MAAYOS NA NAKARATING sa Agrianthropos sina Clyde. Lorenzo was directly sent to the hospital that Jake—one of the founders owns. Wala pa rin itong malay nang mailipat sa private room. Padapa ang pagkakahiga nito dahil nga ang likod nito ang napuruhan. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang initiation noon. Kung saan ganoon na ganoon din ang ayos niya. At least, hindi na nito iindahin ang mga latigo kapag namilit na maging miyembro ng Foedus. Kinausap na ni Clyde si Atty. Hart para kay Lorenzo. Ipinaalam na niya na gusto nito maging parte ng Foedus at siya ang magiging backer nito. Kayang-kaya naman nito ilabas lahat ng kailangan bukod nga kasi sa initiation ay may pera pang involve. Napalingon siya nang makita ang mga magulang at magulang si Zahra na papalapit sa kanya. Palabas na kasi si

