CHAPTER 17 – HUGO’S DEEP SECRET
SANDRO HERRERA’S POV
“I’m with my special someone... I’m with my boyfriend,” proud Miko’s answer. Namula pa ako’t napangiti.
“Ah okay... sige, call or text mo na lang ako kapag nakasakay na kayo at nakakuha ka na ng ticket...” Matamlay na pagkakasaad ng Christian sa telepono...
“Oh sige ‘tol, enjoy ka na lang muna diyan...”
Pagkababa ni Miko ng telepono’y lumapit siya sa mesa sa tabi ko’t inangat naman niya ang telepono rito upang tumawag sa food service to order lunch...
“Sino pala si Christian, hubby?” Tanong ko habang nakaangat ang telepono sa tainga ni Miko.
“Wait lang hubby ko, kausapin ko muna ang food service... at anong gusto mo pala?” Sambit ni Miko’t inabot nito sa akin ang menu na nasa mesa.
“Uhmmm.. Spaghetti with meatballs and pineapple juice...” sambit ko habang nakatingin sa menu.
“Okay, ganyan na rin sa akin...”
Pagkababa ni Miko ng telepono’y binalikan nito ang tanong ko sa kanya kanina.
“Sino si Christian?” Sambit ni Miko’t napatango na lang ako.
“Si Christian... ang kaibigan at kababata namin ni Railey...”
“Oh I see... kung maka-Beh naman siya parang.... hmpf!” sambit ko kasabay ng pagbisangot ko.
“Hahaha... nagseselos ka hubby ko? Hehehe...” si Miko, kasabay ng pagkiliti niya sa aking tagiliran.
“Oo hubby ko... Hehehe...” tugon ko habang umiilag sa muling pagdapo ng kanyang mga daliri sa aking tagiliran.
“Huwag kang mag-selos... mabait iyon... ma-mi-meet mo siya mamaya...”
“Ba’t parang antaray ng boses niya?”
“Hahaha.. ganoon talaga ‘yon hubby ko... pero macho man din ‘yon...”
“Macho? Eh, beki na beki ang boses niya...”
“Hahaha... Discreet ‘yon... open siya sa amin ni Railey simula noong bata pa lang kami... nurse din siya kagaya mo...”
“N-n-nurse???” Nanlaki ang mga mata ko, kasi nurse din ‘yong Christian na nakarelasyon ni Zie...
“Oh, para kang nagulat hubby ko?” si Miko’t bigla akong natahimik at napahinga ng malalim.
“Taga Laoag din ‘yong Christian ni Zie!” ani ko sa aking isipan habang nakatingin sa isang direksyong napapaisip...
“Hubby???” nagtatakang si Miko sabay tapik ng aking braso. “Para kang nagulat hubby ko?”
“Hindi naman... uhmmm, may naalala lang kasi akong Christian, ‘yong naging third party ni Zie...”
Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay na parang may naglalaro sa kanyang isip... “Iniisip mo ba na baka iisang tao lamang sila, ganoon ba ang kutob mo hubby ko?”
“Hindi naman...” kaila ko...
“Malayo naman siguro hubby ko, marami namang Christian diyan na mabait kagaya ng kaibigan ko... hehehehe...”
Sana...”
“Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano hubby ko...” sambit nito kasabay ng paghawak niya sa mga kamay ko.
“Uhmmm... Ang kaibigan mo, saan pala nagwowork, ilang taon na siya at nag-aral din ba siya sa Baguio?” tanong ko... pang-uusisa na rin.
“Sa Manila siya ngayon nagtratrabaho hubby, sa Manila Doctors... hindi siya sa Baguio nag-aral, sa La Union... sa La Finn’s Scholastica siya kumuha ng Nursing.. at kasing edad lang namin siya ni Railey...” saad ni Miko’t biglang uminit ang aking pisngi’t bumulusok ang kaba sa aking dibdib...
“No, he can’t be Christian Arquitola...” sa aking isip habang nakatingin sa mga mata ni Miko... siguro nataon lang na the same sila ng school ng Christian ni Zie sa Christian na kaibigan ni Miko.
