Chapter 1

2001 Words
NAGISING AKO sa tilaok ng manok ng kapitbahay namin. Nag stretch muna ako ng kamay ko bago ako nakapag desisyon para bumangon. Mag-isa nalang ako sa buhay. Matagal na akong ulila simula ng 15 years old palang ako, walang may gusto umampon sakin na kamaganak dahil salat din ang mga ito sa buhay. Kaya napag desisyonan ko na umalis nalang at buhayin ang sarili ko. Naging palaboy ako dito sa Manila, natutulog lang ako sa kalsada hanggang sa napunta ako sa simbahan ng quiapo at don may nakilalang matandang babae, inampon ako nito, dahil wala narin itong kasama sa bahay, agad ako pumayag at sumama kay lola Tessa at dinala ako nito sa bahay nito, binihisan, pinakain, pinag-aral ako nito at tinuring na apo. Tatlong taon na ang nakakalipas nang mamatay si lola Tessa at iniwan sakin ang maliit na bahay nito. Noong nakaburol si lola ay kahit isang kamag anak nito ay walang pumunta, kaya mas lalo akong nalungkot para kay lola wala man lang dumalaw na pamilya nito kahit patay na ito. Malungkot ako nakatira sa bahay ni lola Tessa dahil mag-isa na naman ulit ako. Hindi ko man lang natupad ang pangako ko kay lola na kapag nakapag trabaho ako ay ipapaayos ko ang bahay nito. Office Administration lang ang kinuha ko dahil hindi kaya ni lola ang budget, minsan ay nag titinda ako sa school namin para may pang baon ako at pang gastos ng mga project sa school. Hinintay lang ni lola Tessa na maka graduate ako at tatlong araw lang ang nagdaan ay namatay ito, mapayapa itong namatay sa higaan nito. Napabuga ako ng hangin ng maalala ko si lola Tessa ang laki ng utang na loob ko rito, kung hindi sakanya ay baka nasa kalsada parin ako hanggang ngayon at naging palaboy. Pumasok ako sa maliit naming banyo para maligo dahil mag hahanap ako ng trabho ngayon. Na endo kasi ako sa pinapasukan ko na Mall kaya kailangan maghanap ulit naayos ko narin ang mga requirements ko. Nang matapos ako maligo ay agad ako nag bihis. Nag suot lang ako ng black slocks at longsleeve para pormal ang ayos ako nilugay ko lang din ang color brown ko buhok na umaalon-alon dahil sa curvy nito. Nong nag-aaral pa ako ay madaming na iingit sa buhok akala pa ng mga ito na kinulayan ko ang buhok ko, pero natural ang pagk brown ng buhok ko, yung kulay ng mata ko na may pagka chocolate, matangos din ang ilong at may maliit na mukha, matangkad din ako na naman ko sa aking ama at ang maputi ko balat na namana ko sa aking ina. Lagi din nila ako pinipilit sumali sa pageant sa school dahil sa may kurba ang katawan ko at sabi nila maganda daw ako. Nakatingin lang ako sa salamin at sinusuklay ang curvy na hair ko, naglagay na din ako ng lipstick sa labi ko. Nang makita ko maayos na ang hitsura ko ay kinuha ko na ang envelope kung saan nakalagay ang requirements ko. Naglakad ako papuntang pinto at lumabas na at siniguradong naka lock ang pinto. Naglakad ako palabas ng eskinita. Pag labas ko ay agad ako nag hanap ng trycle, binati pa ako ng mga tambay na tinanguan ko lang ang mga ito at naglakad papunta sa padating na trycle at sumakay. Tumunog ang phone ko na de'keypad sa bulsa ko, ito yung unang regalo sakin ni lola Tessa sakin nang maging first honor ako sa highschool at palaging matataas ang grades ko. