ALAS SAIS pa lang ay gising na si Liza. Nag-almusal na siya at naligo dahil may hinihintay siya ngayon. Mabuti nalang talaga at pumayag si John sa pakulo niya. Alam niya kasing hindi sasalo sa almusal si Mike kapag alam nitong kasabay siya, kaya kinuha niya na lang si Miggy at nilaro sa loob ng nursery. Agad niyang tinawagan si John nang makita niyang kumakain na ng almusal si Mike sa kusina kasama ang mga magulang nito. Nagulat pa siya sa lakas ng kantang narinig niya mula sa labas. Napasilip siya sa bintana. Nasa pangalawang palapag ang silid ni Miggy at kitang-kita niya ang nasa labas kahit pa mataas ang bakuran ng mga Salazar. Banda yata ang dala ni John habang kumakanta ito sa saliw ng musikang the gift. Ang aga nitong mangbulahaw. Wala siyang maipipintas sa boses ni John dahil ta

