BETRAYAL 30 Jade’s POV Sa muling pagmulat ng mga mata ko, hindi ko inaasahan muli ko na naman siya makita. Tinitigan ko siya ng husto, he was staring at me na para bang wala na talaga siyang pakielam sa akin. Pero kaagad akong nagtaka. In the first place, kung wala siyang pakielam sa akin anong ginagawa niya sa harapan ko ngayon? At bakit siya narito kung tunay ngang wala na siyang pakielam sa akin? Ang tanga mo kasi Jade. Umaasa kang patatawarin ka niya pagkatapos mo siyang ipagtabuyan? Kaunti nalang ang mga lalakeng martir. Sa tulad niyang playboy? Wag ka nang umasa pa. “Okay na ba ang pakiramdam mo Jade?” mabuti pa si Ivo, sobra ang pag-aalala sa akin. Pero gusto ko rin na sabihin at maramdaman na nag-aalala si Jarvis sa akin. Oo na sobra ko nang namimiss yung pag-aalala niya sa aki