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag nang makita ko si Gwen ang tumatawag ay sinagot ko agad. "Hello." bati ko kay Gwen. "Uyy Accla ka! Asan ka na?" sagot nito sakin. "Nasa trycle palang ako eh papunta na dyan." nakanguso ko sagot. bumuntong hininga ito bago sumagot. "nasa loob na kami at nakapila na. bilisan mo baka maubusan ka na ng slot, kaloka ka talaga Kamari." naiinis na sabi ng kaibigan ko, kasama ko kasi to na endo din sa work at susubukan sana namin mag apply sa isang malaking company dito sa Pilipinas, balita kasi ang laki daw mag pasahod ng may-ari nito, si Gwen naman ang habol ay makita ang ceo ng companya balita din kasi na napaka gwapo daw nito na parang greek God, makapag pigil hininga daw ang ka gwapuhan nito at makalaglag panty sabi ng mga nakakita na nito, minsan lang din daw ito nagpapakikita dahil lagi daw itong nasa ibang bansa dahil nga sa dami ng nagkalat nitong negosyo, oh diba, ang yaman. Ngunit para sakin ay ang habol ko lang ay makapag trabaho ako, kahit taga linis nalang ng banyo okay na sakin basta ba malaki ang pasahod. Nang makarating na ako sa labas ng company ay napa angat ako ng tingin, kinailangan ko pang takpan ng kamay ko ang sa may itaas kung mga mata dahil sa taas ng building nato at halata rin na mayaman ang may-ari. Inayos ko ang damit ko at naglakad papunta sa dalawang guard. kinakabahan ako at pinagpapawisan ang mga palad ko, sabi din kasi nila na hindi din daw basta-basta makakapasok para makapagtrabaho rito. Kaya kahit 50/50 susubukan ko parin mag aaply. Ngumiti ako sa dalawang guard na nagbabantay. "Good morning po, Sir. Kasali po kasi ako sa mag aaply, pwede pa po ba ako pumasok?" na late kasi ako at baka strikto ang Company. Tumango ang isang guard. "Bilisan mo Ma'am at baka hindi ka na maka abot sa slot, kanina pa kasi yun nag uumpisa." sabi sakin ng guard at tinuro sakin ang front desk para humingi ng applicant id. Nakangiti ako inabot ang id at nagmamadaling tinungo ang pasilyo kung saan iinterviehin ang mga applicante. Nang nasatapat na ako ng pinto binuksan ko ito agad, bumungad sakin ang mahabang pila ng mga aplikante, lumingon pa ang mga ito sakin kaya napayuko ako. "Applicant?" tanong ng babae sakin na naka suot ng eyeglass. Tumango ako at sumagot. "Yes, Ma'am" Nakita ko may sinulat ito sa maliit na papel at inabot sakin. Inabot kk ito at napabuga ng hangin ika-105 ako na applicante. Hindi ko makita si Gwen kung saan dahil sa haba ng pila at ako pa talaga ang pinaka last. Lumapit sakin yung babae kanina na nag bigay ng applicant number sakin. "Akin na resume mo at ibibigay ko na kay Sir Evander." lahat ng mga sa unahan ko ay parang kinikilig nang marinig nila ang pangalan na yun, pangalan kasi ito ng may-ari ng Company, tinry namin ni Gwen isearch ang mukha nito kaso kahit isa ay walang lumalabas. Nakangiti ako na inabot ang folder na may lamang resume ko. "Thank you po." nakangiti ko pasasalamat. Ngumiti lang ito at tumango at umalis na sa harap ko. Narinig ko naman na nag bulong-bulongan ang mga nasa unahan ko. "shock beh.. kahit hindi ako matanggap as personal assisstant ay oks lang, makikita ko naman ang may-ari, para narin ako nanalo ng lotto n'on" "ayy.. true te! sabi ng friend ko na nag wo-work rito ay wala daw itong asawa, bali-balita mga beh." Napa-iling nalang ako sa mga kasama ko na nag aaply, malamang 80% sa mga nag aaply rito ay gusto lang talaga makita ang ceo, masyadong misteryoso ang lalaki na ito marami narin daw ang nagtangka na interviehin ito at kahit isa ay walang nagtatagumpay, rules din daw sa companya dito na nasa locker lang ang phone kapag oras ng trabaho at bawal mag picture lalo na kung nandito ang ceo dahil pag nahuli ka ay deritso tsugi ka. Nangalahati na ang pila at lahat nang tapos na ma interview ay may ngiti sa labi ang iba ay tumitili pa dahil sobrang gwapo daw talaga. Nakayuko ako at nag darasal na sana ay matanggap ako, kung di papalarin sa personal assistant kahit janitress na oks na ako dun. Napaangat ako ng tingin ng may kumalabit sakin, ang kaibigan ko pala. "Gwen.. ano? Natanggap ka ba?" ngumiti ito at parang nag iimagine. "Hindi eh!" hindi daw pero naka ngiti, pektusan ko to sa eye ball eh. "Gosh!! Accla.. ang gwapo niya.. di ako naka sagot sa tanong nito dahil natulala ako accla.. grabe naman kasi