TAHIMIK si Liza habang ginagamot ang kanyang kamay. Labis niya itong na-miss. Hindi niya napigilan ang sarili na hindi haplusin ang mukha nito. Alam niyang labis niya itong nasaktan at hindi niya alam kung paano makakabawi sa babae. Labis ang kanyang pagdurusa sa tuwing na iniiwasan niya ito noong mga panahon na hindi niya kinakausap ang babae. Hindi lang naman si Liza ang nahihirapan dahil maging siya ay para siyang mamamatay sa sakit. Gusto niya itong yakapin at ikulong sa kanyang mga bising pero hindi niya magawa. Natatakot siyang ipagtulakan ni Liza. Gusto niyang makasama si Liza sa kaarawan nito pero hindi niya nagawa. Mas napasaya pa ito ni John na labis niyang ikinalungkot. Siya dapat ang kasama nito at hindi ang lalaking nanakit sa puso nito. Hindi niya 'yon matanggap. Hindi m