“Sandro???”
“NO, HE CAN’T BE CHRISTIAN ARQUITOLA!” galit na galit kong sigaw sa aking isipan. Nakatingin lang ako kay Miko, ngunit pansin na nito ang pamumula ng aking mga mata.
“Are you okay hubby? Chubby cheeks???” si Miko... ngunit tila hindi ko narinig ang tinig niya.... Ramdam ko at ramdam din niya ang panginginig ng aking mga kamay nang biglang nabuhay sa aking balintataw at nanariwa ang mga sandaling para akong paulit-ulit na pinatay nila Christian Arquitola at ng ex-boyfriend kong si Zie Montemayor.
“Sandro, okay ka lang? Hubby ko?” si Miko.. at bigla kong hinila ang kamay kong hawak nito’t tumalikod sa kanya... upang hindi niya mapansin ang pag-usbong ng mga luha ko sa aking mga mata’t bumaba ako ng kama..
“Yeah.. okay lang ako...” matamlay kong tugon... “Mag-banyo lang ako...” ani ko... at tinungo ko ang banyong mangilid-ngilid ang luha...
Pagkasara ko ng pinto ay napasandal na lamang ako habang pilit kong winawaglit sa aking diwa ang mga masasakit na alaalang iniwan nila Christian at Zie... hanggang ngayon hirap ko parin itong makalimutan kahit kapwa ko na silang napatawad...
-----
MIKO MANALO’S POV
Sinundan ko siya hanggang sa may pintuan ngunit isinara na niya ang pinto ng banyo. “I know Sandro you still love Zie... coz until now... you can still feel the pain...” Lumapit ako sa may pinto, at inilapit ko ang tainga ko rito... I can hear... Sandro is crying... He’s still hurting until now...
“Now that I have you... I will not let anyone hurt you...”
Napapikit ako ng aking mata’t napayuko rito sa may pinto... “Halos magtatatalon ang puso ko sa tuwa kanina nang ipakita mo ang iyong larawan... nang sabihin mong ikaw ang Chubby cheeks kong matagal ko nang gustong mayakap... Sandro ang tagal kong hinintay ang araw na ito...”
Sumandal ako sa pinto, and I can still hear him crying... “Gaano ba kalalim at kasakit ang iniwan nilang bakas... at kung bakit hanggang ngayo’y nasasaktan ka parin mahal ko?” Galit kong saad sa aking isipan.
Clenching my fist... gustong-gusto kong pagsususuntukin ang pader, ngunit pinipigilan ko na lamang itong galit ko...
Napapikit at napahinga ako ng malalim kasabay ng aking pag-tango... “Staring at you Sandro... nang una kong matitigan ang iyong mga mata kanina sa loob ng bus... I had already the gut feeling... and praying na ikaw ang Chubby cheeks ko...” until I introduced myself at banggitin ni Sandro ang kanyang pangalan...
"Miko pala bro." Pakilala ko sa kanyang kasabay ng pag-abot ko ng aking kamay.
"Sandro brad."
And that moment... nang sabihin niya ang kanyang pangalan... halos maiyak na ako, ngunit pinigilan ko ang sarili ko lalo na nang mapansin ko ang suot niyang pulang polo shirt na ibinigay ko sa kanya...
"Ganda ng red polo shirt mo ah." sambit ko..
"Salamat."
"Saan mo nabili yan?" tanong ko.
"Bigay lang ito sa akin ng isang taong naging mahalaga sa aking buhay." ani niya... Ang red polo shirt na ibinigay ko... Sa totoo lang, kanina, gustong-gusto ko nang sabihing “Ikaw ba si Sandro Herrera? Ikaw ba ang Chubby cheeks ko?” kaya hindi ko mabitawan ang kamay ni Sandro hanggang sa dumating na ‘yong kundoktor para sa kanyang ticket.
