CHAPTER 77

2351 Words

YUCEFINA PINASINGAW na naman ng hunghang na ‘to ang pisngi ko! Paano ba naman kasi, inutusan n’ya ako bigla na mag-money sign. Akala ko kung ano ang gagawin n’ya… ‘yon pala, palulusutin n’ya ang hintuturo n’ya sa butas na ginawa ko?! TAPOS TINAWANAN N’YA PA AKO DAHIL MALAMANG, NAKITA N’YA AGAD NA NAMULA AKO! “Kung ayaw mong ingudngod kita sa lunch box, kumain na tayo,” seryosong pagbabanta ko. “Yes, ma’am,” mabilis n’yang pagsangayon pero naniningkit pa rin ang mga mata ko dahil nakikita kong pwersahan n’yang tinitikom ang kan’yang bibig. Gan’yan s’ya kapag pinipigilan n’yang matawa o ngumiti! Kinapitan ko na lang ang kutsara at tinidor para kainin ‘tong pasta na ang daming seafood toppings. “I thought you are going to feed me?” Inangat ko s’ya ng masamang tingin. “Wala ka bang kamay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD