"CONFUSED about what?" "Us. Magkayakap tayo ngayon na parang walang nangyari sa pagitan natin. I mean…wa-wala ka bang pamilya?" Tila may bumara sa lalamunan ni Zahra nang bitawan ang mga salita na 'yon. Natatakot ba siya sa isasagot nito? Siguro oo. Dahil kung mayroon na itong pamilya. Saan sila lulugar? "Did you see anyone with me?" Balik-tanong nito kaya naman napaangat siya ng tingin. Nagsalubong ang mga mata nila. Those cobalt blue eyes that she adores so much. Lalo na sa tuwing tinitingnan siya nito ng puno ng pagmamahal. Katulad na lang…ngayon? Bigla siyang napabangon dahil sa pagbilis ng t***k ng puso niya. Iniwas ang tingin saka yumuko. 'Is he still in love with me?' tanong niya sa sarili. Naramdaman niya ang pag-ayos nito ng upo. Hindi pa rin bumabalik sa normal na pagtibo

