KINAUMAGAHAN no’n, hindi kami pumasok ni Logan dahil paglalaanan namin ang oras si Mister Hujo. Maaga s’yang umalis para sunduin ang Kuya n’ya habang ako naman, nag-a-arrange ako ng mga miryenda rito sa lilim ng puno dahil maya-maya andito na sila. “Is he handsome as Logan?” tanong bigla sa ‘kin nitong Veranica. Naka-upo na s’ya harapan ko habang naka-tayo naman ako at ina-align ng maayos ang mga green tea flavored macarons sa fountain tray. Binisita na naman ako nitong babaita tapos s’yempre, kinuwento ko na agad sa kan’ya ang latest na ganap nu’ng mga wala s’ya. “Ikaw na ang mag-judge kapag makita mo na si Mister Hujo. Para sa ‘kin, guwapo s’ya,” komento ko. “Really? Is he single?” Ngumisi ako ng pagak sabay tinitigan s’ya. Med’yo mainit ngayon kaya pinapaypayan n’ya ang sarili gam

