MABIBILIS ang mga hakbang ni Clyde habang papasok sa kanyang mansion. Madilim na madilim ang mukha niya habang nakakuyom ang mga kamao. He can't believe what that woman confessed. "Master Cl—" Hindi niya pinansin si Jack at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Alam naman niya kung saan pinatuloy ang mga bisita niya. Kating-kati na siya na ipatama ang kamao kay Lorenzo. This time he won't stop himself. That bastard! Pabalabag niyang binuksan ang pintuan dahilan para magulat ang nasa loob. Naroon ang kanyang mga magulang at si…Lorenzo. Nagtagis ang kanyang bagang. At parang wala itong nagawa na kasalanan. Relax na relax na nakaupo. Nang magtama ang kanilang mga mata ay natigilan ito. Sino ba hindi? Kung bakas sa mukha niya ang matinding galit. Tumayo ito at hindi inaalis ang tingin sa ka