“Marami na akong naisakripisyo’t pinagdaanan... muling makapiling... at mapasaakin ka lamang Sandro... Ngunit sayang nga lang dahil wala na si Papa...” napapailing kong bigkas kasabay ng pangingilid ng aking mga luha...
My foster Father is Sandro’s biological Father... Sandro and I are step brothers... Hindi Filipino si Papa... he is from Spain, nagpalit ito ng pangalan nang maging Filipino citizen na siya. Nakilala’t pinakasalan niya ang aming Ina dalawang taon ang nakalipas nang mamatay ang biological Father namin ng mga kapatid ko and I was 6 years old that time... Mayroong adopted son si Papa and he is Christian na kasing edad ko... hanggang sa ipakilala ni Papa sa amin si Sandro, ngunit malalaki na kami that time... Sandro was 13 and I was 15 when Papa introduced him to our family... May nabiling bahay at lupa, at malawak na farm sa Galimuyod, Ilocos Sur si Papa and every summer dito niya kami dinadala to spend quality time with Sandro... Nagtatanim kami ng mais, watermelons, nag-aararo ng bukid kasama ang mga farmers ni Papa... May poultry at piggery rin sa farm at natuto rin kaming mag-alaga ng mga hayop... I miss those moments... I miss everything sa farm... I miss Papa... and I miss Sandro... so much! Kuya Miko pa ang tawag sa akin noon ni Sandro... natatawa na lang ako dahil itong kuya Miko niya ay hanggang ngayon... mahal na mahal pa rin siya.... He is already chubby and handsome that time... ngunit mas chubby nga lang siya noong College and I find him more good looking... I like that he is overweight... I like his chubby cheeks... it’s handsome.
Ngunit ang malungkot, hindi na ako ma-recognize ni Sandro nang muli kaming magkita sa Baguio, sa school namin... We know that Sandro had an accident when he was 16 bago siya mag-College... and he is suffering from retrograde amnesia... na-ikwento na rin ni Sandro ang tungkol dito, but prior to ay alam ko na... nahulog ang sinasakyan nilang bus ng kanyang Mama sa Sablan, Benguet... iyon ang araw na magkikita-kita kami nila Papa sana sa La Union... Subalit, sinamantala ni General Ferdinand Herrera ang kalagayan ni Sandro upang mas mailayo pa niya si Sandro kay Papa... kaya siguro ganoon na lamang ang panggagalaiti niya nang malaman at makita niyang magkasama kaming dalawa... Naiyak ako nang maikwento ni Sandro kung papaano inilahad sa kanya ng kanyang pamilya ang mga alaala ng kanyang buhay na binura ng pagkakaaksidente nila ng kanyang Ina... naiyak ako ng sobra dahil hindi kami kasama sa mga alaalang muli nilang binuhay sa kanya... Gustong-gusto kong sabihin ang lahat kay Sandro nang muli kaming magkasama pero si Papa lang ang may ayaw, hindi ko alam kung bakit ngunit iyon raw ang kagustuhan ni Tita Feliciana, ang Mama ni Sandro... hindi ko lang matanggap ang biglaang pagkalaho ng kanyang mga alaala... lahat ng kanyang memories tungkol kay Papa, sa aming pamilya at sa kanyang Kuya Christian ay nabura... and including our special memories together before that accident takes place ay naglaho rin... kaya ginawa ko ang lahat-lahat upang mapalapit kay Sandro... Subalit, ang mas nakakalungkot lang ay hindi pa rin bumabalik ang mga alaalang binuo namin sa kanya mapahanggang ngayon...
Ilang beses akong sumubok na sabihin ang lahat kay Sandro noong College pa kami, ngunit pinipigilan lang ako ni Papa dahil ayaw niyang balikan kami ni General Ferdinand Herrera... pero mayroon akong hinala, at iba pang dahilan ang pamilya ni Sandro kung bakit ayaw na nilang magkaroon pa siya ng kaugnayan kay Papa... Nabanggit sa akin ni Mama nang mamatay si Papa that Sandro would be precious gem sa pamilyang pinanggalingan ni Papa sa Spain at hindi nararapat malaman ng kanyang pamilya na nagkaroon ito ng anak... at ito ang pinakaiingatang sekreto nila ng Uncle Ferdinand ni Sandro...