ang ka gwapuhan ng lalaking yun, idagdag mo pa ang katawan na kahit naka suot ng suit ay alam mong yummy, oh my god teh!!! Makalaglag panty talaga te." tili nitong sabi. Siniko ko naman ito ng tumingin samin yung babae na nasa desk at masama kaming tinignan. "Wag ka ngang maingay." sita ko rito. "Ayy naku accla!! ang gwapo-gwapo talaga nito, at ang mga mata nito na kulay berde para kang na hihipnotizmo kapag nakipag titigan ka." nag iimagine nitong sabi. Napatigil kami ni Gwen ng palabasin na ito ng nasa desk na babae ang gaga kasi ang ingay. Nag text nalang ako sakanya na mauna na siya umuwi dahil baka matagalan pa ako dahil nasa 65 pa ang na iinterview at hanggang ngayon ay puro failed, wala paring na ha-hire, pano ba naman kasi ang habol lang naman ng mga ito ay makita ang may-ari. Hanggang sa palapit na ng palapit ang number ko nasa 100 na ang iniinterview ng pinatigil na ito dahil may na hire na daw. Bagsak ang balikat naming lim na hindi na interview. Tumayo ang mga kasama ko, ako naman ay hindi muna gumalaw. Nakita ko pa dumaan ang babaeng na hire at tinaasan ako ng kilay at lumabas na ng room. Humugot ako ng malalim na hinga at tumayo na sa upuan at naglakad papunta sa pinto. Lumabas na ako don at hinanap ang elevator. Nang mahanap ko pindot ko ito at nag hihintay na bumukas ang pinto. Nang bumukas na ay akmang papasok sana ako nang may humawak sa braso ko na ikinatigil ko. Dahan-dahan ako lumingon para pagalitan ang humawak sakin ng nanlaki ang mata ko sa nakita ko at napanga-nga. Napatitig ako sa mukha nito at napalunok ng laway, nakakailang ang kulay luntian nitong mata na parang nakakahipnotizmo. Matangos ang ilong nito at may pagka pula ang labi, napaka perpekto din ng jawline nito, nakatingala pa ako sakanya dahil sa tangkad nito, lalaking-lalaki din ang katawan nito dahil sa malapad nitong balikat at parang bumabakat ang muscles nito sa suit niyang suot. "Agápi mou." mapupungay ang mata nito na sabi nito sakin. Hindi ako nito nilubayan sa pagtitig na ipinagtataka ko. Mahigpit din ang pagka hawak niya sa wrist ko. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin, magkatitigan lang kaming dalawa. Ang bilis din ng t***k ng puso ko, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako.Nagulat ako nang hinila ako ng lalaki papunta sa katawan niya at niyapos ng yakap. "T-teka!!!" nauutal ko sabi. "Finally. Agápi mou." nakayakap niyang sabi sakin. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Pilit ko siyang tinutulak sa pagkayakap sakin ngunit masyado siyang malakas dahil mas malaki siya sakin at matangakad pa ito. "S-sir.. why are you hugging me? I can't breath." reklamo ko dahil sobrang higpit ang pagkakayakap niya sakin. Mas lalo lang yata ako nagulat ng mabilis ako nitong hinalikan sa labi. Mabilis ko siyang itinulak ngunit napaka tigas ng katawan ng lalaki pinilit kung humiwalay dito at binigyan ko siya ng malakas na sampal. Wala na akong pakialam kung siya ang may-ari. Kaloka siya, bigla-biglang nang hahalik. Mabilis ako tumalikod sakany at akmang sasakay ulit sa elevator nang maramdaman ko na para akong binubuhat. Napatili ako nang isinampay ako nito sa balikat na parang sako ng bigas at naglakad pabalik ng office niya. “Ano ba.. ibaba mo ko, sir." pag pupumiglas ko ngunit para itong hindi naririnig ang sinasabi ko at patuloy na naglakad papunta sa office niya. Hindi ko alam kung bakit ganito siya sakin hindi ko naman siya kilala at ngayon ko lang din siya nakita. Pilit parin ako nag pupumiglas sa balikat niya ngunit pinalo niya ang pang-upo ko. “Bastos.” sigaw ko sakanya ngunit wala man lang sakanya ang sinabi ko. Hindi ko alam kung makaka uwi paba ako sa bahay namin, sana lang makatakas ako sa lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD