LXVIII. MASAYANG KUMAKAIN SI Caitlyn at nakapokus lang siya sa choco fountain. Kanina pa siya nakatayo roon at ang puntarya niya ay ang malutong na barquillos. Marami namang pagpipilian ngunit isa sa paborito niya ang barquillos kaya ganoon. Habang naglalagay ng tsokolate sa barquillos na bagong hawak niya, may lumitaw na lalaki sa harapan niya at seryoso itong nakatitig sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay. Naiinis lang siya sa mukha nito. Sa tingin niya, nararapatan lang nitong irapan. Nang ngitian siya nito, nagulat siya kaya nahulog niya ang barquillos sa mesa. Pagtingin niya muli rito, kinindatan pa siya at inalayan ng matamis na ngiti. “Baliw ka ba, Edward!” inis na sabi ni Caitlyn. “I did nothing.” Nagkibit-balikat ito. “Did nothing? Akala mo lang iyon!” Natapos masabi iyon n