Noon pa’y matagal na kaming pinagbabantaan ng uncle ni Sandro, he even threatened the lives of my siblings and my Mother... at kaya ganoon na rin ang galit ko kay Railey nang malaman kong nakipagsabwatan ito kina Zie at General Herrera...
Papa died December of 2010, tomorrow will be his 6th death anniversary... and Sandro’s 24th birthday... I don’t how to start telling the truth to Sandro... hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na ang Uncle Ferdinand niya ang mismong pumatay kay Papa, sa kanyang tunay na Ama... I already stop communicating with Sandro... that was almost a year... ngunit hindi ko matanggap na kung bakit pinatay pa rin niya si Papa....
Gustong-gusto kong gumanti kay General Herrera sa mga oras na iyon, gusto ko siyang sugurin, gusto ko siyang barilin, at patayin kahit maging kapalit pa nito ang buhay ko makaganti lamang sa kanya... Subalit, nagmakaawa ang aming Ina sa akin, at kay Christian na gustong-gusto ring maghiganti... Nakita namin ang pagdurusa ni Mama sa pagkawala ni Papa, at hindi namin ninais ni Christian na dagdagan pa ito kaya tumupad kami sa kanyang kahilingan para sa kapakanan ng aming pamilya, at para na rin sa kaligtasan ng mga kapatid namin nang hindi na sila idamay pa ni General Herrera...
Ngunit kailanman hindi ako pinanghinaan ng loob at sukuan si Sandro, kahit pinagbantaan pa ako ng paulit-ulit, at gulpihin ng kanyang tiyuhin nagpatuloy pa rin akong gumawa ng paraan upang magkalapit sa kanya... hindi ko na ito ipinaalam pa kay Mama o kay Christian dahil alam kong hahadlangan nila ako...
Muli kong isinandal ang ulo ko sa pinto habang bumabalik sa aking diwa, ang araw na muntik na akong patayin ng Tito Ferdz ni Sandro.... September 25, 2012 sa harapan ng kanilang gate sa Itogon, Benguet... nang tutukan ako ng baril at bugbugin ng yumaong si Ferdinand Herrera at mawalan ng malay sa gitna ng kalsada... Ang langit na ang humatol sa kanya, at natuldukan ang kasamaan nito. Nagpabalikbalik ako kina Sandro, subalit, ang kamatayan lamang ng heneral at pagkakabenta ng kanilang malaking bahay ang nakuha kong impormasyon... hindi na rin ako natulungan ng Tita Brenda ni Sandro kahit buwan-buwan man ang pagpapadala ko ng sulat sa kanila.
Ngunit hindi parin ako natinag, at hindi ako tumigil ng paghahanap kay Sandro... Nanalig akong darating ang araw na ito, ang muli naming pagkikita naming dalawa... sa tagal ng panahon na aking hinintay nakagawa ako ng isang diary sa isang blog-website, dito ko inilahad lahat ng masasayang alaala ng aking pamilya sa mga panahong kasama namin si Sandro... nag-upload din ako ng mga larawan at videos na siyang magbibigay linaw at makakapagpatunay na kami rin ay kanyang pamilya...
Gusto ko nang katukin si Sandro, at tanungin kung okay lang siya sa loob... Narinig ko ang pagragasa ng tubig sa banyo, at nang ilapit ko ang aking tainga sa pinto’y mas nabagabag ako nang muli kong marinig ang paghagulgol ni Sandro sa loob... Gulong-gulo ngayon ang isip ko... Papaano ko sisimulang sabihin sa kanya na wala na si Papa lalo na’t muling nanariwa ang alaala ng kataksilang ginawa sa kanya ni Zie, at namamayani pa rin sa kanyang puso ang puot na namuo rito?
