LXV. KANINA PA HINDI mapakali si MaCo. Hindi niya alam ang gagawin lalo pa at ito ang unang beses na magkita muli sila ni Markus simula noong may nangyari sa kanila sa huling gabi nila sa Palawan. Naiilang siya at para bang nawala ang tapang niya. Kanina niya rin napapansin na panay nakaw ito ng tingin sa kaniya. Ang ginawa niya, hindi na lang niya ito pinansin kahit ang totoo ay nahihirapan din naman siya. Napabuntonghininga na lang siya nang wala sa oras. Nagsisisi tuloy siya kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon sa binata. Aaminin niyang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya noong panahong nasa loob na siya ng hospital. Nasa Jollibird sina MaCo kasama ang mga kaibigan niya. Habang nagkukuwentuhan ang mga kaibigan niya ay nakikinig lang siya. Hindi rin naman siya iyong tipo n

