Chapter 47 MABUTI NA LANG at 1st attack pa lang ang nangyari sa Papa ni Clyde. Ligtas na ito at kasalukuyan nagpapahinga sa ospital. Mas minabuti niya na manatili ang ama roon at bukas na lang pauwiin. Nagamot na rin ang sugat niya at ngayon nga ay wala sa sarili siyang nakatingin sa kawalan. Bago sila umuwi ay dinaanan nila si Wyatt para mapanatag si Zahra na ligtas ito. Mabuti na lang at nakaunawa naman si Trace na ayaw niyang pag-usapan ang nangyari. Halata naman kasi ang pagtatanong sa mga mata nito nang tingnan ang kamay niyang may benda. Pagkabalik nila sa bahay ay agad niyang kinuha ang sobre na pinatabi niya kay Jack. At ang mga nabasa ay nagbigay linaw sa kanya. Kung paano naitago ang tunay na pagkatao ni Lorenzo. Mapakla siyang natawa, nakakabaliw lang ang mga nangyayari. Ngay