“Hinding-hindi na kita hahayaan pang malapitan ni Zie... at sana mamaya kapag nagkita na kayo ng Kuya Christian mo... sana okay na ang lahat sa kanya... sana hindi ka na niya sinisisi sa pagkamatay ng ni Papa dahil hindi mo naman ito kasalanan Chubby cheeks ko... at wala kang alam...”
Nanumbalik sa aking diwa ang sandaling natanong ni Sandro kung sino si Christian... “Haaay, gustong-gusto kong sabihin kung bakit ganoon na lamang siya kalambing sa akin... dahil kapatid natin siya... siya ang Kuya Christian mo Sandro...”
Napansin ko ang pag-ilaw ng iPhone ni Sandro... lumapit ako sa kama, at nakita kong tumatawag ang kaibigan niyang si Frances... I took his phone, I don’t know kung sasagutin ko muna saka ko kakatukin si Sandro sa banyo... nang makalapit na ako sa pinto’y hindi parin tumatahan si Sandro, rinig ko ang mga paghikbi’t iyak niyang punong-puno ng galit... napaatras ako’t napahinga ng malalim... hindi ko alam pero nag-ngingitngit na rin ako sa galit...
“Arggghhh, ano ba ang ginawa ni Zie at ng kalaguyo niyang Christian sayo Sandro!” umupo ako sa gilid ng kama’t kumalma... And I answered the call of Frances dahil hindi pa rin ito tumutigil sa pag-tawag...
“Hello Bes, please cancel your Batanes trip...” nag-aalalang boses ni Frances... hanggang sa tuloy-tuloy na ang kanyang pagsasalita... “Bes, your life is in danger.. Cinco Supremos wants you... hindi mo alam at hindi ko rin alam ang tungkol sa Cinco Supremos but they want you! Si Johnny my boyfriend, siya ang nagsabi sa akin na gumagawa na ng hakbang ang mga miyembro ng Alter Boys to hunt you at iba pang grupo ng sindikatong pagmamay-ari’t kakoneksyon nila... Kaka-receive lang ni Johnny ng info... Johnny is a district leader of Alter Boys... as well as your ex-boyfriend Zie... nag-usap kaming tatlo kanina sa telepono... nagulat nga rin kami nang sabihin ni Zie na alam na niyang buhay ka... dahil nation daw na iisang bus ang nasakyan ninyong tatlo ni Miko... nagkausap na rin kaming dalawa ni Zie... na-feed na raw sa lahat ng district leaders ng Alter Boys ang lahat ng info tungkol sa iyo Bes... ngunit si Zie, pinakiusapan niya si Johnny na tulungan siyang ilayo ka nang hindi ka mapahamak, and because they are friends... Your life is in danger Bes... Zie became a member and now a high ranking of Alter’s Boys... it is because of you Sandro... miyembro na siya ng gang bago pa maging kayo... Si Zie ang implanted spy ng Tito Ferdz mo sa mga Cinco Supremos... and remember Christian Arquitola??? Wala silang naging relasyon ni Zie... He is just blackmailing Zie, at kapag hindi sumunod si Zie sa kagustuhan at sa mga pinapagawa ni Christian, he will be revealing your identity sa Cinco Supremos na siyang ayaw na ayaw na mangyari ng Tito Ferdz mo... Christian is one of the Masters sa tinatawag nilang the house of Alters, and owned by the Cinco Supremos... Drugs, pornography and human trafficking ang business nila, kilala sila ng mga malalaking sindikato sa buong mundo... they are powerful... and they even fund terrorist groups... All this time Bes, Zie is just protecting you... Maraming sinabi at revelation si Zie... kung mas maaga nga raw niyang nalaman ang tungkol sa information na alam na ng Cinco Supremos ang tungkol sa iyo, napigilan pa niya kayo ni Miko sa paglipat ng bus... And Miko... he is a member of Alter Boys, at hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan siya... At ito pa Bes, sinabi sa akin ni Zie na silang dalawa ang partner sa initiation nang pumasok sa gang si Miko... and they had sex... Bes may nangyari sa kanila! Bes??? Bes?? Ba’t hindi ka sumasagot? Bes???”
To be continued...