Betrayal 33 Jade’s POV “Mahal na mahal din kita…” dahan-dahan kong inilingon ang aking ulo, patungo doon sa direksyon ng isang tinig na nagsabi na mahal din niya ako. Pamilyar ang tingin niya sa akin. Pamilyar ang boses na narinig ko sa kanya. Pamilyar ang nararamdaman ko sa kanya. At sobrang pamilyar ang hawak-hawak niyang ng mga oras na iyon. Tsaka yung taong katabi niya sa kanyang gilid. “Sir Vince?” bulalas ko pa. ngumiti lang ito sa akin at saka lumapit, niyakap ako at hinalikan sa pisngi at tuluyan nang umalis sa aming harapan. “So, tayong dalawa nalang.” Sabi pa niya sa akin. “Aalis na ako.” Sabi ko sa kanya, at naglakad ako pa-iwas sa kanya. Pero nahawakan niya ako sa braso at malakas ako nitong hinilas a kanyang bisig at niyakap. “Tang-ina Jade. Wag mo na akong iwasan please.

