga karakas niyo, kaya kung ako sa inyo umalis na kayo bago ko tawagin ang manager ko,” “Kahit tawagin mo pa ang nanay mo, hindi ako aalis dito, at isa pa. wal

