"PA-PAPA." Bigkas ng sanggol na buhat ni Zahra habang nakatingin kay Clyde. Bakit ang sarap sa pandinig niya? "Do we look the same?" Ang boses ni Lorenzo ang umagaw sa atensyon nila na kalalabas lang sa isang pintuan. Lumapit ito kay Zahra saka binuhat ang sanggol. "Yes, son. Did you miss Papa?" "Pa-Papa," muling bigkas ng bata na ikinatawa ni Lorenzo. Mas nagtagis ang bagang ni Clyde sa nakikita. "We will play later, Wyatt." Ibinalik na ni Lorenzo ang bata kay Zahra. "Go upstairs, I need to attend to my visitors." Kinuha ni Zahra ang bata. "Ang kape mo malamig na. Ipapainit ko muna saka ko rin sila pahatiran ng kape," rinig nilang sabi nito. "Sure. Thank you, Hon." Hinalikan ni Lorenzo si Zahra sa noo pati na rin ang bata bago ito umalis. "Sorry about it, I can't help to show h

