"THEA, Let me—" Mabilis na umiwas si Mirathea nang lapitan siya ng lalaki. Sobrang sama ng loob niya. Naiintindihan niya na kasalanan niya ang lahat pero puwede naman siya nitong kausapin ng maayos. Hindi iyong para siyang tanga na umaasa siya na kaya siya nito pinakasalan dahil sa mga bata. Iyon din ang nakalagay sa contract na pinirmahan niya, na gusto nitong mabigyan ng kumpletong pamilya ang mga anak niya. Pero napakasinungaling nito. Walang puso. Mabilis niyang pinahiran ang luhang naglandas sa pisngi niya. Sunud-sunod din ang paghinga niya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang makita siya ni Faith na umiiyak. "Mama, are you okay?" inosenteng tanong ni Faith, na nakatingin na pala sa kaniya. Kinagat niya ang loob ng pisngi niya at pilit ngumiti. "Oo naman, baby. N

